Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 21, 2010

AiAi delas Alas Happy sa Akin Ang Tronong ‘To

Hindi ako nanood ng concert ni AiAi delas Alas sa Araneta Coliseum noong Linggo pero dahil kilalang-kilala ko siya, alam ko na napaluha ang hitad sa kanyang post-birthday concert.

Napuno ng mga tao ang Araneta Coliseum at bow sila sa husay ni AiAi na magpatawa. Mahirap ang maging comedienne dahil mas madali ang magpaiyak ng tao kesa magpatawa.

Touched na touched ang Comedy Concert Queen dahil nanood ang lahat ng kanyang mga inimbitahan, ang mga tao na may malaking bahagi sa buhay niya. Puwedeng-puwede na magkaroon ng repeat ang Akin Ang Tronong ‘To dahil sa tagumpay nito.

* * *

Dadalhin ni AiAi sa Amerika ang kanyang birthday concert. Kasado na ang pagpunta niya sa US of A at si Ana Puno ang produ ng show.

Hit na hit sa mga Pinoy community sa Amerika ang mga show ni AiAi dahil sulit na sulit ang kanilang ibinabayad.

Natupad ang birthday wish ni AiAi namaging successful ang concert niya sa Araneta Coliseum kaya ang success ng kanyang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival ang ipinagdarasal niya ngayon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES