Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, November 19, 2010

Jake Cuenca hindi naka-score kay Marian

Bago pa man pumirma ng kanyang kontrata sa Star Cinema si Jake Cuenca ay may nauna na siyang pinirmahang three-picture contract sa Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde.

Una sa tatlong pelikula na gagawin niya para sa Regal ay sinimulan na niya.

Ito ang Super Inday na kung saan ay proud siya na makapareha si Marian Rivera, ang pambatong artistang babae ng GMA Network, ang kalabang mortal ng kinaaaniban niyang ABS-CBN.

“Ngayon ko lang na-realize kung gaano kasuwerte si Dingdong (Dantes). Napakabait ni Marian at magandang katrabaho. Malakas ang dating niya pero naiintindihan ko ito dahil pareho kaming may dugong Kastila. ’Yung lugar ng dad niya sa Spain ay napakalapit lamang sa tinirhan namin ng family ko before we moved to Manila. Si Marian nga nakakapag-converse in Spanish samantalang ako hindi marunong magsalita ng Kastila,” sabi niya tungkol sa kanyang magandang kapareha na kahit wala silang romantic involvement ay hindi maiwasan ni Jake na hangaan.

Katulad ni Marian, isa ring superhero si Jake sa movie. Siya si Amazing. Magkakatulungan sila ni Inday (Marian) sa pagpuksa sa kasamaan at siyempre magkakagustuhan sila! Malas lang niya dahil matatapos na ang shooting ng pelikula ay wala pa silang kissing scene ni Marian.

After Super Inday, magko-concentrate na si Jake sa teleserye ng ABS-CBN na Green Rose, adaptation ng isang popular Koreanovela. Kasama niya rito sina Anne Curtis, Jericho Rosales at Alessandra de Rossi.

Akala ni Jake ay hindi na niya ito magagawa. Tatl­ong ulit kasing inalok ito sa kanya, bago pa ni­ya gawin ang Palos pero hindi natuloy. Bago ang Ta­yong Dalawa, he was again considered for the role pero hindi na naman natuloy. Sa kanya rin pala ito mapupunta sa huli.

Marami ang nagsasa­bi na hindi siya bida sa Green Rose, suporta lang siya nina Anne at Echo pero kung totoo man ito, hindi na mahalaga sa kanya. Maganda at maaksiyon ang role niya sa nasabing serye. Nag-request pa nga siya ng isang fight choreographer para mapaganda ang kanyang mga fight scenes.

Pinagbigyan naman siya, ang nag-choreograph ng mga fight scenes niya sa Elias Paniki ang ibini­gay sa kanya. Sanay na sanay na siya sa mga ek­se­na, sa totoo lang kinakarir niya na ito. Sa isang ek­­sena niya rito ay humampas siya sa pintu­an na ikinabasag nito. Hindi naman siya gaanong na­sak­tan pero naging maingat siya dahil nakita niya ang puwedeng mangyari sa kanya.

“I have to do Green Rose for my maturity as an actor. Kinailangan ko pang mag-workshop ng ilang ulit para hindi ako mabaliw sa aking role. Ganun ’yun kabigat,” dagdag pa niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 2:34 PM, Anonymous Jenny said...

MOTHER LILY is all praises for Jake Cuenca who sat on our table after the open forum of “Super Inday and the Magic Bibe”. “Mabait yan, never kami binigyan ng problema sa shooting ng ‘Super Inday’,” she says. “Maganda chemistry nila ni Marian Rivera. Sa fight scenes, he requested his own stunt choreographers, binigay ko sa kanya.”

Source: Showbiz Portal: Jake Cuenca says Dingdong Dantes is very lucky to have Marian Rivera as Girlfriend

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES