Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, October 22, 2010

Mara Clara 26 weeks ipalalabas

Sa panahong ito na tinatangkilik sa telebisyon ang mga remakes ng mga te­lenovela na gawa sa ibang bansa, naisip ng ABS-CBN na gawing muli o i-remake ang itinuturing na the Mother of All Teleseryes, ang Mara Clara na nagsisilbing major core ng lahat ng drama plots. Magsisimula itong mapanood sa Oktubre 25 at kung ang orihinal na serye na nagtampok sa tambalan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes ay tumakbo ng limang taon sa ere, ang remake ay mapapanood lamang ng 26 na linggo at pangungunahan ng dalawang kabataang artis­tang babae na inaasahang lolobo rin ang mga career katulad ng mga sinusundan nilang artista, sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Sa pamamatnugot ng mga direktor na sina Jerome Pobocan at Tots Sanchez Mariscal IV, ang bagong Mara Clara ay magiging matapat sa orihinal na istorya ng pagkakapalit ng dalawang sanggol na babae nung ka­nilang kapanganakan pero ang mga karakter nila ay updated na, isinunod sa makabagong panahon. Kung ang role ni Susan Africa dati bilang tunay na ina ni Clara ay may pagka-martir, ang character na gagampanan ngayon ni Mylene Dizon ay palaban na.

Si Clara naman sa lumang bersyon ay isang bobong babae na madalas mangopya, sa remake ay ginawa siyang matalino, nagtatangkang maging vale­dic­torian sa kanyang paaralan hanggang sa dumating si Mara na magbibigay sa kanya ng mahigpit na kumpetisyon.

Bagaman at wala nang roles sa remake sina Juday at Gladys, mapapanood sila sa mga teaser para sa bagong serye at nagkaroon ang dalawang bata ng pagkakataong makilala sila.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES