Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 14, 2010

Cristine Reyes vs Sarah Geronimo in Twitter

Talk of the town ngayon ang mga tweets ni Cristine Reyes sa kanyang Twitter account na PilyangSweet kung saan ay galit na galit siya sa isang kasamahan sa ASAP XV na bagama’t hindi niya tinukoy ang pangalan, pinaniniwalaan naman ng lahat na si Sarah Geronimo ito.
Nagsimula ang tweet ni Cristine last Sunday sa post niyang “I AM SO PISSED RIGHT NOW!”
Pagkatapos nito ay nagsunud-sunod na ang pagtataray niya at mara-ramdaman mo talaga ang galit sa mga mensahe niya. Narito ang magkakasunod na tweets ni Cristine:
“Hindi ko gusto ’yun banat ng drama princess porket wala ako sa ASAP XV. Akala mo ba, e, hindi makakarating sakin? Punong-puno na ako sayo.”
“Pagmamagaling magsayaw habulin ng mga babaeng sexy... FYI mali ka ng dialogue, e, baka habulin mo. Ikaw ang naghabol! Binreak ka nga e!”
“Nakikipaghiwalay sayo. Ikaw ang habol ng habol! Alam mo yan! Alam mo ang TOTOO!!! Sa microphone m pa sinabi para marinig lahat ng artista!”
"Napakasweet at napakabait ng image mo! Bakit Hindi mo totohanin in REAL LIFE?"
"Uulitin ko lang ha bago ka magbitaw ng salita siguraduhin mong totoo! Kumanta ka na lang! Bwiset ka!"
"Paka-bitter mo!"
"Pakabait ng image mo. Hindi nila alam grabe ka lang umarte! Nagpapatanggal ka ng artista sa asap kasi di mo kaya makasama! Arte mo!"
"Wag na wag mong sasabihin na ako ang naghabol dahil alam nating lahat na ikaw ang halos mamatay sa kakahabol! alam mo yan!"
"At alam mong malinis kunsensya ko dahil Wala akong kasalanan sayo kaya tigilan mo ko ha! Wag mo ko pikunin!"
"Naiirita ako sobra! Ayoko na mag-asap kasi ako naman ang aarte sa ngayon! Gagayahin ko rin ang drama niya! DRAMA PRINCESS!!!!!!"
"Hindi niyo naman mapapanood sa asap kasi sinabi niya yun during rehearsal! At nakamicrophone pa! Ginagawa bigamy katawa-tawa!"
"Wag mo ko paparinggan at sasabihan ng walang katotohanan. Wag mo ko simulan kasi marami akong alam na kaartehan mo! IDOL pa naman kita!"
"What a backstabber with a super goody goody image and super sweet smile!"
"I'm not yet done with you. Nawala lang ako today sa asap lalapitan mo na agad. Grabe ka, sarili mo ata tinutukoy mo sa parinig mo. MOVE ON"
"Baka naman till now, e, hoping ka pa? Kaya nagpa-powertrip ka na pinapatanggal niyo pa sa asap kahit nakapagrehears na!"
"Oo nga pala, wala naman kami laban kasi ikaw ang reyna! Lahat ng gusto mo masusunod! Kahit nakakatapak ka ng bang tao!"
"Sige pagbibigyan kita! Kung ang tanging hiling mo lang ba, e, makalapit sa kanya. Hindi na ako mag-a-asap! Tutal show mo yun e. Sa yong sa yo na!!"
"Hinding-hindi ako papayag na ISA ako sa mapag-powertrip mo. Kung yung ISA ok lang na ma-take ginagawa mo, ako hindi ko kaya."
"Hindi usapan ang talent o paramihan ng fans! Hindi ako naghahanap ng kakampi! Magtu-tweet ako ng kahit ano dahil sakin to."
"I'm so sure magdadrama na naman yan. Paawa effect. Very talented. Best actress! Grand slam! Mabuhay ka IDOL! Bow ako sayo"
"MAGBIRO?!? PERO WALA NG PASARING!!!! alam naman ng lahat kung ano yung biro na yun. Di kami tanga."
“Hindi ako nagre-react ng walang dahilan at hindi ako mag-iiyak sa sama ng loob kung walang dahilan.” Ito ang last tweet niya as we write this column.
Sa mga tweets na ito ni Cristine ay sumagot naman ang handler ni Sarah na si Anna Dasig ng: “Nagbibiruan lang sila ni john pratts kanina. Ewan ko kung bakit kailangan mong mag react ng over ng ganito? Relax ka lang! Alamin mo muna kung ano ang punot dulo bago ka mag-react ng ganyan."
Sinagot naman ni Cristine ang sinabi ni Anna ng mga sumusunod na tweets:
“Ate Annadasig yung alaga mo pagsabihan mo wag ako! Nananahimik ako.”
“Siya nagsimula. Hindi ako! Annadasig!”
“Annadasig wag siya kamo MAGBIRO ng ganun kung alam niya may pinaparinggan siya!”
“Annadasig at kapag magpaparinig man o magbibiro make sure its true! Kasi alam mo naman na siya ang halos mamatay na sa kakahahol. Di ba?”
Base na rin sa sagutan ng dalawa, sa pagkakaintindi namin ay nag-dialogue si Sarah kay John Prats ng “pag magaling talaga magsayaw, habulin ng mga babaing sexy” habang nasa ASAP XV sila last Sunday.
Sa intindi pa rin namin, ang tinutukoy ni Sarah na magaling magsayaw ay si Rayver Cruz na matatandaang dating na-link sa Pop Princess pero natigil nang magsimulang makipag-date ang young actor kay Cristine. Pero ang latest tsika, balikan na rin ulit ngayon sina Cristine at Rayver.
Anyway, nakarating diumano kay Cristine ang sinabi ni Sarah na ikinairita ng dalaga kaya sa sama ng loob ay nag-tweet na nang sunud-sunod.
Ang kaabang-abang ngayon ay kung ano ang masasabi ni Sarah tungkol dito.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES