Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, December 04, 2010

Sharon and Aga now okay-- Ai-Ai

Ayaw nang pag-usapan pa ni Ai-Ai de las Alas ang kontrobersyal na concert niya sa Araneta Coliseum kung saan ay nabunyag nga ang tampo ni Sharon Cuneta kay Aga Muhlach.

Aniya, tapos na ito and as far as she knows, okay na rin ang dalawa na pareho pang malapit sa kanyang buhay.

“Ah, tapos na ’yun, eh. At saka, ganu’n talaga ang magkakaibigan, may tampuhan, magkakabati rin.

“In any relationship naman, may tampuhan, eh. Friends, mag-asawa, mag-boyfriend, magkaibigan, ganu’n talaga,” pahayag niya sa presscon ng Ang Tanging Ina Mo, Last Na ’To.

Nasa script ba ’yung biruan nila ni Sharon?

“Hindi, usapan lang ’yun na ganu’n, kaya lang, hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta nangyari na, wala na tayong magagawa. And nag-text nga ako kay BFF (Sharon), sabi ko sa kanya, ‘bff, ikaw mahal kita, huwag ka nang iiyak, huwag ka nang magtatampo, okay na ’yun.’ And okay na naman sila ni Aga,” say pa ni Ai-Ai.

Mas gusto niyang pag-usapan na lang ang movie niya na isa sa entries ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival na magsisimula this Dec. 25 lalo pa nga’t aware siya na mabibigat ang kanyang mga kalabang pelikula partikular na ang Bong Revilla-Vic Sotto movie na Si Agimat at si Enteng Kabisote at ang Father Jejemon ni Dolphy.

“Oo nga, eh, sabi nga ng press sa akin, ‘bubugbugin ka nila,’ ‘yun ’yung term nila, ‘nagsanib-pwersa sila, para bugbugin ka.’ Ah, ’yung totoo, siyempre, kinakabahan ka, pero ako, sinabi ko na noon pa, I always trust God.

“Kung ano ang gusto Niyang mangyari, ’yun ang mangyayari. So, ako, pray lang ako nang pray at ginawa naman namin ’yung best namin, ’yun na ’yun,” say pa ng comedy concert queen.

Prangka ring sinabi ni Ai-Ai na nag-e-expect siyang manalo ng best actress award sa MMFF awards night dahil hindi pa siya nananalo sa nasabing award-giving body.

Kung sa naunang dalawang Tanging Ina Mo movies, hindi raw siya pinalad na masungkit ang best actress award, sana naman daw this time, manalo na siya dahil ginawa raw niya ang best niya at alam daw niyang magaling siya rito.

“Nun’g pinanonood ko ang movie, sabi ko, deserving naman akong manalo ng award dito. At ’pag iba ang nanalo, maiinis ako, oo,” say pa niyang nakatawa.

Nang tanungin kung talaga bang last installment na ito ng Ang Tanging Ina, parehong ipinahayag nina Ai-Ai at Eugene Domingo na sana, hindi pa ito ang last dahil kung wala na talagang magpo-produce, balak nilang magsosyong dalawa at sila na lang ang magiging producer.

“Parang sina George Clooney at Brad Pitt, ’di ba, magkaibigan sila, tapos sila na rin ang nagpo-produce ng pelikula na sila rin ang bida. Siya (Eugene) si George at ako si Brad,” sabi ni Ai-Ai.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES