Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 28, 2010

Ai-Ai de las Alas: No cheating, no leakage

WALANG pagsidlan ng tuwa’t kasiyahan ang comedy concert queen na si Ai-Ai de las Alas, hinirang na Metro Manila Film Festival best actress, nang makausap ng ilang kaibigang press sa “win or lose” victory tsikahan nu’ng isang gabi.

Nasungkit nga ni Ai-Ai ang minimithing tropeo para sa Star Cinema entry na Tanging Ina Mo, Last na ’To at kinabog ang co-nominees na sina Marian Rivera (ng Super Inday and the Golden Bibe) at Carla Abellana (ng Shake, Rattle & Roll XII).

Bukod dito, masayang-masaya rin siya dahil nagta-top din ang pelikula sa box-office.

Sa nasabing victory bash na ginawa sa Jack’s Loft sa Il Terrazo sa T. Morato Extension, Quezon City, sumumpa si Ai-Ai na walang leakage na naganap. Wala raw siyang kaide-ideya na siya ang tatanghaling best actress.

Panay pa nga raw ang sey sa kanya ng “friendship” niyang si Kris Aquino, bida ng MMFF entry na Dalaw, ng “asa ka pa,” pero ang lagi niyang sagot, “bakit, magaling naman ako du’n, ah.”

Ni hindi nga rin daw aware ang komedyana na iniba ng MMFF execom ang ruling ngayong taon sa bawat kategorya – ang top three choices lang ang tatawaging nominees.

Kaya sa acceptance speech niya, binanggit pa niya ang mga pangalan nina Kris, Jennylyn Mercado (ng Rosario), atbp., gayung hindi naman pala nominado ang mga ito.

“Hindi talaga ako nag-expect na mananalo, kasi dati, ’di ba, Baler ang humakot ng awards?” eksplika ni Ai-Ai, na bitbit ang trophy at suot pa ang gown na gawa ni Maxi Cinco.

Hindi rin daw puwedeng sabihin na nagkaroon ng dayaan dahil “wala, ito talaga, totoong wala. Alam mo kung bakit? Kasi, sa Siyete ito, eh. Wala rin akong kilala sa jurors.”

Although aminado siyang nag-wish siyang masungkit ang best actress, sinabi rin niyang mas tumindi ang pressure nang manalo bilang best supporting actress ang co-star na si Eugene Domingo at iba pa nilang co-stars.

Sey niya, “Hindi ko talaga kaya kapag natalo ako. Naiiyak nga ako, kasi ’pag ’di ako nanalo, ’di ba, nakakahiya!”

Dagdag niya, “Sabi ko nga, kung natalo ako, tutuloy pa rin ako dito sa Jack’s Loft, magpapatay talaga ako ng cellphone ng mga two weeks. Aalis din ako, mag-a-abroad ako! Hahaha!”

Ramdam din ang sobrang katuwaan ni Ai-Ai sa double win ng comedy king na si Dolphy para sa kontrobersyal na filmfest entry na Father Jejemon.

Aniya, “Tama lang na manalo si Tito Dolphy.”

Sa history daw kasi ng filmfest, bihirang ma-recognize ang comedians. Si Dolphy din daw ang nakagawa ng record dito nang unang magwagi para sa Ang Tatay Kong Nanay.

“Ngayon lang uli may nanalong comedian,” dugtong pa ni Ai-Ai.

In fairness naman kay Kris, pagkatapos ng awards night, tinext nito ang kaibigan at sinabing “I love you, friendship.”

Si Direk Wenn (Deramas, director ng Tanging Ina), Dolphy-Ai-Ai raw ang gustong gawin na next project.

Maging ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio at ang Star Cinema managing director na si Malou Santos, nag-text din ng congratulations at nagsabing “more movies in 2011.”

Pero ang sagot ni Ai-Ai, “Diyos ko po, hindi ko na yata kaya ang stress.”

Kung ang komedyana raw ang tatanungin, gusto na niyang ipahinga ang Tanging Ina series.

“Iba naman o kaya, prequel, hindi na continuation ng istorya. Hindi ba, ’yung Lord of the Rings, may prequel? One, two, three, tapos,” pahayag ng komedyana.

Eh, ang mag-grand slam para sa Tanging Ina, Last na ’To?

”Puwede,” nakangiting sagot ni Ai-Ai, ”sa tulong n’yo.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES