Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 11, 2010

Bianca Manalo Happy For the Break

Dahil naman sa bilis ng pangyayari kay Bianca Manalo sa ABS-CBN, may balitang kinaiinsekyuran na siya ng ilang Kapamilya stars. Kapapasok lang kasi sa showbiz ng young actress pero nabigyan na agad ito ng magagandang role tulad na laman ng Magkaribal” at ngayon nga ay nagbida pa sa Juanita Banana na napapanood natin sa hapon.

Pero say ni Bianca, wala naman daw siyang ganun’g nararamdaman.

“Sa akin, ang feeling ko, blessed lang ako. Siguro natuwa lang sila sa akin bilang Gigi sa Magkaribal. Tapos dito sa Juanita Banana, I'm very happy na nabigyan ako ng break,” say ni Bianca.

May nagsasabi ring si Maja Salvador daw ang original choice para sa Juanita Banana at second choice lang siya. Asked to comment about it, say ni Bianca ay hindi raw niya alam ’yun.

"Basta ang alam ko, sabi ng handler ko, 'Gusto ka nila for lead role, pinapatawag ka.' So, nagpunta po ako. “O sige, basahin mo itong script na ito. Very Bianca, very Gigi.' So, ginawa ko ang 'very Bianca, very Gigi' na sinasabi nila. Tapos, sabi, 'Titingnan ka naman namin sa drama side.' Tapos, sabi ni Direk Henry, 'Iyak!' So, ano pong iisipin ko? Naalala ko po si Melody (Gersbach, ang namatay na beauty queen kamakailang lang),” kuwento ni Bianca.

Napanood daw niya ang ilang clips ng original Juanita Banana noon nina Rosemarie Sonora at Ricky Belmonte at natatawa nga raw siya run sa eksenang nasa palad ni Rosemarie si Ricky as duwende at sumasayaw.

Ani Bianca, that time ay hindi pa nga tayo high tech pero nagagawa na ang mga ganu’ng eksena, eh, ’di lalo pa nga raw ngayon na sobra-sobra na ang ikina-advance natin sa technology.

Sa tunay na buhay ay nagkatuluyan sina Rosemarie at Ricky kaya tinatanong din si Bianca kung may posibilidad na magkatuluyan din sila ng mga leading men niyang sina Matt Evans at Rodjun Cruz. Pero say ng dalaga, hindi pa sila nagkakakilanlan nang husto at tingnan na lang daw natin.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES