Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, September 28, 2010

TV5 expense P200M for Willing Willie

ANYTIME soon, mapapanood na ang Willing Willie sa TV5.

Kaya naman todo na ang ginagawang paghahanda ni Willie Revillame at kanyang staff, dancers, costume designers at lahat ng staff na sumama sa mula sa dati ni-yang show.

Balitang tumataginting na P200 milyon na ang nagagastos ng TV5 para lalong pagandahin ang set at studio ng Willing Willie.

Talagang kailangang pag-handaan ang bagong game portions ng show ni Willie to live up sa expectations at demands na rin ng contestants, para mas high tech ang mga gamit at hindi second class, ’di ba?

Nagpakita na rin ng suporta kay Willie ang mga umalis na trabahador sa ABS-CBN at piniling sumama sa kanya.

Ilan sa mga ito ang mga labandera ng kanilang costumes, choreographer, make-up artist, dancers at iba pang mga tauhan niya na umaasa kay Kuya Willie.

Sa kabila ng mga intriga at isyung kinakaharap ni Wil-lie sa ngayon, positibo pa rin ang TV host na malalampasan niya ang mga ito, lalo na ang mahigit P400-M kontra-demanda ng ABS-CBN sa kanya.

Buo ang suporta ng TV5 Chairman na si Mr. Manny V. Pangilinan kay Willie at hindi raw nito iniiwan ang bagong talent sa gitna ng laban.

Ang Willing Willie ay co-produced mismo ni Wil-lie at ng TV5.

Isa ito sa pinakamala-king shows ng Kapatid Network na bubuksan bago matapos ang taon.

Kaya masasabing luma-lawak na ang coverage ng Kapatid Network lalo pa’t ayon sa AGB Nielsen survey, pumapangalawa na ito sa GMA7 bilang top station sa Mega Manila.

Komento tuloy ng ibang manonood, ano pa kaya kapag nagsimula nang humataw ang Willing Willie, tiyak na ang pag-angat ng show kasabay ng TV5.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 6:03 PM, Anonymous Anonymous said...

YES EXACTLY!!!!!! TAMA KA!! THIS IS THE TIME TO LOOK TO SOMETHING NEW!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES