Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, November 27, 2010

Sharon Cuneta - I’m sorry to Aga if he felt slighted

Alam na alam ni Sharon Cuneta ang gustong itanong ng entertainment press sa kanyang press launch kahapon para sa bagong endorsement niyang Zen Zest Fragrance.

Siya pa mismo ang nagsabi na itanong na lahat at huwag nang mahiya pa dahil willing siyang sagutin.

Nang ma-mention ng isang columnist ang name ni Aga Muhlach, siya na mismo ang nagsabing ikukuwento muna niya mula sa umpisa ang lahat para mas malinaw.

“Alam n’yo, ito ha,” she started, “ang pakiusap ko lang po, para lang walang nami-misinterpret, walang nami-misconstrue, sana po ’yung sasabihin ko, eksakto lang (ang isulat), pati ’yung voice, the way I say it, request ko lang po.

“You can quote me all you want but kindly, just make it accurate kasi, it’s a very sensitive topic and ang dami ko kasing puwedeng sabihin but you know, I don’t know if I’m alone in wanting to save the friendship.

“Kasi, ang totoo nito, ganito lang po ’yon, dapat hindi naman lalabas ’yung mga rason ng tampo ko, kasi seven years na kaming magkaibigang matalik (ni Aga) as in puwede niya akong batukan, puwede ko siyang suntukin, ganu’n,” say ni Sharon saka bumungisngis.

“Kasi, very ano kami... I know him, he knows me, I love his family, minsan pupunta siya sa bahay, kakain siya, si Kiko (Pangilinan, her husband), you know, it was all going very well.

“Meron lang little things na siguro, palilipasin ko ’yung iba, kasi lalaki naman siya, babae ako. Pero after a while, siyempre, parang meron ka lang mga tampo na between you lang naman ’yon, eh.

“’Yung lumabas, nagpapasalamat nga ako sa SNN (Showbiz News Ngayon), eh, kasi kinunan nila ’yung part nu’ng nangyari ’yon. Sinu-sino nasa concert ni Ai-Ai (de las Alas)?” tanong niya sa press.

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang Akin ang Tronong Ito concert ni Ai-Ai held at the Araneta Coliseum last Nov. 19, kung saan nangyari ang reportedly pang-ookray ng megastar kay Aga sa parteng umarteng parang hindi niya kilala ang aktor.

“Kasi sabi nila, parang na-bad-trip forever yata ’yung tao, ’yun ang impression, hindi naman exact words, pero parang na-nega, ganyan. Pero after a while, nakita nilang okey lang, parang nagpatawa na kami’t lahat, pero in the end, sabi ko, ‘joke,’ gumanyan pa ako.

“Alam n’yo, sa totoo lang, I thought, kakausapin niya ako na ‘Ems (tawag sa kanya ni Aga), bakit?’ ganyan.

“Pero, on the other hand, iniiisip ko rin, nu’ng nabasa ko ’yung article ni Ricky Lo, du’n ako nagulat kasi parang... I don’t know, alam n’yo sa mga artista, merong tinatawag na... parang sa inyo rin, mga press kayo, ’yung you know what to write about, ’yung mga huwag na lang, you know what’s not na lang.

“Ang akin, sa mga artista, parang maski paano, parang mayroong honor code, ’yung para kayong magkakapatid na meron ’yung hindi na ilalabas, merong nilalabas.

“When the Ricky Lo article came out, ang pinaka- na-hurt ako ru’n… by the way, I would just like to say that I never said the project with Gabby (Concepcion) was the horror movie, those are two separate projects.

“’Yung project din ni Lea (Salonga), with Aga, hindi rin ’yung dapat project namin, nagkataon lang na pumasok na ’yung Lea, pero wala namang kinalaman si Lea. Dudugtungan ko ’yung Lea mamaya, kasi sino ’yung nagsulat na I snubbed Lea?” tanong niya.

“Kasi it came out, but Lea immediately, on her Twitter account, tweeted it’s not true, kasi paglabas niya, she sang before me, so, pagbaba niya, nandu’n na ako sa backstage.

“Sabi ko, ‘Lei!,’ tapos nagyakapan kami, tapos sabi ko pa nga ‘you know, we should do a back to back,’ tapos sabi niya, ‘that would be fun.’ ’Yung ganu’ng masaya, walang kaanu-ano sa stage,” kuwento ni Sharon.

Ayon pa sa Megastar, laglagan daw talaga ’yung concert ni Ai-Ai at marami pa raw siyang gustong sabihing pagbibiro at hindi raw niya inaasahang mabu-blow-out of proportion ang ginawa niyang pagbibiro.

“Anyway, to make the long story short, nu’ng lumabas ’yung article ni Tito Ricky, ’yung parang meron lang nabanggit du’n na ‘my DPA thinks’ na parang baka kasi something-something about the movie, and I may have felt rejected na, kasi alam ko naman kung kanino galing lahat. Kasi pareho rin sa sinusulat ni Tita Ethel (Ramos, manager ni Aga) and Salve (Asis, entertainment editor).”

Naiintindihan daw niya na minsan ay napupuna siya ng writers lalo na’t alam niya kung concerned lang sa kanya ang writer at naa-appreciate naman daw niya ’yon.

“Pero ito, between me and Aga ito. Lumaki na ito nang ganito, nagkasakit-sakitan na. After the Ricky Lo article, parang naawa naman ako sa sarili ko, so, I had to defend myself. I had to give reasons.

“I said sorry na through the column of Tito Ricky, and I will say it again to you, I’m sorry to the audience of Ai-Ai, I’m sorry to Ai-Ai, I’m sorry to Aga if he felt slighted, but you know what, I really thought, while it was going on, I had it all under control, na joke kasi talaga.

“Alam n’yo kung talagang galit ako, at ’di ko na mapigil ang tampo ko, hahamunin ko na lang siya ng suntukan, hindi ba?” say niya saka bumungisngis ulit.

Medyo naging emosyonal din si Mega nang sabihin niyang walang-wala siyang pagkukulang kay Aga at sobrang pinahahalagahan niya ang friendship nilang dalawa’t nalulungkot siya na naging ganito ang ending nila.

“Walang-wala akong pagkukulang sa kanya, minahal ko siya, totoo ako sa kanya, hindi ko siya sino-showbiz. Walang-wala akong pagkukulang kung maaari, lahat ng hiling niya, ibigay ko, ganu’n akong kaibigan.

“So, siguro nami-miss ko lang siya, nami-miss ko lang na mabigyan ng kaunting importansya not because I’m feeling ‘Oy, she’s the megastar,’ no. Importansiya bilang kaibigan, ’yun lang ang hinihiling ko.

Ikinuwento rin ni Sharon na tinext niya si Aga bago niya nakausap si Ricky Lo the day na lumabas ang kolum nito at sinabihan naman siya ng aktor na magte-take lang at tatawagan siya pagkatapos ng take.

“The same day, he texted me, pero nakausap ko na si Ricky Lo, sabi niya, ‘I’m sorry, Ems, if I made you feel that way,’ in fairness naman, ‘I didn’t mean to make you feel that way,’ ganyan. And sabi niya, ‘I’ll call you.’

“He was taping with Ai-Ai. But before he could call me back, tinext ko siya na ‘Teng, siguro, huwag muna tayo mag-usap kasi ngongo pa ako sa kaiiyak, tapos nagtatrabaho ka.’ Then, sabi niya, ‘you’re right, basta we’ll talk soon.’ I never heard from him again after my write-up came out,” patuloy pa ng megastar.

“Mahal na mahal ko siya, wala akong balak na tapusin ang friendship na ito. Amin ’yung magkaibigan, eh. Hindi ko alam kung bakit kailangang maging issue, eh, kababae kong tao, kalalaki niyang tao.

“Eto ngayon ang masakit sa akin, inisa-isa ko, lalahatin ko na. ’Yung pinakamalaking artista sa pelikulang Pilipino, magmula kay FPJ, si Daboy, isa-isahin ’yan, sina Cesar, umabot na tayo kay Gabby.

“‘Yung akin lang, ganito, inisa-isa ko na ang lahat ng leading men ko, isali n’yo na ang lahat ng presidente sa Pilipinas, magmula kay Marcos, walang nang-insulto sa akin nang ganito.

“Hindi ako nakaramdam ng ganitong sakit, kahit publicly, nagamit ’yung word na reject, Diyos ko, nire-reject ba ako?” sabi ni Sharon, teary-eyed.

Sa huli, may mensahe siya kay Aga.

“Alam mo, Teng, hindi ako magtatampo kung hindi kita mahal. Kaibigan kita, hindi ako magtatampo kung hindi kita mahal at hindi ka importante sa akin, hindi rin ako hihingi ng tawad kung wala akong pakialam o respeto sa ’yo. So, paano, Teng, ganito na lang tayo?

“Parang, Diyos ko, magsasagutan tayo sa kolum? Usually, hindi talaga nagsasalita si Aga, pero kasi, ’yung manager ko kasi, walang kolum. Unfair, eh. Baka naman puwedeng mag-usap kami.”

Ayon pa kay Sharon, lambing lang naman ang katapat ng tampo niya at kung ’yung iba raw na leading men niya ’yon, tulad ni Robin Padilla, baka hinalikan pa siya at inamu-amo.

“Lambing ang katapat ’pag nagtampo ako sa kahit na sinong leading man, hindi issue. Hindi column article.”

In the end, Sharon really hopes daw na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Aga.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES