Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, December 09, 2010

Dolphy and Zsa-Zsa's youngest daughter to enter showbiz too

Ayaw na ayaw pag-usapan ni Zsa Zsa Padilla kapag tungkol sa health ni Mang Dolphy ang topic.

“Huwag na nating pag-usapan ang kalagayan ng partner ko. Huwag ninyo akong paiyakin. Malakas at matapang ang partner ko (Dolphy),” say ni Zsa Zsa sa presscon ng Father Jejemon, entry ng RVQ Productions sa Metro Manila Film Festival.

Kung tungkol naman sa isyung tutol ang partido ni Mang Dolphy na ipamana sa kanya ang production outfit ni Mang Pidol, sagot ni Zsa Zsa:

“Walang isyu diyan. I can put up my own company. Gusto ko mag-produce ng indie films. ’Yung maliit lang ang budget. ’Di ko pa kaya mag-produce ng malaking budget. Masaya ako at nakasama ko ang aking partner sa ibang level, ako bilang producer at siya ang aking artista.”

Naitsika rin ni Zsa Zsa na graduating na sa college ang anak nilang si Nicole sa Australia at wala raw hilig ito sa showbiz.

Unlike their youngest daughter Zia, na mahilig kumanta.

Susuportahan daw nila ni Pidol si Zia sa hangarin nitong maging singer at baka next year, igagawa nila ito ng album.

Posibleng magkasama raw sina Zia at Karylle sa isang show.

And who knows, baka sumama rin siya sa dalawang anak sa isang concert.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES