Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 21, 2010

Meryll Soriano won't accept projects from ABS-CBN

Hangga’t hindi naaayos ang gusot ng ABS-CBN at ng ama niyang si Willie Revillame, nagpahayag si Meryll Soriano na hindi na muna siya tatanggap ng proyekto sa Kapamilya network. Sarili raw niya itong desisyon at hindi hiniling sa kanya ng papa niya.

“Kasi para sa akin, this is the first time na may relasyon kami ng tatay ko. It was a very... you know, nagkaroon ng struggle of time and wala kaming foundation or whatever a father and daughter usually have dahil wala kaming constant communication dati, and hindi nga kami nagkasama.

“Pero siyempre, ngayong close na kami, parang ako mismo nao-awkward-an du’n sa fact na... hindi naman kasi siya awayan na puwede mong isantabi.

“This is with regards to law, something na very formal, and ako personally, I listen to my gut feeling na kunyari pupunta ako sa ABS-CBN, parang mali. So, I have to listen to myself,” pahayag ni Meryll nang makatsikahan namin the other day.

In fact, inalok nga raw sa kanya ang Mara Clara at siya sana ang gaganap sa role ni Mylene Dizon bilang ina ni Mara. Pero tinanggihan daw niya.

“That time, kakaalis lang ng papa ko, kaka-start lang ng ano (gusot). Hirap na hirap din ako (magdesisyon) kasi work ‘yun. Pero hindi ko rin puwedeng balewalain ’yung gut feeling ko at that time.

“Pero, it fell into place rin, eh. Iisipin mo kung tinanggap ko ‘yun, hindi ako makakaalis for Brussels International Film Festival (kung saan siya nanalong Best Actress para sa indi film na Donor), hindi ko maaayos ’yung eskwelahan ko. So you know, everything happens for a reason.”

Pero nilinaw naman niyang wala siyang galit o anumang sama ng loob sa ABS-CBN. Pero in the future, kapag maayos na ang lahat, open naman daw siya sa posibilidad na makapagtrabaho ulit sa ABS-CBN.

Samantala, masayang-masaya si Meryll sa pagkakasungkit niya ng Best Actress Award sa Brussels International Film Festival. Walang-wala raw sa hinagap niya na mananalo siya dahil ang gagaling din daw ng kanyang mga kalaban.

Bukod sa Best Actress Award, nanalo rin ang Donor bilang Best Film. Mark Meily directed the movie.

Dahil sa pagkakapanalo ni Meryl, niregaluhan siya ng ama niya ng isang brand- new Toyota Altis.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES