Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, November 30, 2010

Robin Padilla sobra-sobra ang pag-aasikaso pinapaliguan pa ni Mariel

Nakabalik na sa bansa ang mag-asawang sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez mula sa kanilang bakasyon at shooting ng pelikula sa India. Kumusta kaya ang naging buhay ng mag-asawa sa India?

Nagkuwento si Robin sa amin sa SNN (Showbiz News Ngayon) kung anong klaseng asawa para sa kanya si Mariel. “Noong nandun kami ay ginampanan niya (Mariel) ang pagiging asawa. Gigising ‘yan ng maaga, gagawan ako ng kape, alam niya na ‘yung dalawa lang ang importante sa buhay ko, siya at kape. Mortal sin na wala akong kape. Kung maghanda siya ng almusal ay engrande, ang dami-dami. Napagtiisan ko iyon ng isang linggo, noong pangalawang linggo, sinabi ko na sa kanya na ako’y oatmeal lang. Napaka-espesyal pa rin ng oatmeal niya, kung anu-anong inilalagay, kung anu-anong prutas.

“Tapos ihahanda na niya ‘yung tubig ko, sinisigurado niyang may hot water, handa na ‘yung timba, masasabi kong di ‘yan maliligo hangga’t di niya ako napaliliguan, pag­labas ko ng C.R. nandun ‘yung isusuot ko,” nakangiting kuwento ni Binoe.

Paano naman kaya nila nai-celebrate ang birthday ni Robin? “Ako’y baduy na baduy talaga sa birthday party, tanong siya nang tanong kung ano ang gagawin natin. Sabi ko sa kanya, magagalit ako kapag binigyan mo ako ng ganyan kasi nga ay baduy na baduy ako sa ganyan. Basta tayong dalawa lang ang magkasama ay okay na ako. Di pa rin siya nagpapigil, nakipag-connivance siya sa mga anak ko kina Kylie and Queenie, ginawan nila ako ng surprise party. Para ‘di ako magalit, ang inimbita nila ay ‘yung mga crew ko sa India, ‘yung mga kasama ko sa India. Ang gulat ko pagkatapos kong magdasal, pagbalik ko sa library ay nakahanda na sila, kumakanta ng Happy Birthday, napaka-sweet talaga ni Mariel,” dagdag pa ni Robin.

“Dalawa ‘yung regalo niya sa akin. Hinanap niya ‘yung camera na gusto ko, niregalo niya sa akin. Akala ko ay tapos na iyon, pagpasok ko ng kuwarto ay may malaking tarpaulin, happy birthday na lahat ng memorable picture namin sa India nandoon. May mga karton na malalaki, sabi ko ano ‘to? Ikaw talaga gumastos ka pa. Mga regalo pala para sa mga bata sa foundation, payong, jacket, note pad, bag, kinumpleto niya ‘yung school year next year ng mga bata. Wala nang hihigit pa sa mga regalo niya na ‘yun. Napaka-importante,” nakangiting pagtatapos pa ni Robin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES