Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 06, 2010

Willie uses elderly for his show

“HINDI naman tama na gamitin ang mga lola na halata namang bulag sa batas pero buo ang pananampalataya kay Willie para lang makahikayat ng simpatiya mula sa publiko!”
Ito ang lamang ng isang email na natanggap namin na nagre-react sa ginagawa diumanong panggagamit ni Willie sa mga lola at matatanda.

Dagdag pa sa email: “Ang mga kasong isinampa ng ABS-CBN laban sa Wil Productions at TV5 ay pawang usapang legal na seryoso at hindi dapat idinadaan sa emosyon at palabas.

“Pati ang audience niya ay ginagamit niyang mistulang ‘human barricade’ para ikubli ang mga tunay niyang intensyon sa pagpapatuloy ng kanyang programa at ’yan ay para lang sa pera,” pagdidiin pa ng nag-email.

Samantala, ayon sa balita, tinatayang P470 million ang kinikita ngayon ni Willie sa TV5.

“Sa laki ng kinikita ni Willie, huwag na sana niyang gamitin pa ang mga tao na kesyo para sa kanila ito, na kesyo ginagawa niya ito para maiahon sila sa kahirapan. Sa totoo, ito ay para sa produksyon na ’di hamak na milyones ang kinikita sa advertisement,” reaksyon naman ng patuloy na sumusubaybay sa isyu ng pagdedemanda ng ABS-CBN kay Willie.

Pinaninindigan naman ng Dos na hindi nila nagustuhan ang pag-angkin ni Willie na galing sa konsepto niya ang Wowowee.

“Grabe naman ang pag-angkin ni Willie sa lahat ng effort na ginawa ng kanyang staff at creative team nu’ng time ng Wowowee at ang ABS-CBN na naglabas ng pera para sa programang pinagkakitaan niya. Sana na-realize niya ’yon. Huwag niyang angkinin ang hindi kanya.

“Kung talagang magaling siya, sana nakaisip siya ng bagong programa ng TV5 na iba sa Wowowee. Hindi ’yung panay iniba-iba lang ang mga pamagat sa segment at pati ibang termino sa Wowowee ay gagamiting muli.

“Kung naniniwala si Willie na malakas ang laban niya, harapin niya ang kaso sa korte. Hindi ’yung nagpapaawa siya sa TV na akala mo’y inapi. Sino ba ang inapi? Ang may yate at magagarang bahay at sumusuweldo ng aabot sa P70 millyon kada buwan?” litanya pa ng ABS-CBN insider.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 12:49 PM, Anonymous Anonymous said...

Inggit ka lang kay Willie! Magsumikap ka din at hindi puro inggit!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES