Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, October 29, 2010

Derek Ramsay Denies Rumors

Natatawa na lang si Derek Ramsay na nali-link sila ngayon ni Erich Gonzales at may isyung dinala pa niya ito sa bahay niya sa Tagaytay.

Inamin naman niyang nakapunta na ang young actress sa house nila, pero ito ay dahil sa magkaibigan sila.

“Erich has met my family and she has dropped by, we have a bar there sa Tagaytay, she met my family but nothing else.

“We’re shooting a movie together, we’re doing Magkaribal together although we don’t have much scenes together in Magkaribal pero may tinatapos kaming movie, ’yung Corazon, na hindi matapus-tapos dahil sa weather,” say ng aktor.

“She’s (Erich) my friend and I’m really close to her, to her PA (personal assistant) and her driver, ganu’n ako sa mga tao, and ’yun nga, biglang lumabas ang mga intrigang ito.”

Ano ang reaksyon ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban tungkol dito?

“Wala, dedma, just like everything else. She knows that, sometimes, she knows more than I do, kaya nasa-shock na lang ako.

“Pero no, walang issue sa amin ni Angel ’yon. Ang narinig ko nga last time, ako raw ang pumupunta sa bahay ni Erich.

“May mga nagte-text pa sa akin niyan. Pero no, wala. Baka bugbugin ako ni Enchong (Dee, ka-loveteam ni Erich).

Samantala, magtatapos na ang Magkaribal at sobra ang pasasalamat ni Derek na tinangkilik ito ng mga manonood.

Hindi pa raw niya alam what’s his next project dahil makikipag-usap pa lang ang manager niyang si Joji Dingcong sa ABS-CBN management sa Nov. 4.

Kinumpirma rin niyang may project together si Angelica at Gretchen Barretto at wish nga niya na makasama rin siya.

“Masarap kasama ’yung dalawang ’yon pero malabo na ako ’yon ’coz parang may iba akong show.”

Kung sakai raw, wish din niyang makasama si Angel Locsin dahil hindi pa niya ito nakakasama ever sa kahit ano’ng project maliban sa Century Tuna endorsement nila noon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

5 Comments:

At 6:22 PM, Anonymous Anonymous said...

Yeah, I know, obvious naman na mag-friend sila ni ERICH GONZALES eh!, mukha pa nga silang mag-kuya kasi pareho silang pinoy na pinoy.

 
At 9:43 PM, Anonymous Anonymous said...

I believe Derek..naku naman super duper obvious na in love na in love sa isa't isa sina Angel and Derek. ((:

 
At 11:18 PM, Anonymous Anonymous said...

how lame...wala na bang magawa ang mga tao kundi tumingin ng negative na mga balita para lang to pull an actor or actress down...ang babaw...o baka ang pilipino lang ang ganyan...kaya tayo di umaasenso...tsk! tsk! tsk!

 
At 3:41 AM, Anonymous Anonymous said...

naniniwala ako kay Derek,una matinong babae si erich,sa dami ng lumiligaw sa kanya hindi nga siya nakikipagboyfiend dahil alam niya ang priorities niya.at saka ang pagmamahal ni derek kay Angelica ay matagalan ng napatunayan ng viewers,ang intriga nayan gawa lang ng naiinggit ,matinong babae si erich kaya walang katunayan yan.

 
At 8:43 PM, Anonymous Anonymous said...

sana ipalabas na ang corazon,sabik na sabik na kaming makita ito.at sana pagdating ni enchong from europe may show na sila ni enchong ,nakakalungkot kasi pag hindi namin sila nakikitang magkasama.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES