Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, November 17, 2010

Ai Ai Delas Alas inis kay Heart!

Isa ang Tanging Ina Mo, Last Na ’To sa mga kalahok sa dara­ting na Metro Manila Film Festival. Pinagbibidahan ito ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas at makakasama pa rin niya ang kanyang mga naging anak sa pelikula maliban kay Heart Evangelista.

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Ai Ai sa hindi pagsama ni Heart sa kanilang pelikula?

“Hindi naman masama ang loob ko kasi ’yung last na Tanging Ina ay hindi na rin naman siya kasali. Medyo kaunting inis, kaunting panghihinayang kasi lahat ng anak ko ay nag-effort para makasali.

“Kagaya ni Marvin Agustin, dahil taga-kabila na siya ay sumulat siya sa GMA para payagan siya, two times siyang sumulat para payagan siya at pinayagan naman siya. Si Yuki Kadooka naman, from Japan, inuubo ay pumunta dito sa Pilipinas para sa pelikula. Kasi ’yung mga demands ni Heart ay ibinigay naman ng Star Cinema,” seryosong pahayag ni Ai Ai.

Sa darating na Biyernes, Nov. 19 ay magkakaroon ng concert si Ai Ai sa Araneta Coliseum entitled Akin Ang Tronong Ito.

“Bago po kayo maubusan ng ticket, ang dami-daming bumibili, eto na po. Sana ay makapanood kayo, asahan po ninyo na ang trono ay mabubuhay, magkakaroon ng sariling buhay at magsasalita,” natatawang paanyaya pa ng Comedy Queen.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES