Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, November 15, 2010

PMPC awards Best Station to ABS-CBN

BONGGA nu’ng Sabado ng gabi ang 24th PMPC Star Awards for TV kung saan ‘wagi bilang Best Station ang ABS-CBN 2 na ginanap sa Resorts World Manila.

Sa ipinamigay na 53 awards, kumamada ng 28 tropeo ang Dos, 15 sa GMA7, tigtatlo ang nasungkit ng UNTV 37 at Q-11, ti-galawa ang TV5 at Net 25 at isa ang nakuha ng Studio 23.

Nag-tie sa Best Morning Show ang Umagang Kayganda ng ABS CBN at Good Morning Kuya ng UNTV, tabla rin sina Julius Babao (TV Patrol) at Daniel Razon (Ito Ang Balita) sa Best Male Newscaster.

Male Star of the Night si Luis Manzano, Female Star of the Night naman si Mi-riam Quiambao. Si Nikki Gil ang Female Face of the Night samantalang si Kian Kazemi ang Male Face of the Night.

Kinuha ni JC de Vera ang Male Celebrity of the Night. Si Ruffa Gutierrez ang Female Celebrity of the Night. Tinanggap ni Che Che Lazaro ang Excellence in Broadcasting Award. Ipi-nagkaloob ang Ading Fer-nando Lifetime Achievement Award kay Tony Tuviera. Nag-standing ovation ang celebrities nang tangga-pin niya ang tropeo.

Narito ang ilang mga nanalo sa PMPC Star Awards for TV: Si Vic Sotto ay wagi ng Best Game Show Host ng Who Wants To Be A Millionaire; Best Comedy Ac-tor si Ogie Alcasid sa Bubble Gang at Best Comedy Actress si Angelica Panganiban sa Banana Split; Best MaleTV Host -- Joey de Leon, Eat Bulaga; Best Female TV Host -- Toni Gonzaga, ASAP XV. Best Male Showbiz Oriented Program Host -- Boy Abunda. Ito ang kanyang ika-15 tropeo na napanalunan kaya naman siya ay itinanghal as Hall of Famer. Best Female Showbiz Orien-ted Program Host -- Bianca Gonzales (E-Live; Best Single Performance by An Actor -- Gerald Anderson at Best Single Performance by An Actress si Gretchen Barreto. Best Drama Actor si Dingdong Dantes sa Stairway to Hea-ven at si Maricel Soriano na-man ang itinanghal na Best Drama Actress (Florinda).

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES