Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, November 30, 2010

Sarah Geronimo afraid of Kimerald fans

Hindi pa masabi ni Sarah Geronimo kung totoong si Gerald Anderson ang makakapareha niya sa next movie na kanyang gagawin. Aniya ay wala pa raw confirmation sa kanya ang manager na si Boss Vic del Rosario.

Pero if ever, tatanggapin ba niya at willing siyang gawin?

“Ano po, depende pa rin talaga sa materyal, ’yung script, ’yung istorya ng movie at tingnan po muna natin kung meron po kaming chemistry ni Gerald, ’di ba?”

Kung siya ang tatanungin, may chemistry ba sila?

“Hindi ko po alam, eh, hindi ko pa masasabi kasi never pa kaming nagkaroon ng... ay nagkasama pala kami sa Jollibee, kami nina Kim (Chiu), kaming tatlo, ayun lang po.”

Pero ngayon pa nga lang ay may issue nang nagagalit na raw ang mga fans ni Kim at diumano ay may mga pananakot na ring ginagawa sakaling matuloy ang Gerald-Sarah. Ano ang masasabi ng Pop Princess tungkol dito?

“Wala pa naman po akong natatanggap,” natatawang sabi ni Sarah. “Pero I believe na si Boss Vic naman po, kung anuman ’yung nakikita niyang maganda sa talent niya, doon siya, eh. So, kung nakikita naman niya na hindi magiging maganda ang effect sa akin, hindi naman niya siguro ipipilit, ’di ba? So, ibibigay ko na po ‘yun sa manager ko, sa mga magulang ko. Siyempre, sasabihin ko rin kung anuman ang nasa loob ko.”

Sa huli, Sarah hopes na huwag naman daw sana siyang makatanggap ng death threats mula sa mga fans sakali ngang matuloy ang proyekto niya kay Gerald. Kahit pa kasi sabihin pang plain pananakot ‘yun, aniya ay death threats pa rin ’yun.

“Kasi, nakakatakot din, dahil hindi mo rin talaga alam kung ano puwede nilang gawin, eh,” pahayag pa ni Sarah.

Samantala, tuloy na tuloy na ang first concert nila ever ni Martin Nievera on Feb. 12 sa Araneta Coliseum. Siyempre, super-excited na si Sarah sa collaboration niyang ito with the Concert King.

“I’m in awe po talaga na nangyayari itong collaboration namin ni Sir Martin, the Concert King. Ang nakakasama ni Sir Martin, sina, of course si Ms. Pops (Fernandez), the Concert Queen, sina Ms. Regs (Regine Velasquez), sina Ms. Leah (Salonga), siyempre ho, talagang ano ito, nakakalula pero magandang challenge ito and mag-e-enjoy ako dito, I know na marami akong matututunan from Sir Martin, musically and intellectually din. So ’yun po.”

Since sila na ni Martin ang magkasama sa isang Valentine concert, ibig bang sabihin talaga nito ay pinalitan na niya si Pops Fernandez bilang Concert Queen?

“Ay, no po, wala po, hindi ko nga alam kung bakit may ganu’ng thinking na may papalit sa ganito, sa Concert King, sa Concert Queen, ’wag naman po ganu’n.

“Kasi, once na ikaw na po ang Concert King or Concert Queen, ikaw na ’yun, walang papalit du’n,” pagtatapos ni Sarah.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 6:31 PM, Anonymous Jenny said...

MARTIN NIEVERA says he’s a fan of Sarah Geronimo. “We’re together in ASAP and her voice is really awesome. When Viva Concerts offered me to do ‘What Love Is’ at Araneta for Valentine next year, I said yes right away."

Check out the article at Martin Nievera to Sarah Geronimo: Don't look for love, Let love find you

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES