Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, November 27, 2010

ABS-CBN naghain ng P127 million copyright infringement case laban sa Willing Willie

Tuloy ang laban sa korte sa pagitan ng ABS-CBN at ng dating talent nitong si Willie Revillame.

Noong Miyerkules (Nov 24), ay nagsampa ng panibagong kaso ang ABS-CBN laban kay Revillame, sa kanyang production outfit na WilProductions Inc., at sa ABC 5 (kilala rin bilang TV5) dahil sa diumano’y pangongopya ng Willing Willie sa Wowowee, na dating programa ni Revillame sa ABS-CBN.

Sa Regional Trial Court ng Makati inihain ng ABS-CBN ang P127 million copyright infringement case laban sa kampo ni Willie. Pahayag ng ABS-CBN, hindi maitatatwa ang pag-labag nina Willie sa section 172.2(l) ng Intellectual Property Code ng bansa dahil sa malaking pagkakahawig ng Willing Willie sa Wowowee.

Ayon sa ABS-CBN, bilang producer ng Wowowee, ito ang may-ari ng lahat ng episode ng programa, kung kaya’t may karapatan itong protektahan sa anumang pagnanakaw o pangongopya.

Dagdag pa ng ABS-CBN, ang lantarang pangga-gaya ni Willie at ng iba pang akusado sa Wowowee ay patunay lang na sadyang ginawa ito upang maagaw ang suporta ng mga manonood ng Wowowee na binuo at pinalaki ng ABS-CBN sa loob ng limang taon.

Sa kabila ng pagpapalit ng pamagat ng programa at ng mga segments nito, marami pa ring aspeto ang Willing Willie ang diumano’y kinopya pa rin sa Wowowee.

Ilan sa mga nasaad na pangongopya sa hinain na kaso ay: (1) Ang opening song at/o dance number na pinangungunahan ng host; (2) Ang BIGA-TEN sa Wowowee na ginawang Big Time Ka sa Willing Willie; (3) Ang Willie of Fortune sa Wowowee na tinawag na Willtime Bigtime, kung saan may panayam sa mga contestants tungkol sa kanilang personal na buhay na sinusundan ng pagpapakita nila ng talent bago maglaro ng isang singing at/o ng trivia game; (4) mapapanood din sa Willing Willie ang ilang dancers at karakter na nakilala sa Wowowee tulad ni April “Congratulations” Gustilo; at (5) ang set design, stage, studio viewers’ seats lay-out, lighting at camera angles sa Willing Willie na kahalintulad ng nakikita noon sa Wowowee.

Ayon sa ABS-CBN, nakapagdulot at patuloy na nagdudulot ng “irreparable damage” sa Kapamilya network ang pagpapalabas ng ABC5 sa mga pango­ngopya ng Willing Willie. At dahil WilProductions, Inc. ang producer ng programa, dapat din itong humarap sa kaso. Kasama rin sa mga inakusahan si ABC5 President Ray Espinosa.

Maliban sa paghingi ng kabayaran na P127 Million para sa mga danyos, nais din ng ABS-CBN na magpataw ng Temporary Restraining Order (TRO) at/o Writ of Injunction para pigilan si Revillame, ang ABC5 at ang iba pang akusado sa patuloy na pagpapalabas ng sinasabing kopya sa Wowowee na Willing Willie.

Pahayag ng ABS-CBN, isa itong mabigat na kaso ng pangongopya o plagiarism lalo sa panahon ngayon na lumalaganap ang pagnanakaw ng intellectual property
sa bansa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES