Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, October 31, 2010

KC Concepcion, verbally abused?

TILA lumalala na ang isyu sa pagitan ni KC Concepcion at ng dating manager nitong si Shirley Kuan. May mga patutsada mula sa kampo ni Shirley na diumano’y nag-mamaldita sa kanya ang dati niyang alaga.

Nagsimula ang isyu nang napabalitang lumipat na sa poder ng ABS-CBN Star Magic si KC.

May balita ring verbally abused si KC dahil may mga pagkakataong pinapahiya daw ito ni SK kahit kaharap ang mga bodyguard nito.

Ang dating manager din diumano ang nagkakalat ng kung anu-anong negatibong balita tungkol sa talent na kesyo masama daw ang ugali nito at bastos pa.

"Nakakaloka talaga! Sana huwag naman niyang siraan si KC. Nakatrabaho namin ’yung bata at nakita naman namin kung paano siya makisama. Very sincere siya at mabait talaga,” depensa ng ilang production staff na nakatrabaho ni KC.

“Nakakalungkot kasi ng kung anu-ano ang ipinagkakalat niya tungkol sa anak ni Megastar Sharon Cuneta. Pero alam mo, kahit ginaganu’n siya ng manager niya, tahimik lang si KC. Wala kang maririnig na reklamo sa kanya,” dagdag pa nila.

Ayon naman sa kuwento ng ilang malalapit kay KC, maaaring bitter daw si SK dahil nagpaalam sa kanyang bakuran ang singer-actress?

“Aba, malaking halaga ang mawawala kay SK now that KC is under Star Magic. Paano na nga naman ang mga komisyon niya, ’di ba?” susog pa nila.

Samantala, wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa kampo ng Star Magic na nasa poder na nga nila ang dalaga pero may balitang nakipag-meeting na ito sa talent management ng ABS-CBN.

Ayon sa isa naming source, mukhang masaya naman daw si KC sa desisyon niyang maging Star Magic artist.

Ngayong Linggo ng hapon ay magsasalita si KC sa The Buzz para linawin ang mga isyu.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 11:48 AM, Anonymous Anonymous said...

I have a question on Avery Lables. I hase a couple of groups that have to do with 15 plus
years old. Never made use of any.

My web-site http://www.99technuts.com/

 
At 6:55 PM, Anonymous Anonymous said...

Wow! This blog looks just like my old one! It's on a totally different topic but it has pretty much the same layout and design. Excellent choice of colors!

Here is my webpage ... xerox 8560 windows 7 driver

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES