Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 14, 2010

Pamilya ni Angel Locsin may death threat

Sobrang apektado si Angel Locsin sa karumaldumal na pagkamatay ng kanyang pamangking si Rachel Sansan ng Cebu. Primary suspect ay ang asawa nitong si Fernando Sansan na nawawala na rin.

Ngayon, pati buhay ng pamilya ay apektado at ayon sa aktres, may death threat pa silang natatanggap.

‘‘Kapag hindi raw kami tumigil sa kasasalita sa media ay may gagawin siya sa amin. Hindi ako natatakot dahil alam kong mahuhuli ka rin,’’ matapang na sabi ni Angel para sa suspek ng pagpatay ng kanyang pamangkin.

Napaiyak ito nang malamang ang biktima ay binugbog, pinutulan ng mga daliri, at pinagtataga gamit ang jungle bolo. Hinahamon ng aktres ang suspek na lumantad na. May gantimpalang ibibigay sa sinumang makakapagturo sa suspek.

Gayunpaman, propesyonal pa rin si Angel dahil sa kabila ng pamimighati ay tuloy pa rin ang taping nito at commercial shoot sa ibang bansa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES