Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, December 31, 2010

Dolphy, Ai Ai deserve MMFF awards

Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ang katatapos na 2010 MMFF awards night.

Nag-express na ng kanilang disappointment officially ang Cinemabuhay at Studio 5, ang producers ng Rosario, sa hindi pagkaka-nominate nina Jennylyn Mercado (as Best Actress) at Albert Martinez (as Best Director).

Katwiran nila, hinirang na 2nd Best Picture at winner ng Gatpuno award ang Rosario pero hindi man lang na-recognize ang director nito na si Albert.

Nagbago kasi ang ruling ang MMFF regarding nominations this year.

Instead of the usual 8 nominees (at least one nominee each for the 8 festival movies participating), ginawa na lang nila ito na top 3-5 nominees para maging mas solid ang decision process kasi mas konti na lang ang pagpipilian ng jurors.

Sa isyung pagkaka-no-minate ni Marian Rivera para sa Super Inday, ipinaliwanag ni Butch Francisco, isa sa MMFF jurors, na natural na natural daw ang pagkaka-portray ni Marian sa kanyang role.

Kaya raw nanalo rin sina Dolphy, Ai Ai delas Alas, Eugene Domingo sa acting categories dahil nagampa-nan nila ang kanilang roles with ease and conviction.

So, hindi totoo ang tsika ng iba na ipinanalo lang daw si Dolphy bilang Best Actor and Best Supporting Actor out of mercy, dahil napabalitang ito na ang huli niyang mga pelikula at madalas na siyang nagkakasakit ngayon.

That is foul.

Alam naman ng lahat kung gaano kagaling na artista si Dolphy.

Anyway, hindi porke comedy ang pelikula, wala nang karapatang manalo ng award.

At hindi rin porke drama ang pelikula, kailangang ikaw na ang dapat manalo ng acting award.

So, this will also explain the brouhaha between Ai-Ai’s winning and Jennylyn’s nomination snob!

Anyway, sabi nga nila just like in any other awards or competition, the decision of the judges or jurors are always final.

Hindi na dapat kuwestyunin ito dahil lumalabas lang na sourgraping ka!

Speaking of this year’s MMFF jurors, maliban kay Butch Francisco, ang ilan pang jurors ay sina Deedee Sytangco, Robert Arevalo at Direk Emmanuel Borlaza na pawang mga kilala rin sa industriya.

Para sa amin, ang positive na ginawa sa MMFF 2010 ay ang pagkakatanggal ng criteria na 50% ng vote ay ibabase sa box-office receipts.

Pero mukhang hindi namin kakayahin ang sina-suggest na text voting para sa festival winners next year.

Lalong magiging kontrobersyal ang MMFF awards kapag na-implement ang bagong ruling na ganito to determine the winners.

Might as well renamed the MMFF awards to People’s Choice Awards kung gagawin nang text voting ang pagpili ng winners!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES