Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, October 20, 2010

Sarah Geronimo wins Entertainer of the Year sa Aliw

Nadagdagan na naman ang koleksiyon ng trophy sa bahay ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Wagi siya Best Female Major Concert and Entertainer of the Year sa ginanap na Aliw Awards the other night sa Manila Hotel.

Galing sa tatlong araw na concert sa Hong Kong si Sarah nang dumiretso siya sa venue ng Aliw Awards.

“Sabi ko dati, magiging katulad ako ni Michael Jackson. Ambisyosa ko noh?,” sabi ni Sarah sa kanyang acceptance speech.

Bago ‘yun, nagwagi na siyang Female Recording Artist of the Year para sa kanyang album na Music and Me sa 2nd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Gandang-ganda rin sa kanya ang PMPC dahil siya ang Face of the Night sa naturang awards night.

Maganda ang taong 2010 para sa singer-actress. Blockbuster ang romance-drama na Hating Kapatid na co-star si Judy Ann Santos. Sumunod ang pagbibida niya sa ABS-CBN primetime series na Idol. At kabi-kabila rin ang mga iniendorso niyang produkto.

Ang pinakahuli ay ang 15-month contract sa Filipino mobile phone brand na My Phone. Ito ang kauna-unahan at kaisa-isang cell phone na gawang Pinoy na may dual SIM at sa mababang halaga.

Ayon kay Mr. Joseph Lim, may-ari ng Solid Group, Inc., ang gumawa ng My Phone, “My Phone wants to be, not just a phone but a source of entertainment.”

Diin ni Lim, ang My Phone ay hindi lang para sa tradisyonal na pang-connect sa mga loved ones. Ito rin ang unang music album phone na makikita sa market. Si Sarah ang kauna-unahang artist ng mobile brand at ang mga kanta niya ay protektado ng copyright laws para hindi mapirata.

Bukod sa espesyal na My Phone models na may eksklusibong kanta ni Sarah, maglalabas din sila ng natatanging disenyo ng cell phone para lang sa Pop Princess.

“It’s very meaningful to me. I’d like to thank My Phone for making me part of their family,” sabi ni Sarah.

Makakapag-update naman ang mga fans tungkol kay Sarah sa kanyang Pop Star Diaries, na umeere sa PBO tuwing Sabado ng 9:00 p.m. (ipinapalabas din tuwing Lunes, 3:00 p.m, Miyerkules, 7:00 p.m., at Biyernes, 9:00 a.m.).

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES