Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, October 16, 2010

SMART Alliance Pitch Contest

May konsepto ka ba para sa isang show? Gusto mo bang makita sa TV ang programang matagal ng ume­­ere sa iyong isipan?

Kung ganun sumali na sa SMART Alliance Pitch, isang regional contest na inorganisa ng SMART Allian­ce na kinabibilangan ng ABS-CBN (Philippines), BBTV (Thailand), Media Nusantra Citra (Indonesia), Media Prima (Malaysia) at MediaCorp (Singapore).

Layunin ng contest na mahanap ang pinaka­ma­gan­­dang ideya o konsepto para sa isang TV program sa mga genre tulad ng variety shows, game shows at reality shows.

Ang mga mapipiling finalists ay aanyayahang pumunta sa Singapore para humarap sa mga hurado na kinabibilangan ng mga beterano sa industriya ng media at broadcasting.

Mag-uuwi ng tumataginting na US$15,000 ang mananalong entry at gagawing isang ganap na programa na mapapanood sa alin man sa member networks ng alyansa.

Ang deadline para magpadala ng inyong mga entries ay sa 31 Oct 2010.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa www.Pitch. SMARTAlliancemedia.com

Ang SMART Alliance ay binuo noong Marso 2009 ng anim na broadcasters at bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Layunin nitong gumawa at magdala ng commercial benefits sa mga miyembro nito at magbigay ng natatanging program content sa Southeast Asia.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES