Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, November 02, 2010

Poor KC Concepcion

KAHIT pormal nang inanunsyo nu’ng Linggo sa The Buzz sa pamamagitan ng isang official statement from Mr. Johnny Manahan, head ng Star Magic, na nasa poder na nga nila si KC Concepcion, ayaw pa ring mamatay ang isyu na may gap ngayong namamagitan sa kampo ni KC Concepcion at ng dating managers nitong sina Sandra Chavez at Shirley Kuan.

Mas close si Shirley sa movie press kesa kay Sandra kaya siya ang itinuturong nagpapakalat ng mga nababasa ngayon sa tabloid hinggil sa diumano’y “attitude problem” daw ni KC.

“Naku, mali ang informations na nakuha nila. Hindi ganu’n ang totoong nangyari,” nagtatakang reaksyon ng kausap namin na malapit kay KC.

“Akala ko ba, okey ang naging paghihiwalay nila? Bakit kung anu-ano pa ang sinasabi ni SK sa press. Kawawa naman si KC,” hirit pa niya.

“Ang problema kasi kay KC, eh, masyado siyang masunurin at nagtitiwala. Tinanggap niya ang pamamahala na walang pagkakataon magbigay ng opinyon at ang resulta nito ay masamang nasusulat laban sa kanya. Pinaparatangan siyang matigas ang ulo, mahirap kausapin at mahirap hawakan. Eh, hindi naman siya ganu’n, ’no!” dagdag pa ng aming kausap.

“Madaling kausap si KC at bukas sa anumang kritisismo. Magaan din siyang katrabaho at gagawin kahit pa ano ang hingin sa kanya,” pagpapatuloy pa niya.

Mula raw sa kampo ng dating manager ni KC nanggagaling ang mga paratang na ayaw gawin ng dalaga ang hinihingi ng ilang mga producer o direktor na nakakatrabaho nito dahil matigas ang ulo ng dalaga at mahirap kausapin.

“May narinig ba kayong reklamo mula sa mga direktor o producer tungkol kay KC? Wala naman, ’di ba? Kasi nga, KC is very professional. Walang angal kahit ano pa ang ipagawa sa kanya,” pagtatanggol pa ng aming source.

“Ang totoong dahilan kung bakit naghanap si KC ng bagong mangangalaga sa kanya ay dahil sa hindi magandang sitwasyon na kanyang kinakaharap. Gusto rin siguro ng dalaga na humanap ng mas mabait at mas epektibong tao na aalalay sa kanyang career,” hirit pa ng aming source.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES