Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, November 25, 2010

Kim Chiu keeps distance from Gerald-Bea breakup

Solo project ni Kim Chiu ang Your Song Presents Kim na magsisimula sa December 12, pero sa presscon niya last Tuesday, hindi naiwasan siyempre na maitanong pa rin ang ka-loveteam na si Gerald Anderson.

Una nang gustong malinawan ng lahat ay kung ito na ba ang simula ng paghihiwalay ng kanilang loveteam since sa Your Song, iba’t ibang aktor ang kanyang makakapareha for 13 episodes every Sunday.

Ayon kay Kim, sana ay makasama pa rin niya si Gerald in one of the 13 episodes alang-alang sa mga Kimerald, pero aniya, umiikot naman ang mundo nila at alam nilang hindi puwedeng laging sila ang magkasama.

“Sa four years naming magkasama ni Gerald, siguro, time na rin para mag-grow, para magkaroon kami ng chance na ibang tao ang makasama namin, na ibang tao ang makatrabaho namin, and siyempre, sana, magkatrabaho ulit kami, sana mabigyan ulit ng chance,” say ni Kim.

But when asked kung ano ba talaga ang nangyari sa relasyon nila ni Gerald, Kim refused to talk at say niya, sana, ibalato na lang sa kanila ang tungkol doon.

“Ano na lang po, respeto na lang po ninyo sa amin ni Gerald and balato na lang po ninyo sa amin kung anuman po ang nangyari.

“Hayaan na po natin ’yon, wala na po ’yon. Basta masaya naman po kami, okay naman po kami, nag-uusap naman po kami ni Gerald ngayon and ganu’n pa rin naman.”

May nagkomento na hindi mananahimik ang issue hanggang hindi sila nagsasalita at say ni Kim, “Mas maraming salita, mas marami pong nasasaktan at mas marami pong natatamaan, kaya mas pinili ko na huwag na lang sagutin ang mga ’yan at manahimik na lang. Ayoko po ng gulo.”

Ipinahayag din ni Biboy Arboleda ng adprom na binigyan nila ng request sheet si Kim bago magsimula ang Your Song kung sinu-sino ang gusto niyang makaparehang aktor pati na ang mga artistang babae na gusto niyang makasama kaya tinanong ng press ang young actress kung sinu-sino ang ni-request niya.

“Marami po, eh, friends ko, like si Maja Salvador, sina Sam Milby, Rayver Cruz, Enchong Dee, Ejay Falcon, Felix Roco and marami pa po, eh. And sana makatrabaho ko sila, and sana, maging okay sa schedule niya kasi busy naman po sila.”

Asked kung nasa list ba si Gerald, ani Kim, nandu’n at sana ay maging available ang schedule ng aktor.

Tungkol naman sa roles na gusto niyang gampanan, ani Kim, gusto niyang maging mermaid at sinabi rin niya ito sa management.

Natanong din kay Kim ang tungkol sa kontrobersyal na rumored splitup nina Bea at Gerald at say ng young actress, wala siyang alam du’n.

“Hindi ko po alam ’yon, eh, and hindi ko pa sila nakikita. Ayoko pong magsalita tungkol du’n kasi hindi ko po naman buhay ’yon.”

Ano ang mensahe niya para sa dalawa?

“’Wag na, hayaan na natin ’yan, ayoko na,” nakangiting pahayag ni Kim.

Mami-miss ba niya ang loveteam nila ni Gerald?

"Oo naman po, siyempre, mami-miss ko si Gerald, ang tagal ko siyang nakasama, mami-miss ko 'yung kakulitan niya, 'yung pag-aalaga niya, pero magkakasama pa naman po kami," say pa ni Kim.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:01 PM, Anonymous Jenny said...

View Iya's Tanduay Photoshoot at Showbiz Portal: Iya Villania sexy photos as Tanduay Girl

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES