Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, December 09, 2010

Sharon Cuneta vs Lea Salonga?

PATI pala si Lea Salonga, may isyu kay Sharon Cuneta. Matatandaang nagkaroon ng isyu sina Sharon kay Aga Muhlach (pero okey na ngayon ang dalawa), na kaibigan din ni Lea at favorite leading man pa niya. Guest din si Lea sa birthday concert ni Ai Ai delas Alas, kung saan nagsimula ang intriga with Mega and Aga. Ayon sa tsika, may dedmahan umanong nangyari kina Shawie at Lea sa backstage.

“That’s really weird. I really don’t know how that came up. I came off the stage from Ai Ai’s concert, I saw her and we hugged each other,” paglilinaw ni Lea tungkol sa isyu, na talagang nagalit nu’ng lumabas ang ganitong balita.

“It’s totally untrue. There is no issue between me and Mega.”

Kung ‘yung ibang tao nga raw na hindi niya gaanong kilala binabati niya, what more pa si Sharon na kaibigan niya.

“I’m even getting tweets from total strangers, and I’m like, What the heck, paano naman ako nasangkot dito?”

Kahit daw kasi saan sila magkita ni Sharon (private or public places), lagi siyang binabati ni Mega at hina-hug pa siya.

Komento tuloy ni Lea, may mga taong naninira sa friendship nila ni Sharon.

At sana raw, tigilan ng mga taong mahilig mag-imbento ng isyu na hindi naman totoo dahil unfair daw sa magkabilang kampo.

Samantala, isa si Lea sa celebrity judges para sa Avon Voices, ang global on-line singing talent search for women and songwriting competition for men and women. Avon will mark its 125th anniversary sa 2011.

Makakasama ng Pinay international artist bilang judges sina Fergie ng Black Eyed Peas; Grammy award-winner and legendary songwriter Diane Warren; Grammy-nominated singer/songwriter Natasha Bedingfield; Australian Artist of the Decade Delta Goodrem; Brazilian pop star Ivete Sangalo at Russian sensation Valeriya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES