Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, December 12, 2010

Alfred Vargas balik Kapamilya

Ang kapuso hunk na si Alfred Vargas ay magbabalik muli sa Kapamilya Network after 7 years na pamamalagi niya sa GMA-7.

Tumamlay kasi ang career ng hunky actor ngayong 2010 at dahil na rin ito sa pagkandidato niya bilang councilor sa Quezon City. Pagkatapos niyang manalo ay hindi na nagkaroon ng proyekto si Alfred sa Kapuso network subalit may offer sa kanya ang GMA management na supporting role sa upcoming epicserye na “Amaya” sa 2011 na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Subalit nagoffer din pala ang Kapamilya network sa actor-politician na gumanap sa upcoming teleserye na “Mutya.”

Dahil mas “meaty” daw ang role ni Alfred sa “Mutya” kumpara sa “Amara” ay nagdesisyon siya at ang kanyang manager na si Lolit Solis na piliin ang proyekto sa kabilang estasyon at tuluyan nang bumalik bilang isang Kapamilya.

Ang huling proyekto ni Alfred sa ABS-CBN noong 2003 ay ang teleseryeng “Sa Dulo ng Walang Hanggan” bago siya lumipat sa GMA. Ang unang naging proyekto naman niya sa Kapuso network ay ang kwelaseryeng “Marinara” noong 2004 bilang leading man ni Rufa Mae Quinto.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES