Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, October 17, 2010

Charice misses street food

MATUTUWA si Aling Jusing sa pahayag ng young international singer na si Charice Pempengco na ang paborito niyang pagkain at miss na miss na niya ay ang isaw.

Si Aling Jusing ay ang prominenteng personalidad sa kanto ng Umbuyan, ang paboritong tambayan sa Pitong-Gatang.

Umeentra ka pa lang sa kantong ’yon, amuy na amoy mo na ang usok na nagmumula sa kanyang ihawan, usok ng inihaw na isaw.

Ang isaw ay bituka ng manok na nililinis maigi at saka magdamag ibababad sa suka, toyo, bawang at paminta.

Kinabukasan, magdadapog na si Aling Jusing ng uling. Haplit siya ng paypay habang may ilan nang nakaabang na mga kapitbahay, naghihintay ng inihaw na isaw.

May isa pang prominenteng lugar sa Quezon City na naging tambayan naman ng mga taga-pelikula. Ito ay nasa korner ng Mother Ignacia at Scout Tobias.

Maraming taga-pelikulang tumatambay du’n dahil karamihan ng post productions ng mga pelikula ay du’n ginagawa, sa Magna-Tech.

Du’n nga namin natuklasan na isaw rin ang paboritong kainin ni Techie Agbayani.

Talk of the twon no’n si Techie dahil kapi-feature lang ng kanyang mga sexy pictures na kumopo sa siyam na pahina ng International Playboy Magzine.

Si Franklin Cabaluna ang nagsama sa amin sa Magna-Tech para mainterbyu ang kanyang alagang si Techie.

Nang datnan namin si Techie, nakataas pa ang isang paa sa poste ng street sign at buong sarap na nilalantakan ang mga nakatuhog sa stick na inihaw na isaw.

Mula nu’n, nagsulputan nang parang mga kabuti ang napakaraming ihawan ng isaw. Unti-unti nang nagmahal ang presyo ng bituka ng manok na halos patapon na nang panahong ’yon.

Iyan ay dahil rin marahil sa libreng promo ni Techie na sikat na sikat noon dahil sa Playboy Magazine.

* * *

NABANGGIT namin ang maikling anekdotang ito dahil sa isang ekslusibong phone interview ni Mr. Bum D. Tenorio, Jr. ng Philippine Star kay Charice.

Kabilin-bilinan ni Charice sa kanyang Tito Bum ay i-blowout siya ng inihaw na isaw pagbalik niya sa Pilipinas para sa kanyang concert with her mentor na si David Foster sa Araneta Coliseum sa Oct. 23.

Isa pang paboritong ulam ni Charice ay ang paksiw na bangus na siya mismo ang nagluluto.

Pauwi na siya nu’n sa kanyang Palazzo apartment sa Los Angeles mula sa taping ng Glee nang makapanayam ni Mr. Tenorio. Nagmamadali siya dahil magpapaksiw pa siya ng bangus.

Ang kanya palang apartment ay nasa pagitan ng mga units nina Lady Gaga at Miley Cyrus.

Kasama niya sa nasabing apartement ang utol na si Carl at Mommy Raquel niya.

Hindi raw siya masanay sa pagkaing Amerikano, maliban sa salad. Pero inamin niya na siya ay ‘lumaki sa isaw’ kaya ito ang hinahanap-hanap niya na ’di niya makita sa Amerika.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES