Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, October 14, 2010

ABS-CBN acts on Gerald death threats

Hindi napigilan ni Gerald Anderson na mapaiyak sa presscon ng pelikula nila ni Kim Chiu na Til My Heartaches End. Hindi na kasi niya napigilang ilabas sa press ang dinadalang sama ng loob sa pananakit na nagawa niya kay Kim.

“Ang dami ko nang ibinigay na problema at hearthaches kay Kim , pero patuloy pa rin niya akong tinatanggap. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay ang ma-kasakit ng tao. Gusto kong maging isang magandang role model. Noong panahon ng Ondoy ay naging hero ako dahil sa ginawa kong pagsagip sa iba kong kapitbahay. Naging perfect ako sa mga mata ng tao. Na-kalimutan nila na tao rin ako na nagkakamali.

“Marami nang fans ang bumabanat sa akin. Ayaw na nila akong suportahan. Nakakatanggap ako ng maraming hate mails. Pati ang mga mahal ko sa buhay like my family ay nadadamay. Pati nanay ko, nabibigla kasi may natatanggap siya na tawag na kesyo papatayin daw ang anak niya,” tuluy-tuloy na kuwento ni Gerald na pagkatapos ay tumayo na at umalis na ng stage.

Pati si Kim ay hindi na rin napigilang umiyak. Siyempre pa hiningi ng press ang reaksyon niya sa revelations ni Gerald.

“Gusto kong sabihin sa lahat ng tao na sana ay ma-ging okey sila. Kasi ako, okey lang ako.

“Ayoko nang nakakari-nig na papatayin daw si Ge-rald o papatayin si Bea. Ayo-ko ng threats na tatapunan daw ng asido ang mukha ni Bea. Tanggapin na lang natin ang mga nangyayari ngayon.

“Sa Kimeralds, alam kong nasasaktan sila para sa akin. Dahil dito ay nahahati sila. Hindi ko sila masisisi. Sana lang balang araw, bumalik na ‘yung dati. Sana matigil na ang hindi pag-kakaunawaan. Salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa akin. ‘Yun nga lang kung nagsasabi sila ng masakit tungkol kay Ge-rald, ako ang nasasaktan,” gumagaralgal na pahayag ni Kim.

Naloka ang lahat sa mga naging “kumpisal” nina Kim at Gerald kaya tumibay tuloy ang haka-haka na may relasyon sina Gerald at Bea Alonzo. Lumalabas din na mistulang martir si Kim na patuloy na inuunawa ang pinakamamahal na “kaibi-gan.” Naging malinaw din kung gaano kapanatiko ang Kimeralds, na gagawin ang lahat mapanatiling buo lang ang kanilang idolo. Pero mistula rin silang mga seloso na nagre-react nang bayo-lente kapag nali-link si Ge-rald sa ibang babae. At paano naman si Bea? Kailan naman kaya siya magsasalita tung-kol sa isyu?

Pati ang director na si Joey Reyes, naloloka sa mga kaganapan. Masyado nga raw nakakabulag nang husto ang sobrang pagmamahal. Nagbiro pa siya na baka ito na ang maging retirement mo-vie niya. Pero isa lang ang maliwanag, magiging blockbuster ang Til My Heartaches End dahil parang sapul na naman sa totoong buhay nina Kim and Gerald ang istorya ng movie.

At dahil sa nangyaring pagbubulgar ni Gerald tungkol sa death threats sa kanya at kanyang pamilya, agad namang umaksiyon ang ABS-CBN management.

Ipinagbigay-alam na umano nila sa pulisya ang pinanggalingan ng death threats at sana raw, mahanap kung sino ang pinanggagalingan nito.

* * *
[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 4:06 AM, Anonymous Anonymous said...

masyadong Panatiko yang mga Kimeralds at mga walang magawa sa buhay kaya ayan apektado sa mga personal na buhay ng idolo nila. Di ba dapat Diyos lang and iniidulo natin?

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES