Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, October 16, 2010

All Praises for Angel Locsin

MUKHANG hindi nagkamali si Vivian Velez ng proyektong lalabasan as her comeback. Hataw sa ratings ang Imortal at kahit na sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ang mga bida sa serye, proud na proud na nagkukuwento ang original Ms. Body Beautiful at Best Actress awardee ring si Vivian ng mga karanasan with the younger actors.

“I’m a big fan of them, lalo na ni Angel. Aaminin ko na sa rami ng mga teleserye sa TV, ‘yung Lobo lang talaga ang naumpisahan at natapos ko and I liked it so much kaya nga nang alukin ako for this, hindi na ako halos nag-isip pa,” tsika niya.

Although nagulat si Angel sa narinig, super-thankful siya lalo nang malaman niya from veteran writers na isa ring kilala at magaling na aktres si Vivian at tinaguriang Ms. Body Beautiful ng local showbiz.

“Natutuwa po ako. Kinabahan naman tuloy akong bigla,” nakangiting sagot ni Angel sa mga papuri sa kanya ni VV. Kaya nga habang nagba-bonding sila sa set ng Imortal, kakaririn na rin daw ni VV ang paghahanap ng magandang material for Angel na dream niyang mai-direk sa isang indie film.

* * *

SPEAKING of Angel and Lloydie, hindi na nila kinailangan pa ang extra talks and moments para mag-bonding bilang mga bida sa pinag-uusapang serye ng ABS-CBN.

“Araw-araw kaming may mga nadidiskubre sa amin at nakatutuwang isi-pin na marami pala kaming pagkakatulad sa buhay," say ng seksing si Angel.

Pareho raw silang naka-focus sa trabaho at ayaw maistorbo kapag nag-aaral ng scripts. Pareho rin daw silang palakain sa set at mahilig magbiro sa mga ka-trabaho. Iisa rin daw ang kakulitan nila, pero ‘pag sumi-gaw na ang mga direktor nilang sina Jerry Sineneng, Trina Dayrit at Chito Roño ng ready, action, “Hataw na kami,” hirit pa ni Angel.

Pressured daw sila ngayon dahil consistent na maganda ang ratings ng Imortal. Double-effort sila sa kanilang routine and action scenes dahil from time to time, may eksenang kaila-ngang sila mismo ang gumawa. Pero ang pinaka-wish daw talaga nilang mangyari, ‘yung lahat ng Kapamilya, mga magulang man at mga bata, ang sama-samang manood ng Imortal.

“Ibang klaseng high ka-si kapag ganu’n. So far naman, mukhang doon na pa-punta,” sambit pa nito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 12:02 PM, Anonymous Anonymous said...

ang ganda ng immortal....we love angel

 
At 12:03 PM, Anonymous Anonymous said...

pa bayaan mo ng iintriga sayo...ganda kaya ng imortal...sabik na sabik nga akong mapanood ito gabi gabi....we love you gel

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES