Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, October 07, 2010

Vice nanganganib matsugi dahil sa kayabangan

Hindi ko type ang pagtataray ni Vice Ganda kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Consoliza Laguardia. Unang-una, ginagawa lang ni Mama Consoliza ang kanyang trabaho. Bakit siya tinatarayan ni Vice?

Malapit na akong maniwala na mayabang nga ang komedyante dahil pati ang head ng MTRCB, inaaway niya! Parang nagagamit pa si Mama Consoliza sa promo ng pelikula ni Vice ha?

Matagal na ako sa showbiz at ako mismo ang makapagsasabi na balewala ang talent ng isang artista kung hindi siya marunong ma­kisama! Kukulangin ang space ng aking column kung iisa-isahin ko ang pangalan ng mga artista na mahuhusay umarte pero nawalan ng career dahil sa kanilang kayabangan!

Hihintayin pa ba ni Vice Ganda na siya ang madagdag sa listahan ng mga mayayabang na artista na natsugi ang career?

Personal kaming magkakilala ni Mama Consoliza kaya isa ako sa mga makapagpapatunay na mabuti siyang tao.

Walang bahid ng corruption ang kanyang pamamalakad sa MTRCB, kahit tanungin ninyo si Mother Lily Monteverde na isa sa mga bilib kay Chair Laguardia!

Hindi maganda na basta lamang tatarayan ni Vice ang MTRCB chair na ginagawa lamang ang trabaho bilang public official. Parang nanay na ni Vice si Chair Laguardia at ang kanyang pagtataray ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga nakatatanda.

Ang Viva Films ang sumugal sa kanya kaya nagkaroon ng launching movie. Sa pagtataray na ginawa ni Vice kay Mama Consoliza, parang binastos na rin niya si Boss Vic del Rosario, ang produ ng Viva Films na mataas din ang respeto sa current MTRCB head.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 7:43 AM, Anonymous Anonymous said...

i don't get it? vice says something rude and its like a major major fallacy. but when I tuned into GMA comedy bar, they show blurred parts of a guy and they don't get questioned. Whats with mrtcb? Are they biased?

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES