Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, October 07, 2010

Gabby Concepcion Bumalik Kay Mother Lily Monteverde

Bumalik sa kandungan ni Mother Lily Monteverde si Gabby Concepcion. Yes, ang numero unong Regal Baby noon sa piling ng kanyang itinuturing na pangalawang ina sa horror movie na White House. Bale homecoming din ito ng actor matapos mawala sa bansa ng mahigit isang dekada.

Mutual ang nararamdaman nilang excitement.

Si Mother masaya dahil matagal niyang hindi nakasama ang ‘anak’ at si Gabby, na-miss ang ina ng Regal.

Alam naman ng lahat na box-office attraction si Gabby noong Regal baby pa siya. Para sa ‘di nakakaalam, kahit kanino siya ipareha, patok na patok ang pelikula niya basta’t kasama siya noon. “Kaya, maligaya ako,” masayang pahayag ni Mother Lilly.

Hindi nga kasi artista ang turing ni Mother Lily kay Gabby. Anak-anakan niya ito na kapag may problema, lagi siyang nakaalalay. In fact, nang bumalik ang actor sa Pilipinas at nasangkot sa kontrobersiya, isa si Mother Lily sa mga hiningan ng payo ni Gabby.

Kaya after nitong gumawa ng pelikula sa Star Cinema gaya ng box office hit na I Love You Goodbye with Angelica Panganiban at Derek Ramsay at I’ll Be There kasama ang anak na si KC Concepcion, si Mother Lily naman ang binigyan ng oras ni Gabby para sa isang pelikula. Pagtanaw na rin ito ng aktor ng utang na loob sa producer na mahalagang bahagi ng kanyang career noon.

Nakaatang kay Gabby sa kanyang bagong Regal movie, White House ang matinding role bilang isang espiritista na makikipaglaban sa mga multo at espiritu sa isang haunted house sa Baguio City.

Gaya ng ibang cast ng movie, nakaramdam din ng takot at pananayo ng balahibo ang aktor habang sinusyuting ang movie sa mansion na balitang pinamamahayan ng iba’t ibang uri ng multo.

Para kay Gabby, isang kakaibang karanasan ang nangyari habang sinu-shoot ang White House dahil sa mga misteryong nakabalot sa loob ng puting mansion sa Baguio.

Ang ilan pang cast ng movie na binalot ng takot habang nasa shooting ay sina Iza Calzado (na lumabas bilang Black Lady), Lovi Poe, Mo Twister, Maricar Reyes, Megan Young, Sarah Lahbati, Janus del Prado, Joem Bascon at Jarius Aquino.

Mula ito sa direksiyon ni Topel Lee na sa trailer
palang ng movie, ramdam na ramdam ang kilabot na dating kaya inaasahang hahataw ito sa takilya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES