Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, November 16, 2010

Sarah Geronimo may matinding pinagdaraanan!

Kamakailan ay sunud-sunod ang pag-post ni Sarah Geronimo sa kanyang twitter account ng mga makahulugang mensahe o tweets.

Ang ilan dito : “Do you wonder why you have to feel the things that hurt you? If there’s a God who loves you, where is He now?” at “Hold on and wait for the light. Press on and just fight the good fight. ‘Cause the pain that you’ve been feeling, it’s just the dark before the morning!”

Marami ang nagtaka at nagulat sa mga mensaheng ito ng Popstar Princess. Marami ang naglabasang espekulasyon na may matinding pinagdadaanan si Sarah ngayon kaya siya nagiging emosyonal.

Sa The Buzz ay nilinaw ng singer ang mga isyu tungkol sa kanya. “Lahat naman po tayo ay may pinagdadaanan na hurt ‘di ba, ako ay dumaan din sa ganyan,” nakangiting pag-amin ni Sarah.

Ang tinutukoy niya ay ang mga naglabasang mapanira at masasakit na akusasyon sa kanya.

Si Sarah daw kasi ang sinisisi kung bakit hindi tumagal sa ere ang kanilang programa ni Sam Milby na Idol. “Nasaktan po ako. Marami kasing mga negative feedback dahil sa pagtatapos ng Idol, maraming masasakit na salita. Kaya siya natapos agad ay dahil nagkaroon ng conflict sa schedule, hindi lang po sa akin kung hindi pati sa co-actors ko. Si Sam, may mga out of the country shows siya, ako may mga prior commitments,” emosyonal pang paglilinaw ni Sarah.

Ang isa pang isyu na idinidikit sa singer-actress ay ang pagtanggi niya diumano na muling makasama si John Lloyd Cruz sa isang pelikula at kailangan din daw ni Sarah ang aktor para sa kanyang career. “Ako po kasi, gusto ko lang po sana ma-explore ‘yung pagiging individual na actor ko. Ayaw ko po kasing maging dependent sa tandem namin ni John Lloyd,” dagdag pa ni Sarah.

Mayroon pa rin naman daw posibilidad na magkasama sila ni John Lloyd sa isang project. “We owe it to the public. Lahat ng sumuporta ng pelikula namin, tandem namin ni John Lloyd, ‘di naman matatapos ‘yun. Darating din po tayo sa pagkakataong iyon,” pagtatapos ng Popstar princess.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 8:12 PM, Anonymous Anonymous said...

kaya mu yan idol!!!!!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES