Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 27, 2010

Kris Aquino parating iniisip ang kikitain ng Dalaw

Co-producer si Kris Aquino ng Dalaw, pero kahit anong pilit at kulit, hindi nito sinasabi kung magkano ang nagasta nila sa pelikula, sa ibang source namin nalamang P44 million ang nagastos ng mga producers at one third nito ang share ng TV host-actress at ni Deo Endrinal. Hindi namin alam kung magkano ang share ni Edgar Mangahas at ng Star Cinema.

Ang kuwenta ni Kris, kailangang maka-P90 million gross ang movie para makabawi, P100 million para sila’y maging masaya, “At P130 million for us to be very, very happy.”

Third day showing na ngayon ng eight entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF), may trend na kung magiging very happy o very, very happy sina Kris at kung matutupad ang wish nitong mag-number three ang Dalaw sa box-office.

Natawa kami sa tsika ni Kris na habang umaarte siya, kinukuwenta niya sa isip niya ang nagagastos ng pelikula nila, kaya as much as possible, ayaw niyang mag-retake ng eksena dahil mahal at panibagong gastos.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES