Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, December 19, 2010

Sharon Cuneta na-offend sa pandadamay ni Cristine

“Disrespectful” at “offending” ang naramdaman ni Sharon Cuneta nang makarating sa kanya ang mga sinabi diumano ni Cristine Reyes sa kanila ni Judy Ann Santos sa effort nilang maayos ito at si Sarah Geronimo.

Itinanggi nitong tumawag sa kanila ni Judy Ann si Sarah para magsumbong, gusto lang nila ni Juday na maayos ang lahat, hindi niya expected na pati siya ay madadamay sa gulo.

“Nakaka-offend lang kasi kung may magdi-disrespect sa akin, sana may katuwiran. Nobody has the right to treat me like that. Kung merong mali si Sarah, we will not condone it, mauuna kami ni Juday na pagsabihan siya. Pero kita n’yo naman, wala siyang sinabi, tahimik lang ’yung bata, tama na. Walang respeto sa amin ni Juday, pero ang importante, alam ko na ang ugali at karakter ng mga taong involved,” sabi ni Sharon.

Samantala, totoo ngang masarap ang carrot cake ni Sharon at natikman ito ng press sa ipi­namigay niyang heart-shaped carrot cake. The same cake at iba pang cakes ay matitikman ng mas marami ’pag nagbukas na ang coffee shop nila ni Fanny Serrano sa bubuksang parlor ni TF sa may Tomas Morato, Quezon City.

Tuwang-tuwa si Sharon dahil matutupad ang childhood dream niyang magkaroon ng coffee shop at bukod sa cake, matitikman din ang pasta dishes niya. Baka pati ang peanut cookies ni Frankie Pangilinan ay matikman din.

Anyway, ibinalita ni Sharon na every week, pumapayat siya, kaya next year, ready na siyang gumawa ng maraming pelikula. Magsisimula na rin sa ABS-CBN ang The Biggest Loser na kanyang iho-host.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES