Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 06, 2010

Angelica Panganiban and her father meet in US

KAKAUWI lang ni Angelica Panganiban mula sa Amerika at masayang-masaya ang dalaga na pagkatapos ng 24 long years ay na-meet na rin niya finally ang kanyang ama na nakabase sa U.S.

Noon pa man ay sinubukan na niyang hanapin sa Facebook. Nang makita niya ito sa Facebook, hindi naman nagkaroon agad ng chance na magkita sila dahil naging abala siya. Masyado ring malayo ang Amerika para mapuntahan niya ito agad.

Sa huling alis ni Angelica noong August, muntik na niyang makilala ang kanyang Amerikanong ama pero naudlot ito hanggang dumating ang kanyang kaarawan noong November. Niregaluhan siya ng kanyang pamilya dito sa ‘Pinas ng isang cd video greetings. Ikinagulat ni Angel na kasama sa video ang kanyang ama na hinanap pa ng Tita niya para makuhanan ng greetings sa U.S. Humagulgol si Angel.

According to her, kulang ang limang araw na magkasama sila ng kanyang tatay. Sobrang heaven at iyak daw siya nang iyak sa unang beses nilang pagkikita. “Unexplainable ang feeling,” wika pa niya.

Manang-mana rin daw siya sa daddy niya.

May sariling pamilya na ang tatay ni Angelica sa Amerika. Nakilala na rin niya ang mga nakakabatang kapatid na babae (na kamukha niya) at ang dalawang lalaki.
Sa The Buzz kahapon, ipinakita ang pagtatagpo ng mag-ama at ang kanilang muling pamamaalam.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES