Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, December 30, 2010

Jewel Mische pressured sa Kapamilya

Inaabangan na ngayon pa lamang ang teleseryeng pagtatambalan nina Gerald Anderson at Jewel Mische. May mga balitang hindi pa rin daw tanggap ng ilang Kimerald fans ang tuluyang paghihiwalay ng landas nina Kim at Gerald. Ngayon ay naniniwala si Jewel na matatanggap din ng mga fans ang tambalan nila ni Gerald. “Alam n’yo sa totoo lang, hinahangaan ko po ang pag-suporta ng mga fans nila. Hinahangan ko ‘yung tambalan nina Kim at Gerald. I think it’s a normal reaction, ang tagal nilang magkasama pero kung sa umpisa may mga reactions na hindi maganda, sa tingin ko po, eventually mawawala rin ‘yun at matatanggap din po nila,” pahayag ni Jewel.

Mayroon ding pakiusap sa fans ang bagong leading lady ni Gerald. “Sana maintindihan po nila, parang tulong na rin po nila sa akin na nag-i-start po at nangangako naman ako na ibibigay ko yung best ko,” seryosong dagdag pa ni Jewel.

Pressured daw ngayon ang young actress na makipagsabayan sa ilan pang drama princesses ng Kapamilya network. “Mayroong pressure at kaba, at the same time challenge sa akin pero ako po ay nagsisimula pa lang, alam kong matututo pa ako sa kanilang lahat, kasi lahat sila ay established na,” pagtatapos ni Jewel.

Ngayong Sabado ay isang New Year special ang handog ng Maalaala Mo Kaya, tampok sa special episode na ito si Jewel kaya mapatutunayan niya ang kanyang husay sa pag-arte. Makakasama rin ni Jewel si Baron Geisler sa nasabing episode.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES