Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, December 18, 2010

Kris Aquino dalawang oras inimbestigahan

Noong Huwebes ay pumunta si Kris Aquino sa Makati Regional Trial Court matapos siyang ipatawag ng korte para sa isang collusion investigation.

Ipinaliwanag ng assistant city prosecutor na si Atty. Christopher Garvida kung ano ang kahalagahan ng prosesong ito. “Pinapadala ang kaso for Collusion investigation kapag una, ‘di contested ang kaso. Pangalawa, kapag contested pero walang issue. I mean in-admit ng kabilang partido lahat ng sinasabi ng petitioner. Therefore walang issue ‘di ba, parang nag-a-agree sila so we have to conduct a collusion investigation. To make sure na totoo ang arguments ng parties na humingi ng annulment, hindi ‘yung gumagawa,” paglilinaw ni Atty. Gardiva.

Inabot ng halos dalawang oras ang nasabing imbestigasyon. “If there is a Collusion investigation, and it’s part of state’s duty to really investigate and protect the sanctity of the family and to see kung puwede pa bang maayos o kung may magagawang paraan, siguro ako na ang pinaka-unang magko-comply at sasagot ng katanungan niya. He asked me a lot and I answered a lot,” pahayag naman ni Kris.

Ayon pa kay Atty. Gardiva ay hindi naman daw nakaka-apekto sa imbestigasyon ang pagiging open nina Kris at James sa publiko na civil ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa. “It’s not like we’re bestfriends but you know we are friends primarily because we’re co-parents. More than anything siguro ang duty namin na maging okay kami for the sake of our son. It’s good timing for both of us, mas mapayapa ang magiging Pasko namin,” dagdag pa ni Kris.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES