Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, November 22, 2010

KC Concepcion's showbiz career depends on Kapamilya network

ANG latest na kuwento, pagtatambalin naman daw ngayon ng ABS-CBN sina KC Concepcion at Sam Milby.

Bakit, wala na ba silang naiisip na itambal kay KC kungdi si Sam?

Isang bagay nga siguro ang kailangan nating aminin, namimili rin naman ang mga tao ng mga makakatambal ng mga paborito nilang artista. Kung natatandaan ninyo, malakas talaga ang dalawang naunang pelikula ni KC na kung saan ang partner ni-ya ay si Richard Gutierrez. Makikita na kailangan din naman niya ng isang ma-lakas na leading man, at iyong gusto rin ng mga fans para sa kanya, para ibigay nila ang todong suporta nila sa pelikula.

Iyan ang dahilan kung bakit noon ay napilitan din ang ABS-CBN na ipahiram si KC sa GMA Films para sa isang pelikula, dahil kung hindi, hindi rin naman nila mahihiram si Richard.

Siguro, iyon ang ayaw na nilang mangyari kaya itinatambal na lang si KC sa kung sinu-sinong artista ng Kapamilya Network. Bukod dito, naniniwala silang kung may artistang lalaki nga siguro na kaila-ngang hilahin paitaas ng po-pularidad ni KC, dapat stars na ng Dos ‘yon.

Pero ang tanong , okey kaya iyan sa career ni KC?

Ngayon, iyan ang sina-sabi naming problema.

Ang managers kasi ng career ni KCsa ngayon ay ang Star Magic, na siyang management arm din ng ABS-CBN. Natural, kung ano ang desisyon ng mga taga-ABS-CBN, hindi naman makaka-kontra ang Star Magic.

Sa ganyang sitwasyon, natural lang siguro na ang in-terest ng kumpanya ang si-yang mangingibabaw sa kanilang desisyon, hindi kaga-ya noong araw na may ma-nager pa siyang taga-labas na masasabi ngang mas naa-alagaan ang kanyang career.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES