Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 31, 2010

Charice and Sam sings Whitney Houston Medley

Charice and Sam sings Whitney Houston medley.

Labels:


Read more...

Kuh Ledesma - Valentine show Forever Love

Kuh Ledesma presents the Valentine show Forever Love on Feb. 12 and 14 at the Captain’s Bar of Mandarin Oriental Hotel in Makati City.

Her guests are Christopher de Leon and Jomari Yllana.

Kuh handpicked them to partner with her in the show because she wants to keep up with the mood of the season. “Since I don’t have a Valentine date anyway, might as well get these handsome gentlemen to be my dates for those two nights. For sure, girls will swoon when they see Boyet and Jomari in the show,” she says.

On a more serious note, Kuh says they have prepared a repertoire of love songs guaranteed to make couples in the audience reminisce their days of wine and roses. She shares Valentine’s Day is a good day to be reminded of the most important lesson God has imparted to us: Love.

Forever Love is presented by Music Museum and Mandarin Oriental Manila.

For details, call 721-0635 or 721-6726.

[via]

Labels: ,


Read more...

Saturday, January 30, 2010

Cheryl, ka-tandem ni Paolo sa TV5

Napabayaan nga ba ng ABS-CBN si Cheryl Cosim?

Ayon sa isang source, labing-apat na taong nag-trabaho si Cheryl Cosim sa Dos, pero nabalewala raw yata ang kanyang loyalty at dedikasyon kaya nag-desisyong lumipat sa TV5.

Kuwento pa nito, halos tumira na si Cheryl sa studio. Madaling araw hanggang gabi, pitong araw sa isang linggo, nakikita cherylcosimat naririnig siya sa radyo’t telebisyon.

“Pero bakit hindi ito nakita ng mga bosing niya sa network?” anang source.

Marahil sadyang mahigpit ang competition sa Kapamilya network kaya hindi pa nabibigyan ng break si Cheryl sa primetime o late evening newscast.

Nag-a-anchor siya ng hourly news report araw-araw, mula umaga hanggang gabi. May current affairs program din siya at naririnig sa DZMM.

Pero maraming mas senior kay Cheryl na nakalinya sa Dos. Nariyan sina Karen Davila at Ces Drilon.

Mas nabibigyan pa nga ng atensyon sina Pinky Webb at Bernadette Sembrano na kung tutuusin, mas junior kay Cheryl sa ABS-CBN.

Nakakalungkot, sey ng source, dahil ibang network pa ang nakapansin sa potensyal ng news talent.

Maganda raw ang offer ng TV 5 kay Cheryl. Dalawang programa at mas malaking sahod na hindi umano kayang pantayan ng Lopez-owned network.

Totoo ba ito? Ang alam namin, wala pang pinipirmahang kontrata si Cheryl sa Singko. Baka mamaya, ayaw siyang pakawalan ng Dos.

Pero may tsikang rin na simula sa March, gagawing primetime news anchor si Cheryl sa TV5, kung saan makakasama niya si Paolo Bediones.

Matatandaang nauna nang lumipat si Paolo sa Singko mula sa Siyete. Bibigyan din daw ng solo public affairs program si Cheryl sa TV5?

Well, abangan na lang natin kung mawawala nga si Cheryl sa Dos at sa TV5 susulpot.

Sa totoo lang, bukod kay Cheryl, may ilan pang mga taga-Dos na gustong mag-apply sa TV5.

Feeling daw nila, mas magkakaroon sila ng pagkakataon sa kumpanyang pinamumunuan na ng negosyanteng si Manny Pangilinan.

[via]

Labels:


Read more...

Dolphy, Maricel pumirma na ng kontrata sa TV5?

BALITA ngayon sa apat na sulok ng showbiz na pumirma na raw sina Maricel Soriano at Dolphy para magkaroon ng programa sa TV5.

Hindi pa confirm ang balitang ito, pero kalat na kalat na ang tsismis na ito.

May mga taga-News and Public Affairs na rin daw sa dalawang higanteng network ang nakapirma na sa network na hinahawakan ngayon ng businessman na si Mr. Manny Pangilinan.

Bukod pa rito, may malalaking stars pa rin sa dalawang network ang pipirma na rin daw kasi triple ang suweldo o talent fee na alok sa kanila. Bongga, ‘di ba?

Anyway, balita ng insider namin sa TV5 na sa March ilo-launch ng network ang kanilang mga ba-gong big shows. Dito na magkakaalaman kung sino talaga ang lumipat big stars sa kanila.

[via]

Labels:


Read more...

Friday, January 29, 2010

‘Miss You Like Crazy’ Trailer

‘Miss You Like Crazy’ Trailer Released. The trailer of Star Cinema’s post-Valentine offering–Miss You Like Crazy–starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo premiered in cinemas on the opening day of “Paano Na Kaya.”

Also starring in the movie are Maricar Reyes and Megan Young. It will open in theaters on February 24, 2010.

Labels:


Read more...

Ai Ai de las Alas updates

HOW'S Ai Ai de las Alas' new Greek BF who she visited in Athens before Christmas? "Hindi ko pa naman siya boyfriend," she says. "Chatmate pa lang. He's 37 years old, guwapo. We met sa internet lang. We chat.

"Someone quips: "Hubad kayo?" "Tama, cybersex," she jokes with a laugh. "Tapos, nag-eyeball kami sa Greece. Athlete siya, handball player."

How long did she stay there? "Six days. Go na ko, kasi life is short. Pag di ko pa ginawa, kelan pa?"

So something happened? "Wala. Wholesome ako roon. Na-appreciate ko lang ang magagandang tanawin. Merong kissing, pero hanggang dun lang kasi Filipina ako. Virgin pa."

How come she's fond of foreigners? Didn't she have a Venezuelan boyfriend before this? "Sila ang fond of me, 'no? Yes, may Venezuelan. But he's too young for me. 25 lang kaya di nagtagal. Pero sobrang busy na ako ngayon kaya wala munang boys. Panay ang gala namin ni Kris (Aquino) as judges sa 'Pilipinas Got Talent'. Galing kaming Cebu, then go kami sa Caga-yan de Oro."

So she and Kris are friends again after they had a tiff when she made a comment about James Yap during the Hope Centeno scandal? "Yes, BFF na kami uli."

So what did she say to Kris about the James-Mayen issue? "Ay, ayoko na uli mag-comment about James. I promised to Kris, my lips are sealed kaya huwag n’yo na ko pilitin, ayoko."

What happened to her studies at Center for Culinary Arts? "One year pa, bago ako matapos. E, na-ging super busy ako. My son Sancho, siya nagpa-tuloy. Ang tuition fee niya, P350,000 a year."

Aside from "Pilipinas Got Talent", she'll soon tape a dramedy with Aga Muhlach. "First teamup namin. Storycon pa lang, sinabi ko na 'wag akong liligawan, kasi nakakahiya naman kay Charlene (Gonzales.) I'm not a homewrecker," she said coyly.

She also has a Valentine show, "Ai Am Your Valentine", on February 14 at Manila Hotel's Tent City with Pilita Corrales, Janno Gibbs, Rufa Mae Quinto, and Mark Bautista. For inquiries about Ai Ai, call Backroom at 435-1108 and 435-1120 or email backroomtalent @pldtdsl.net.

[via]

Labels:


Read more...

Martin Nievera walang sama ng loob kay Jomari

Kung kay Jomari Yllana ay wala na ang mga namagitan sa kanila ni Martin Nievera last year, ganundin naman ang Concert King.

Say niya nang makausap namin sa presscon nila ni Gary Valenciano last Wednesday para sa As 1 U.S. tour (second leg), walang atraso ang aktor sa kanya.

“Hindi naman kami ang nag-aaway. He didn’t break-up with me. If I saw him now, ‘oh, hi,’ wala akong sama ng loob. Wala akong grudges, I said it a long time ago, Jomari did not take Pops (Fernandez) away from me, so, wala akong sama ng loob.

“Kung nasaktan si Pops dahil sa relationship nila, that’s really their problem. But since Pops involved me by coming to me in her crying days which she always does, and I, also, ’pag may heartache rin ako, I go to Pops, which I find funny, it’s really weird. In Pops’ words, we’re really a weird couple,” say ni Martin.

Komento naman ng isang reporter, kasi nga, mag-asawa pa rin sila kahit paano.

“Yeah, wala lang sex,” direstso niyang sabi kaya nagkatawanan lahat.

Kapag mga ganu’ng pagkakataon daw na umiiyak si Pops sa balikat niya, nasasaktan din siya.

“I feel so bad, I get hurt for her. Pero iba ’yung placement ko ngayon, eh. Parang feeling ko, wala akong karapatan na sasabihin ko ’yon, pero gusto kong sabihin at alam ko ’yung sagot but dapat, galing sa kanya.”

Minsan, hindi raw niya alam kung ano ang dapat gawin since magkaibigan na nga lang sila ngayon.

“Because why did you come to me? Kung ano ba talaga ako, baka kailangan lang niya talaga ng shoulder, ’yung tenga ko, but baka mamaya, she wants more, so, tell me what to do.

“’Yung palaging sinasabi ni Pops is, ‘what’s wrong with me?’ I said, ‘what?’ And then she’d say, ‘what’s wrong with me, why can I not hit a relationship?’

“I said, ‘are you sure, you wanna talk to me about this?’ And then natatawa siya, natatawang umiiyak, you know, ’yung time nung Missing You (concert nila ni Pops last year na prinodyus ni Jomari).

“I’m glad she comes to me, though, so, whatever I can do for you, siyempre, nanay siya ng mga anak ko.”

Bakit kasi hindi na lang sila mag-reconcile?

“Well, I don’t know, who knows? We really don’t know,” nasabi na lang ni Martin.

Aminado rin ang concert king na may nararamdaman pa siya para sa ex-wife, pero parati raw nauuna ang guilt feeling at say niya, siguro ay forever siyang makakaramdam ng guilt for the rest of his life.

Sa ngayon, maganda ang relasyon nila bilang magkaibigan, kaya let’s leave it at that.

Anyway, back to the As 1 concert tour, uunahin nina Gary at Martin na mag-perform sa Washington DC sa Feb. 27, then, sa 28th, sa Connecticut, Tamba Bay, Florida on March 26, sa Reno, Nevada on March 12, Dallas, Texas on March 14 at Pasadena, California on March 21.

Sa April 8 ay sa Dubai naman sila at sa Qatar on April 9.

Matatandaang last year, naging successful ang nasabing back-to-back concert nina Gary at Martin na ginanap sa SM Mall of Asia.

Agad itong nasundan ng U.S. tour last October, kung saan ay nag-perform sila sa siyam na cities ng North America.

Ang nasabing U.S. concert tour was tagged as the “highest-grossing Filipino concert in the U.S. in 2009” dahil sold-out ang lahat ng venues na pinagdausan nito.

By popular demand, babalik ang As 1 sa U.S. ngayong Pebrero at pagkatapos nito, baka magkaroon sila ng repeat dito sa Pilipinas.

[via]

Labels:


Read more...

Judy Ann ‘niluhuran’ ng ABS-CBN para tapusin ang bagong teleserye

PAGKATAPOS nang halos tatlong taong pagkawala sa primetime shows ng ABS-CBN, muling magni-ningning ang nag-iisang bituin ng teleseryeng si Judy Ann Santos via Habang May Buhay kasama sina Derek Ramsay, Gladys Reyes, Joem Bascon, John Arcilla, Tetchie Agbayani, Gina Alajar at Rio Locsin, sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Pero ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit kay tagal bago muling nagkaroon ng primetime show si Juday?

“Parang, mag-ina ‘yan eh! May mga konting hindi pagkakaunawaan. May mga konting tampuhan na naaayos din naman. Open naman ako sa ABS-CBN management. Kung ano ang naging tampo ko ay sina-sabi ko naman sa kanila at nakita ko naman, in fairness, ‘yung pagiging professional nila at ‘yung pagsuyo nila at pagbibigay ng effort para suyuin ako. Hindi naman talaga maiwasang may mga ganoong tampuhan lang naman! No-ong kinausap nila ako, si-nabi ko lang naman sa kanila na sa susunod ay huwag naman akong abutin ng tatlong taong walang trabaho, mga isang taon at kalahati lang, okey lang sa akin,” bungisngis na pagkukuwento sa amin ni Juday sa presscon ng Habang May Buhay.

Hindi maiwasang kulitin ang sikat na aktres kung ano naman ang kanyang reaksiyon sa naging desisyon ni Claudine na lumipat sa bakuran ng GMA-7!

“May mga bagay-bagay na dumarating tayo sa puntong kailangan nating gumawa ng desisyon katulad ng desisyong ginawa ni Claudine. Isang mabigat na desisyon ‘yun at bilib ako kay Claudine dahil napanindigan niya ‘yun. Siyempre, hindi na siya tulad noong dati na single lang, isa na siyang pamilyadong tao at kailangan mayroon siyang hanapbuhay, ‘di ba? Bilib ako sa kanya!” komento ni Juday.

Minsan niya na rin bang naisipang mag-ober da bakod?

“Oo naman! Jusko day, mga apat na beses ko na yatang naisip gawin ‘yun, pero tulad nga ng sinabi ko kanina, may mga bagay na kailangan lang pag-usapan at huwag pabigla-bigla sa pagpapasya! Hindi naman ako perpektong tao at tao lang din naman akong nakikiramdam din!” aniya.

Mismong si Juday na rin ang nagsabing wala na nga sa bansa kundi nasa Amerika na ang kaibigan niyang si Beth Tamayo.

“Alam ni Beth kung gaano ko siya kamahal bilang kaibigan at hindi ko na kailangang sabihin ‘yun sa kanya dahil alam niya na ‘yun! Bago siya umalis, nag-usap kami at ang alam ko ay okey na siya ngayon, and she’s doing good and great already at mas masaya ako para sa kanya,” pahayag ng Queen of teleserye ng Dos.

Ngayong February 1 na mapapanood ang pagbabalik-primetime ni Juday via Habang May Buhay.

[via]

Labels:


Read more...

Thursday, January 28, 2010

Judy Ann Santos - Undisputed Teleserye Queen

SA ginanap na bonggang presscon para sa Habang May Buhay series ni Judy Ann Santos sa Fernwood Gardens kamakalawa ng gabi, kitang-kita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng ABS-CBN sa aktres.

Sa audio visual presentation, pati na rin sa introduction kay Juday, tinawag nila itong “Undisputed Teleserye Queen” at “Reyna ng Pinoy Soap Opera.”

“Sobrang nakaka-flatter. Iniisip ko nga kung totoo ba ’to,” pahayag ng aktres.

Eh, ano ba ang feeling niya sa bagong title na ibinigay?

“Sa totoo lang, hindi ako kumportable. Kasi ’pag merong ganito, mas tumitindi rin ang expectations ng tao, eh,” dagdag pa ni Juday.

Para sa kanya, hindi lang siya ang dapat tawaging “Teleserye Queen” o “Reyna ng Pinoy Soap Opera.”

“Kasama ko rin po dito sa ganitong pagkilala si Claudine (Barretto). Sana dalawa kaming binigyan ng ganitong title,” sambit pa niya.

Nagbigay din ang aktres ng reaksyon sa paglipat ni Claudine sa GMA-7.

“Naiintindihan ko siya kung bakit niya ginawa ’yon. Siyempre, may pamilya siya na kailangang buhayin. At saludo ako sa ginawa niya kasi napanindigan niya ’yon.

“Ako nga, apat na beses ko na ring naisip na lumipat sa kabila, pero awa ng Diyos, tuwing mangyayari ’yon, may ibinibigay naman silang trabaho sa akin… may magandang nangyayari.

“Pero sana ’yung susunod na project na ibigay nila ay hindi na abutin ng three years na tulad ng nangyari dito sa Habang May Buhay. Hahaha!” makahulugang biro pa ni Juday.

Sa Feb. 1 na magsisimula ang Habang May Buhay at kasama sa cast sina Gladys Reyes, Joem Bascon, Will Devaughn, Derek Ramsay, Tetchie Agbayani at Rio Locsin.

[via]

Labels:


Read more...

Angel Locsin ayaw i-manage ni Boy Abunda

DIRETSAHANG sinagot ng king of talk na si Boy Abunda ang isyu na siya ang papalit bilang manager ni Angel Locsin.

Ang aktres ay nasa pa-ngangalaga ni Becky Aguila at hindi pa rin malinaw kung ano na ang estado ng kanilang manager-talent relationship dahil na rin sa mga kumakalat na balitang naghahanap na si Angel ng bagong manager.

Last Tuesday ay dumaan kami sa studio ng SNN (Showbiz News Ngayon) at doon ay agad naming tinanong si Tito Boy tungkol sa isyung ito.

“Alam mo, kahit ako ay nabibigla sa mga luma-labas na ‘yan. Nu’ng marinig ko ‘yan, nagulat ako dahil walang pinanggaga-lingan. Hindi kami nag-uusap ni Angel. I haven’t seen Angel for a long time. We haven’t talked. I haven’t spoken to Becky. So, ibig sabihin, may mga usapan kasi na may pinanggalingan, either sa biro, nagkausap, nag-kasalubong. Ito, wala. So, nang sinabi sa akin ang tungkol dito, I was shocked. I was surprised,” bungad ni Tito Boy sa amin.

Aminado si Tito Boy na he likes Angel at talagang espesyal ang aktres sa kanya. Pero aniya, ‘di naman siya nanunulot lalo na sa kasamahan sa PAMI.

“Kung sa PAMI halimbawa, may mga artistang lumalapit sa akin na i-manage ko, itatanong ko muna na (sa manager na concerned) kung ano ba ang problema ninyo, blah, blah. Kung acceptable sa akin ang dahilan, magpapasintabi ako.

“With Becky, even if she’s not a member of PAMI, she’s a friend naman. Kung halimbawa, magpadala ng feelers sa akin si Angel at interesado ako, kakausapin ko muna si Becky.”

Dagdag pa ni Tito Boy: “A manager should always be ready that a talent will go. Ang sinasabi ko lang ay, that’s the nature of the job. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko ng may mga kontrata. Kasi, the option to leave should not only belong to the artist. The option to leave should also belong to the manager. Nakagugulat lang ‘yung balita tungkol kay Angel kasi nga, walang pina-ngagalingan. But I really adore the girl. She’s somebody special to me.”

Sa ngayon, tahimik pa rin ang kampo ni Angel tungkol sa isyung ito. Pati tuloy kami ay curious kung ano nga ba ang totoo sa pagitan nina Angel and Tita Becky at kung paanong nadadamay ang pangalan ni Tito Boy.

Pero ang maliwanag sa panayam namin kay Tito Boy, ayaw pa niyang i-manage si Angel.

[via]

Labels:


Read more...

Angelica Panganiban on boobs: Gifted talaga ako

AFTER the hit filmfest entry, "I Love You, Goodbye," Angelica Panganiban's career is now truly on a roll with her playing the title role in ABS-CBN's "Rubi" that starts airing February 15. A bida-kontrabida role that is an acting piece, "Rubi" was a Mexicanovela first shown in the mid-90s when she was still a child star. How is it different from her past villain role as Scarlet in "Iisa Pa Lamang"?

"Scarlet is really sosyal," she says. "Rubi is a social climber. My parents here are Cherry Pie Picache and Gardo Versoza. Rubi's dad left her mom who got imprisoned and my character was born in jail. Lumaki ako sa hirap kaya palaban ako. I become an ambitious, scheming bitch na gagawin lahat to escape poverty. Baklang maldita si Rubi, luka-luka, pero may puso. Very demanding ang role. The story shows kung bakit siya matigas at naghihiganti."

She's projected as a sexy star in the show, starting with the poster where she wears a revealing gown. At her solo presscon, she appeared in a sexy red dress with a plunging neckline that exposes her ample cleavage. Will she be wearing equally-provocative outfits in "Rubi"? "Sa TV, konti-konti lang, ayaw ng MTRCB. Ever since, alam na naman ng tao na gifted child talaga ako so hindi na kailangang isampal pa sa mukha ng tao para mapansing hey, ang laki niyan, ha."

As Rubi, she befriends rich girl Shaina Magdayao whose parents turn out to be Cherie Gil and her own dad, Gardo. She also makes friends with Shaina's wealthy male friends, Diether Ocampo and Jake Cuenca, in her desire to live the rich life. Doesn't real-life BF Derek Ramsay get jealous of her love scenes with Diet and Jake? "No, dedma lang siya. Ganun din naman ako sa kanya when he does love scenes with other girls."

Also in "Rubi" are Allan Paule, Wowie de Guzman and Kaye Abad, directed by Don Cuaresma and Erick Salud. And what's her next movie? "I'll be doing a comedy. But I requested to have some time to rest muna kasi kulang na kulang ako sa tulog."

The movie is "Here Comes the Bride," the directorial debut of writer Chris Martinez ("100") which is about body switch involving five people: Angelica as the bride, Eugene Domingo as her ninang, Tuesday Vargas as the yaya, John Lapus as a gay make-up artist, and Jimmy Fabregas as a rich old man. Angelica's leading man will be newcomer Tom Rodriguez of “PBB Double Up.”

[via]

Labels:


Read more...

Wednesday, January 27, 2010

FILharmoniKA Concert sa PhilAm Life Theater

Humarap sa press si Gerard Salonga, artistic director at chief conductor ng FILharmoniKA, isang professional orchestra ng bansa, para i-share ang magandang balitang magkakaroon ng first symphonic season ang FILharmoniKA sa PhilAm Life Theater sa Manila.

Masaya si Gerard na mag-perform sa PhilAm Life Theater dahil maganda ang acoustic ng theater at five concerts ang kanilang gagawin.

Ang concert sa February 19 ang magki-kick-off sa first symphonic season ng FILharmoniKA for 2010.

For the April 17 concert, darating sa bansa at makikipag-collaborate ang FILharminaKA sa world’s greatest cellist na si Richard Bamping ng Hong Kong Philharmonic Orchestra para sa Dvorak’s Cello Concerto.

May alok pala si Gerard na mag-stay na for good sa Hong Kong, pero mas pinili nitong manatili at tumugtog sa Pilipinas.

For the July 2 & 3 concert, ang internationally renowned Filipino pianist Cecile Licad naman ang makakasama ng FILharmoniKA sa Gershwin’s Piano Concerto.

May susunod pang concert sa October at November ang FILharmoniKA.

Ang Net 25 ang media partner nito, magko-cover at magpapalabas ng concert para mapanood ng hindi makakapunta sa PhilAm Life.

Nilinaw ni Gerard na hindi exclusive sa PhilAm Life Theater ang FILharmoniKA, pero dito sila magkakaroon ng symphonic season.

Classical music illiterate kami at ’di namin kilala ang composers na binanggit ni Gerard at ang pamilyar lang sa amin ay si Gershwin.

[via]

Labels:


Read more...

Will Devaughn sa This Is It Video ng inmates ng Cebu

MAPAPANOOD si Will Devaughn sa This Is It Video ng inmates ng Cebu Provincial Detention And Rehabilitation Center na ang magku-choreograph ay ang sikat na choreographer ni Michael Jacson na si Travis Payne at makakasama ang dancers na sina Daniel Celebre at Dres Reid para sa dance steps na ginamit sa This Is It concert ni Michael Jackson na isinapelikula bago namatay ang King of Pop.

Mapapanood ang video today, 9 am, sa CNN na siyempre may worldwide viewership.

Labels:


Read more...

Isyung nagseselos kay Maja tinawanan lang ni Anne Curtis

NATATAWA na lang si Anne Curtis sa tsikang pinagseselosan daw niya si Maja Salvador dahil inamin ni Sam Milby na crush niya ang young actress.

Maging ang pagbabalikan tapos ay muling paghihiwalay diumano nila ng Fil-Am actor ay ikinalolokah ng Australian-Pinay actress.

“Hindi kami nagkabalikan, but we’re okey na at lumalabas din kami paminsan-minsan,” say ng lady host ng controversial program na Showtime.

Sa ngayon, happy daw siya dahil tuloy na ang paggawa nila ng movie ng ex-boyfriend.

Although magkasama daw sila ngayon sa isang project, hindi naman daw sila gaanong nakakapag-spend ng time sa isa’t isa dahil after ng kanilang trabaho ay may iba pa silang ginagawa.

Tungkol naman kay Maja, hindi naman daw siya apektado sa isyu.

Dinidedma lang daw niya ang kung anumang balita ang ipinararating sa kanya dahil part lang daw ng business at natural lang na gawan ng isyu ang pagsasama nina Maja at Sam.

[via]

Labels:


Read more...

Monday, January 25, 2010

Cristian Imparato and Charice

Watch this video: Cristian Imparato and Charice. Charice singing in Italian.

Labels:


Read more...

Pinoy MYX Countdown

Pinoy MYX Countdown
(January 23 to 29, 2010)

1. Cariño Brutal- Slapshock
2. Putik- Sandwich
3. Nananaginip- Callalily
4. You’ve Got A Friend- Billy Crawford Ft. Nikki Gil
5. Wag Kang Magtatanong- Yeng Constantino
6. Black Box- Archipelago
7. Gravity- Urbandub
8. Ayuz- Rico Blanco
9. Kalesa- Hale
10. Don’t Know You- Young JV
11. At The Hospital- The Ambassadors
12. Bakasyon- Peryodiko
13. Feels Like- Sugarfree
14. Castaway- Franco
15. Nung Iniwan Mo Ako- Sinosikat?
16. Wala Kang Katulod- Spongecola
17. You- Rhian Ramos
18. I Never Cry- Iya Villania
19. Kung Tayo’y Magkakalayo – Gary Valenciano (New Entry)
20. Pusong Ligaw- Jericho Rosales (New Entry)

Labels:


Read more...

Kim Chiu umamin na marunong nang makipag-lips-to-lips si Gerald Anderson

FOUR years na ang love team nina Kim Chiu at Ge-rald Anderson, pero ‘di pa rin nila inaamin na nagkaro-on sila ng relasyon.

Basta sabi ni Gerald sa presscon ng pelikulang Pa-ano na Kaya ng Star Cine-ma na kahit araw-araw silang nagkikita ni Kim ay hindi siya nagsasawa sa mukha nito. Agad namang sumagot si Kim na sa tuwing nakikita niya ang ka-love team ay lalo siyang ki-nikilig dito.

Sa bago nilang movie na idinirek ni Ruel Bayani ay torrid na ang kanilang kissing scene kung saan sinabi ni Kim na marunong na raw makipag-lips-to-lips si Gerald.

Ayon naman kay Gerald habang humahalik daw kasi siya kay Kim, bumubuka na ang lips nito.

[via]

Labels:


Read more...

Honeymoon nina Judy Ann at Ryan, tuloy na!

Bukas ang grand presscon ng nurserye ni Judy Ann Santos na Habang May Buhay na naka-schedule na for airing sa February 1 sa ABS-CBN. Gagawin ang presscon sa labas ng network dahil siguro marami ang bumubuo ng cast.

This is one soap na very proud si Judy Ann dahil kahit sa TV, matuturuan nila ang viewers kung paano alagaan ang kalusugan. Kumuha siya ng crash course sa Nursing para matiyak na tama ang kanyang ginagawa at may nurse at doctor din sa taping.

Samantala, tutungong Amerika sina Judy Ann at Ryan Agoncillo para sa kanilang long-delayed honeymoon at para magbakasyon. Sa States isi-celebrate ni Ryan ang birthday niya sa April 10, ang first wedding anniversary nila sa Apr. 28, at birthday ni Judy Ann sa May 11. One month sila sa States kasama ang anak na si Yohan at sa May 15, sila babalik ng Pilipinas.

Bukod sa pelikulang Hating-Kapatid nila ni Sarah Geronimo sa Viva Films, gagawin din ni Judy Ann ang Peñafrancia with Ryan produced ng Unitel ni Tony Gloria to be directed by Marilou Diaz-Abaya with a September playdate.

[via]

Labels:


Read more...

Sunday, January 24, 2010

Coco Martin alaga ng ABS-CBN

Alagang-alaga si Coco Martin ng ABS-CBN. Sunud-sunod ang shows ng mahusay na aktor sa kanyang mother network. Noong Lunes, January 18 ay nag-launch ang Kung Tayo’y Magkakalayo. Noong Biyernes ay nagtapos ang Nagsimula Sa Puso. Ngayong Pebrero naman ay ipalalabas na rin ang Agimat Presents: Tonyong Bayawak.

Hindi naman nakapanghihinayang na bigyan ng importansiya si Coco dahil sa husay at professio­nalism na ipinapakita niya. Kahit sa films, in-demand na rin si Coco. May mga offers sa kanya ang Star Cinema. Pero maingat siya sa pagtanggap ng film projects.

Kahit sa endorsements, in demand na rin si Coco. Lumabas na ang TVC niya ng Wow Ulam. Kasama na rin siya sa listahan ng mga sikat na celebrity endor­sers ng Bench. In fact, nakataas na ang ilang bill­boards ni Coco for the hippie holiday campaign ng Bench.

Pinahahalagahan ng aktor ang hard-earned money niya. Nag-iipon siya ngayon para makabili ng sariling bahay at makasama ang kanyang ina at kapatid.

Sa sobrang kaabalahan ni Coco, tila nakaka­limutan ni Coco ang kanyang lovelife.

“Priority ko muna ang trabaho. Mag-ipon. At kapag dumating yung time na nakita ko na ang right girl, may savings na ako. Ready na ako. Magiging proud siya sa akin,” sabi ng aktor.

[via]

Labels:


Read more...

Derek Ramsey teams up with Juday in May Buhay

In its 60 years of soap opera celebration, ABS-CBN presents its newest daily teleserye, Habang May Buhay led by Judy Ann Santos side-by-side with Derek Ramsey also dubbed as the Universal Leading Man.

A lot of potential was seen in Filipino-British Derek and as he entered showbiz. He instantly got a string of projects on TV and in the movies, and not long after became one of the hottest leading men of this generation. He recently starred in Star Cinema’s Metro Manila Film Festival entry, I Love You, Goodbye. He is also one of the most wanted male product endorser. Derek endorses Century Corned Tuna, Lucky Me, Nestlé Nesvita, San Miguel Beer, Swatch and Oxygen.

Derek started as one of the hosts in the Saturday magazine talk show Entertainment Konek on ABS-CBN.

Habang May Buhay premieres Feb. 1.

[via]

Read more...

Friday, January 22, 2010

Sarah Geronimo walang planong layasan ang pamilya

Nag-react si Mommy Divine Geronimo sa issue na nagrerebelde na ang anak niyang si Sarah at gusto na nitong bumukod ng tirahan.

“Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang kuwen­tong ‘yan. Walang ganyang plano si Sarah,” ku­wento ni Mommy Divine nang makatsikahan namin kahapon sa Shangri-La Hotel. Andun si Sarah at ang tatay nito at obvious na affected ang mag-asawa sa bagong issue sa kanilang anak.

Halos atakihin nga raw sa puso ang isang kamag-anak nila sa probinsiya dahil sa nasabing kuwento.

“Sana naman, maitama nila ang kuwentong ‘yun. Hindi ‘yun totoo. Paano naman bubukod si Sarah eh sama-sama silang magkakapatid na ma­tulog sa isang kuwarto. Minsan, lahat kami magka­kasama sa kuwarto,” susog ng daddy ng box office queen.

Samantala, finally nagkita na sina Sarah at Ms. Joy Belmonte kahapon. True nga pala, may hawig ang dalawa. Kasama sa nasabing special tsikahan nina Sarah at Ms. Joy bukod sa pa­rents ni Sarah sina Boss Vic del Rosario, anak ni Boss Vic na si Vincent, Mr. Miguel Bel­monte, president - Star Group of Publications, at siyempre ka­pa­tid ni Ms. Joy.

Bilib si Boss Vic sa nagawa ng tatay nina Ms. Joy at Sir Miguel, si Mayor Sonny Belmonte sa Quezon City at maging sa kakayahan ni Joy kaya all out ang magiging suporta ng box office queen sa kandidatura ni Joy sa pagka-bise alkalde ng Quezon City.

[via]

Labels:


Read more...

Thursday, January 21, 2010

Charlene Louise “Chat” Alagon Almarvez - second-placer in 2010 Supermodel search

Another Filipina finished among the finalists in the prestigious Supermodel search.

Charlene Louise “Chat” Alagon Almarvez, who’s turning 17 on Jan. 25, placed first runner-up in the 2010 Supermodel of the World search held in Sao Paulo Brazil over the weekend, and got a US$150,000 modeling
contract from Ford Models NYC.

Noted Funfare’s “beauty experts” Joey Cezeare, Gery Yumping, Francis Calubaquib and Feliex Manuel (now working as a nurse in New York), Chat is the third Filipina to land in the Top 5, following Melanie Marquez (also first runner-up) in 1986 and Charo Ronquillo (second runner-up) in 2006.

“Chat is statuesque and stunning at 5’9”,” added Felix. “She’s a Business Administration freshman at the De La Salle College of Saint Benilde. She was discovered during a Santacruzan in Laguna. With just a couple of months experience in modeling, she tried her luck and won the Supermodel Philippines search during the Philippine Fashion Week in October last year.”

This year’s Supermodel winner is Karlina of Latvia (Baltics). The runners-up in the following order are Charlene (Philippines), Isabelle (Sweden), Olivia (USA), Maryna (Belarus), Grace (Australia) and Bruna (Brazil).

“They will be featured in the New York Fashion Week Fall 2010 next month,” said Felix. “Ford Models Supermodel of the World is the largest and most prestigious international modeling competition. Established by Eileen Ford in 1980, Supermodel of the World held its first event at the Sporting Club in Monaco.”

[via]

Labels:


Read more...

John Lloyd shattered by breakup with Ruffa?

THE grapevine says John Lloyd Cruz got drunk at Fiamma Bar last Friday because Ruffa Gutierrez (although they never admitted they were on) decided to split up with him for good. It's said this is also the reason why he started going out with Shaina Magdayao. The reports say John got so drunk at Fiamma he passed out and that the bouncers there had to carry him out back to his car. They co-vered his face with a towel so he won't be recognized by people outside. But the following day, John Lloyd attended an event looking like he didn't get intoxicated the previous night. All the more so when he reported in "ASAP" last Sunday and did his musical number with aplomb.

Now, what do John Lloyd and Baron Geisler have in common? In the case of Lloydie, ABS-CBN should give him a warning as such talks might damage his career when he's one of their hottest properties. Someone suggests he should make a local version of Hollywood, "The Hangover,” to be megged by Joyce Bernal.

[via]

Labels:


Read more...

Tuesday, January 19, 2010

Showtime back on Air

Nagpadala ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa pag­balik sa ere ng Showtime matapos itong panigan ng korte. Twenty days na suspension ang unang ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa nasabing programa ng Dos. Pero nag-file ng petition ang Kapamilya Network sa Court of Appeals at kinontra nga ang naunang desisyon ng MTRCB.

Anyway, narito ang statement ng ABS-CBN:

“Ikinagagalak ng ABS-CBN ang pagbabalik ng talent-variety prog­ram Showtime sa ere simula ngayong araw, 19 January 2010 kasunod ng paglabas ng temporary restraining order ng Court of Appeals hinggil sa preventive suspension order ng MTRCB sa nasabing program.

“Natanggap ng mga abogado ng ABS-CBN ngayong umaga (kahapon) ang resolusyon ng Court of Appeals dated January 15, 2010 na nagsasaad sa huling bahagi nito and we quote, “For reasons afore-stated, and as prayed for by petitioner, let a TEMPORARY RESTRAINING ORDER be issued, as it is hereby issued, effective sixty (60) days from notice hereof, enjoining respondent MTRCB, including any and all persons acting in their behalf and under their command and authority, from continuing to enforce the Preventive Suspension Order dated January 11, 2010 issued against petitioner, pending the resolution of the instant petition.”

[via]

Labels:


Read more...

James Yap: I've never cheated on Kris

The aggrieved wife really dropped by the house of a girl texting and calling her husband and then, because she’s concerned for the safety of their two children, she packed her things, kids included, and moved over to her older sister’s house – for the time being, hopefully – leaving the confused husband home alone at their house in Valle Verde II they have sold and scheduled to turn over to the new owner on Jan. 25 before they move to a new one.

No, the whole drama involving Kris Aquino and husband James Yap, along with James’ fan Mayen Austria, is for real and not, as some people might be suspecting, a gimmick for Kris’ new ABS-CBN soap Kung Tayo’y Magkakalayo. In short, it’s all coincidence. Nagkataon lang.

Feels like deja vu?

In December last year, James left home after one of his and Kris’ LQ’s (Lovers’ Quarrels) and returned a week later in time for the family noche buena shared with Kris’ sisters Viel, Pinky and Ballsy, and brother Sen./Presidentiable Noynoy Aquino.

The family (including their two kids Joshua and James Jr.) went on a post-Christmas vacation in Bangkok where Kris and James patched things up. And just when they were starting all over again...

In a brief chat with Funfare yesterday, James swore to high heavens, crossing his heart, that Mayen Austria is just a friend (and a fan) from whom he and Kris have been ordering cookies and cakes, and that the call last Wednesday afternoon (Jan. 13) that, so to speak, broke the camel’s back, was an innocent one in which Mayen was crying on James’ shoulder over a problem she was having with her boyfriend.

“I’ve never cheated on Kris,” insisted James. “I have never been unfaithful. Ang ganda na ng wife ko, bakit hahanap pa ako ng iba?”

Pressed about the long-buried issue involving one Hope Centeno, James said that what was reported in the media never happened. It was a “campaign of hate” initiated by some people who wanted to hit Dr. Vicki Belo using Kris, then heavy with James Jr. (whom she almost lost), as “weapon.”

I guess the problem with James, still unused to and uncomfortable in the (showbiz) limelight that his marriage to Kris has thrust him into perhaps against his will, is that he’s a man of few words that he oftentimes can’t defend himself even when he’s, well, “not” guilty.

Those who knew James told Funfare that it’s “not fair” for Kris to say on national television that she’s the only one making great effort to save their marriage.

“James is also doing his part,” said James’ Purefoods team-mate, “baka hindi lang na-a-appreciate ni Kris or napapansin because she’s too busy with work. As Kris said, she has put Noynoy’s campaign as her No. l priority, her kids as No. 2 and James only as No. 3. What I and James’ other team-mates know is that James loves Kris so much. We also believe that Kris is too well-mannered to make sugod a girl. May breeding naman siya.”

In last Sunday’s edition of The Buzz, Kris apologized to Mayen Austria’s mother, whom she talked to at the gate of the Austria house during that Wednesday incident, for having been dragged into the mess. “I’m sorry na nadamay kayo maski hindi po kayo ang kagalit ko.”

What irked Kris is how some people have dragged her brother Noynoy into the brouhaha when Noynoy has absolutely nothing to do with it. An uncle of Mayen’s insinuated that he wasn’t going to vote for Noynoy, which was uncalled for. It was the same uncle who texted everybody only a few minutes after the incident happened that Wednesday, thereby perhaps blowing it out of proportion and starting the whole controversy.

On Jan. 25, Kris and James will have to leave their Valle Verde II house. If, by then, Kris and their kids are still staying at her sister Pinky’s house, what will happen to James...where will he go?

Asked if it’s true that he’s looking for a condo unit, James said, “It’s not true,” adding, “bahala na.”

Like Noynoy, those close to Kris have the same piece of advice for her: Save your marriage, save your family, by all means, at all costs!

I second the motion.

[via]

Labels:


Read more...

Agua Bendita on ABS-CBN

Agua Bendita coming soon on ABS-CBN. There was an episode of Agua Bendita back in 2006 in Komiks.


An episode of Komiks starring Filipino actors Rayver Cruz and Shaina Magdayao.

Agua Bendita-Part 2-clip1


More in Youtube.

Labels:


Read more...

Monday, January 18, 2010

Cheryl Cosim shares her blessings

Fourteen years in the broadcast media make Cheryl Cosim truly fortunate in her chosen career. Some would call it “lucky,” but for someone who never imagined herself being on TV, Cheryl feels truly “blessed” in her field of work.

Over at ABS-CBN, where she started her career after returning home from the US when she was only 21, Cheryl has charted impressive and enviable achievements as a broadcaster.

She entered the network at the time when its UHF channel, Studio 23, was scouting for fresh blood as field reporters and newscasters. She remembers auditioning before former ABS-CBN reporter Kata Inocencio, who merely told her, “We’d call you.”

Others would have been easily disheartened upon hearing that line, which never gives any assurance to an applicant. But not Cheryl. She hurdled one rigid audition after another. Within two weeks, she got the job.

Unbelievably enough, even if her resumé stated she didn’t get to finish college, that didn’t prove to be a setback for Cheryl to work for the country’s largest network.

“When my parents separated, my dad petitioned my sisters and I had to be with him in the US,” recalls Cheryl, the second among five children. “So after high school, I went to the States. I started working there and then I would save money to be able to send my other siblings to school and visit my mom who was in Manila.”

After four years, however, Cheryl realized how much she missed her mom, so she decided to return to Manila for good.

Among her batchmates in the Studio 23 auditions were Gidget Alikpala, Daphne Oseña and Jennifer Alejandro. “Today, I’m the only one left at ABS-CBN from our batch,” Cheryl beams.

That’s not whining on her part, though. In fact, Cheryl is proud of the 14 years she has spent working for ABS-CBN, where she has made a name for herself as a broadcast journalist.

“Wherever I am now and whatever I’ve accomplished, I am grateful to ABS-CBN for that,” Cheryl says. “The network has given me the good breaks in broadcasting.”

From being a field reporter, Cheryl worked as a weather girl in her first live TV program, Alas Singko Y Media. She also did Alas Singko Y Media Weekends. After that, there was no more stopping her from appearing on other ABS-CBN shows.

She did Magandang Umaga Bayan, followed by Magandang Umaga Pilipinas. There’s also the late-night talk show, Payong Kapatid and her The Filipino Channel (TFC) programs, Kumusta, Kabayan (with Cito Beltran) and Balitang Europe.

On weekends, she hosts the ABS-CBN public service program, Salamat Dok, now on its seventh year. The show has several awards to boot, including a trophy for Cheryl as Best Public Service Show Host from the KBP Golden Dove Awards.

Salamat Dok conducts medical missions for those who cannot afford consultations in the hospitals. Cheryl goes out of her comfort zone to join out-of-town jaunts in Pampanga, Bulacan, Laguna and more recently, Kalinga, Apayao.

Helping others through Salamat Dok is Cheryl’s way of paying it forward. Although she is thankful to the show’s benefactors, Cheryl sometimes gets frustrated when resources get limited and they couldn’t accommodate everyone who came for the medical mission. Hence, she ends up giving from her own pocket.

“Apart from doing hard news, I wanted to do something more fulfilling and public service came my way through Salamat Dok,” she shares. “Often, you cannot help but be affected by people who need money or medicines. Nakaka-iyak at nakaka-awa sila talaga. It makes me realize how blessed I am.”

That’s why Cheryl makes it a point to share her blessings. She extends educational assistance to the daughter of her manang at home, who has been with her for more than 12 years now. The daughter, whom Cheryl started sending to school when the former was only in fourth grade, is now in second year college.

At present, Cheryl also does the ABS-CBN hourly news advisory, starting at two in the afternoon all the way to 10 p.m.

“God has been really good,” Cheryl asserts. “I’ve never ran out of programs. Radio and TV have kept me busy all these years. I consider everything a blessing.”

After a hard day’s work, Cheryl looks forward to ending her tiring day at home with her husband, businessman John Francis Alvarez, an Ilonggo who grew up in the US. The couple met through a common friend, dated for five years and tied the knot in December 2008 at Silicon Valley in Northern California.

“No matter how bad your day was, it feels good to know you have someone to go home to and share everything that happened to you during the day,” Cheryl grants. “John is always very supportive of everything that I do. He understands my job.

“He influenced me to become positive. At times when I wanted to give up because of a problem, he would tell me the problem would be easily solved. I draw strength from him. He’s my anchor. Our first year (of marriage) together is just great. People always tell me that I look good. It’s because I’m happy.”

This year, Cheryl attests that no matter how busy she gets in her network job, she will also work at having a baby.

That’s another personal challenge to this hardworking broadcaster, who deserves every good thing coming her way.

[via]

Labels:


Read more...

Kris Aquino at James Yap, hiwalay na

Matinding rebelasyon at pagsagot sa isyu ang mga binitawan kahapon sa The Buzz ni Kris Aquino na pigil ang emosyon.

Sa mahabang paliwanag sa co-host na si Boy Abunda, inamin ni Kris na umalis na siya at ang dalawang anak sa bahay nila ng asawang si James Yap dahil ang feeling niya, siya lang ang nagsu­mikap na isalba ang marriage at ang mister, “not hard enough.” Nauwi na rin sa sumbatan ang mga huling argumento nilang mag-asawa.

“Nakiusap ako sa kapatid ko na si Pinky (Abellada) na doon muna kami,” sabi ni Kris. “I’m not saying the marriage is over. Kailangan ko ng space for me.”

[via]

Labels:


Read more...

Sunday, January 17, 2010

Gerald Anderson - Mamamatay ako ’pag nawala si Kim

HABANG tumatagal, lalong lumalalim ang pagtitinginan nina Kim Chiu at Gerald Anderson na mga bida sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Kung Tayo’y Magkakalayo, na magsisimula na bukas ng gabi.

Halos 24-7 ding magkasama ang dalawa ngayon dahil bukod sa serye, tinatapos din nila ang pelikulang Paano Na Kaya? ng Star Cinema na ipalalabas naman sa Jan. 27.

Sa interbyu sa The Buzz ni Gerald, nagbigay ito ng reaksyon kung saka-sakaling mawawala sa kanya si Kim.

“Hindi lang ako mababaliw, siguro mamatay ako,” sambit pa niya.

“Kung magkakalayo man kami, mahirap talaga. It’s very hard. Siyempre nangyayari talaga na minsan wala kaming work na mag-kasama. But if that happens, I’m sure it would be a big adjustment for both of us. Pero mas madalas na magkasama kami so we are just enjoying our moments together on and off cam,” dagdag pa niya.

Idinagdag din ng binata na sobrang masaya siya sa tumitinding closeness nila ngayon ni Kim.

“’Yung closeness namin ni Kim, sobrang level up na. It’s not like before. Close naman din kami dati pero ngayon, kahit ano sinasabi ko sa kanya and ganu’n din naman siya sa akin. Tinu-tulungan niya ako at tinutulungan ko din naman siya. Sa lahat ng bagay ito ha.

“So we’re very caring towards each other. When you reach that level of closeness kasi ibig sa-bihin talagang malaki ’yung tiwala n’yo sa isa’t isa and nandudu’n ’yung assurance na we’ll always be there for each other.”

Eh, ano ba ang bagong na-discover niya kay Kim?

“Well, actually hindi ’yung bago. Ang maganda kay Kim, kung ano siya dati hanggang ngayon, ganu’n pa rin siya. So hindi siya nagbago. ’Yun talaga ang napansin ko, how grounded she is,” kuwento pa niya.

* * *

MAY reaksyon naman si Gerald sa nagnakaw ng kanyang identity sa Facebook.

“Alam mo, kahit papano naman, it’s actually very overwhelming also kasi bakit naman niya gagawin ’yun? Why would he pose someone na hindi ko naman siya kilala? So, kumbaga, I must be someone important para gawin niya ’yun.

“But at the same time dapat may limitasyon, kasi minsan sumusobra na. Katulad ng mga ginagawa niya ngayon. Ninakaw niya ’yung mga pictures ko at ginagamit niya at sinasabi niya ako ’yun.

“Nakaka-bad-trip pero if that’s the person’s way of showing his/her support, then I am very thankful, pero sana itigil na. Hindi ko alam kung paano niya na-access ’yung pictures ko, eh, hindi ko siya friend sa Facebook. Gerald Anderson talaga ’yung account name na ginamit niya,” litanya pa ng aktor.

Magkaganu’n man, meron din daw siyang natutunan sa nangyari.

“Kasi madami din nagte-text sa akin kung ina-add ko sila, but hindi naman. Pati ’yung mga friends ko dito sa ASAP, nagulat nu’ng nalaman nila ’yun and they were also wondering kung sino ’yung poser.

“Nag-worry lang talaga ako dahil may mga taong chinachat niya nakunwari ako siya, ’yun ang medyo na-off ako. After that, na-realize ko na mahalagang pag-ingatan mo ’yung privacy mo talaga.”

[via]

Labels:


Read more...

Kris Aquino - sinungaling?

MARAMI ang nagre-react, unfortunately, negatively, sa desisyon ni Kris Aquino na manahimik na lang sa brouhaha na kasalukuyang namamagitan sa kanila and a certain Mayen Austria. And all about diumano’y sa panunugod niya sa bahay ni Mayen, sa loob din ng village where Kris and her family live, dahil sa suspetsa niyang may relasyon ito at ang kanyang asawang si James Yap.

Nabuo diumano ang suspetsa sa isipan ni Kris nang makita niya ang text messsage na natanggap ni James from Mayen. At sa usapang narinig niya, again, diumano, between James at Mayen, nang tumawag ang huli kay James habang kumakain sila.

Eh, bale ba, based on a colum item written by a prestigious columnist, mukhang palaban itong si Mayen. Ayon sa item, ang pag-circulate ng (again) diumano’y panunugod ni Kris kay Mayen sa bahay nito mismo ay base sa padalang text mismo ni Mayen.

Kaya, para nga naman maging fair si Kris sa kanyang mga followers, both sa The Buzz at SNN (parehong showbiz balita on tv), she should speak her side of the story.

Otherwise, magiging unfair nga naman siya sa mga kapuwa niyang celebrities, na madalas maging “laman” ng usapan nila ni Boy (Abunda) sa SNN at nilang tatlo nina Ruffa sa The Buzz.

* * *

The same readers (ng Tattle) disagree to Kris Aquino’s statement that she is non-confrontational.

Remember na in The Buzz daw some years back, Kris denounced Joey Marquez, who was then still mayor of Parañaque City at ’di ni Kris (at that time) idini-deny na nakarelasyon niya dahil kailangan niyang maospital dahil nagmuntik-muntikan na siyang magkaroon ng STD?

And what about Hope Centeno, dating receptionist sa clinic ng Belo Medical Group, ’di ba ni-lambast niya ang dalaga dahil sa balitang nakarelasyon ito ni James?

This happened, of course, noong mga panahong wala pa si Baby James sa buhay nina Kris at James.

Obviously what these “reactionaries” expect na gawin ni Kris, via her talk shows SNN (Showbiz News Ngayon) at The Buzz, is not to be confrontational per se, kung hindi for her to come out with the truth, for right now, she seems the aggrieved party, so the public may know kung sino ang credible between her and Mayen.

And if I may say my piece, it’s high time that our talk show hosts on tv discuss issues din about sa kanila, when controversies of this kind happen para masabi ng mga listeners, especially ng mga naging “subjects” nila, pleasant o unpleasant man ang topics na napag-usapan tungkol sa mga ito, na fair sila, kung hindi man credible.

[via]

Labels:


Read more...

Saturday, January 16, 2010

Korina Sanchez - 2009 Most Trusted Personality

Take a bow, Korina Sanchez!

I’m sure her husband, Sen./Vice Presidentiable Mar Roxas, is mighty proud of his Koring who has been ranked 2009’s No. 1 Most Trusted Personality by a series of Social Weather Stations (SWS) surveys.

Korina got a rating of +60% (Very good), followed by Ted Failon with +40% (Good) and Willie Revillame with +20% (Moderate).

The surveys on the net trust ratings of selected personalities
were included in the SWS quarterly surveys conducted every February, June, September and December.

“The personalities were randomly included in the surveys,” said SWS president Mahar Mangahas, adding, “they’re not higher because they are media, it just so happened.”

In the June and September 2009 surveys, Korina got more than +50% rating. In March last year, she went on leave from her work as anchor lady of the ABS-CBN late-night newscast Bandila but she continues to host the Sunday show Rated K. She and Mar got married in October also last year.

“She was in there (in the survey) because she was a political figure,” said Mangahas.

In the same surveys, Dr. Hayden Kho, former Dept. of Agriculture Sec. Jocelyn “Joc-Joc” Bolante and First Gentleman Mike Arroyo emerged as “the most distrusted personalities,” all of them with -60% (Very bad) ratings.

Katrina Halili, one of the girls in the Hayden sex videos, got a trust rating of lower than -20%.

“The trust rating is not about a person’s job performance, according to Mangahas.

“Rather,” he explained, “it talks about being involved in something controversial.”

[via]

Labels:


Read more...

Mayen Austria - James Yap's textmate

The incident involving Kris Aquino and one Mayen Austria has taken on a political color. It happened last Wednesday afternoon after Kris heard “a girl” sobbing during a celfon call to her husband, James Yap.

I got the following text message (quoted verbatim) presumably from Mayen Austria:

To everyone. Kris Aquino passed by house to make me sugod. She spoke to my mom. Very mad, berating us saying I always text and call James. That my mom didn’t bring me up right. That we shouldn’t be talking to married men. She said she’s leaving James and to know that I am the last straw and the reason for their break-up. My family has great respect for Teopacos who are our family friend. Mrs. Teopaco is Cory’s youngest sister. My mom raised us right. My mom didn’t deserve all that. James missed called and texted na he warned me pupunta siya sa house. He called to tell me to apologize and say sorry. Kris said we had something going on. I don’t deserve this. Most especially my mom. I have chemical depression and could have easily taken an overdose of pills because of the incident. With the hugs and love of my mom and sisters and tranquilizers, I’m okay. Do you want Kris to be in Malacañang.

And here’s the official statement from Kris, also quoted verbatim:

In my 25 years of being in the public eye nobody can ever say that it is in my nature na magmura or gumawa ng skandalo. I didn’t shout or create a commotion. The mother of the woman sited in an article (Not in STAR. — RFL) graciously came to their gate and we had a peaceful conversation. I simply made my discomfort known about her daughter’s actuations towards my husband. My family received the text that Mayen Austria sent around. In it she admitted to having “chemical depression and could easily take an overdose of pills.” My brother & sisters advised me to not speak further about the issue because it would not be compassionate to dwell further on the issue.

There’s a lesson to be learned from this incident. As Funfare DPA Jumpy Kangaroo said, reminding (especially) women married or single, “Huwag po magti-text or tatawag sa lalaking may asawa.” To that, I add: “Igalang ang damdamin ni misis...at para maiwasan ang gulo.”

[via]

Labels:


Read more...

Friday, January 15, 2010

Kim Chiu, all praise for Kris Aquino

All praise naman si Kim Chiu kay Kris Aquino. “Siya ang nagsa-suggest ng mga outfits ko. Like kung anong brand ng bags ang dapat gagamitin ko sa scene para may trademark
outfit ang character na ginagampanan na mayaman so bonggang outfit lagi kahit nasa bahay. Sa isang pool scene kunwari mahuhulog ako eh, naka-tube lang ako. Sabi niya hindi puwede yun, mahuhulog ang tube ko, lalabas ang boobs ko. Kaya nagpakuha siya ng tape, tineyp niya ang damit ko para hindi malaglag.

“Nung una, na-intimidate ako kay Ate Kris.”

Wish ni Kim na matapos na ang ipinagagawa niyang bahay ngayong 2010. Gusto na niyang tirhan ito. Three storey din ito kaparis ng bahay ni Gerald.

[via]

Labels:


Read more...

Kris Aquino trying to save marriage

Last Wednesday (Jan. 13) at around 5: 30 p.m., I got the following text message from a friend: May sinugod na babae si Kris Aquino sa Valle Verde...pinagsuspetsahan daw ‘yung babae na girlfriend ni James (Yap, Kris’ husband)... Paki-verify.

My first impulse was to call Kris but either she “cannot be reached” or “the person you’re calling is out of coverage area.”

So I did the next best thing: Mobilize the Funfare mole code-named Jumpy Kangaroo (deeply imbedded in the Aquino-Yap household) to check posthaste. Here’s his report:

Kris and James were having a late lunch at 2 p.m. that day when James’ celfon rang. The caller was a girl, crying, and saying, “I did everything already...” blah-blah-blah. Kris did what any wife would do (and considering that she and James have just survived a “Lovers’ Quarrel” sorted out during a post-Christmas family trip to Bangkok): she asked James who the girl was and why she’s crying on his shoulder. James had hung up after telling the girl that he’d call her later.

A little discussion (not an argument) followed during which James told Kris that the girl was having a problem with her boyfriend (somebody else) and that the girl has been his long-time (Purefoods) fan. Like any puzzled wife, Kris asked James, “Why would she be crying on your shoulder, for that matter on a man she knows very well who is very much married?” Normal reaction, wasn’t it?

For quite a time now, the girl has been sending James chocolates or cakes or other goodies, addressed only to James, making Kris wonder, “If she can’t write my name or those of our children, why doesn’t she just address them to ‘James and Family’ para naman mawala ang suspicion?”

The little incident didn’t end there.

While being made up for the day’s work by Bambbi Fuentes, she got a “forwarded” text message (from where, it wasn’t made clear), purportedly from James who was telling the girl to just say sorry to Kris “at nang matapos na lahat.” That made Kris even more suspicious. Any wife would react the same way, right?

So Kris decided to drop by the girl’s house (also in Valle Verde) where the girl’s mom very nicely met her. Kris politely turned down the mom’s invitation”to come in” and simply, very politely, told the mom the whole incident. Kris never raised her voice (unlike perhaps most “aggrieved” wives); she was calm as she reminded the mom that she and James are working very hard at saving their marriage and calls or text messages from “any girl” to James is the last thing that they wanted especially at this stage when they (Kris and James) have just patched things up.

Kris didn’t make sugod the girl. She only wanted to relay to the girl the message that she should refrain from calling or texting James since James is very much married and it doesn’t look good for her to be doing that. Siempre naman, kahit sinong wife ay hindi matutuwa sa ganoon.

(Note: I asked Jumpy Kangaroo what the moral of the story is and he said, “Huwag po magti-text or tatawag sa isang lalaking may-asawa. ‘Yon lang po.” Wives out there, agree or disagree?)

[via]

Labels:


Read more...

Thursday, January 14, 2010

Kim Chiu, sanay makitang nakahubad si Gerald

MAGANDA ang pasok ng taong 2010 kay Gerald Anderson dahil bida na naman ang tambalan nila ni Kim Chiu sa panibagong soap opera ng ABS-CBN -- ang Kung Tayo’y Magkakalayo na magsisimula na sa Lunes (Jan. 18).

Naging mainit ang pagtanggap ng tao sa katatapos lang nilang serye na Tayong Dalawa kaya hindi maiwasang ma-pressure ang binata sa panibagong project nila ni Kim sa Dos.

“Kung nagustuhan nila ’yung Tayong Dalawa, alam kong magugustuhan din nila itong Kung Tayo’y Magkakalayo,” kampanteng pahayag ng binata.

“Sa lahat naman ng projects may pressure. Nadagdagan lang dito dahil sobrang laki nung proyekto, napakabigat ng cast. Pero masaya and confident kami dahil pinaghirapan naming lahat ito and we made sure that we give our best in each scene that we do,” dagdag pa niya.

Masaya rin si Gerald na nakatrabaho niya si Gabby Concepcion.

“Sobra akong blessed to be working with someone like him kasi he’s the ultimate matinee idol nu’ng araw. It’s very humbling, madami akong na-absorb sa kanya. Sobra akong blessed. Idol ko talaga siya.”

Humingi ba siya ng tips kay Gabby sa pag-arte? “Hindi naman kasi namin napag-uusapan ’yung work. Basta ‘pag may free time, nag-uusap kami tungkol sa kahit na ano,” paliwanag pa ni Gerald.

Isa pang nakadaragdag ng pressure ngayon kay Gerald ay ang bagong tawag sa kanya bilang “Action Drama Prince of Primetime Bida.”

“Hindi ko naman iniisip ’yon. Basta ako, ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko,” mariin niyang tugon.

Ipinagmalaki rin ng binata na mas cute at nakakakilig daw ang tambalan nila ni Kim sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

“Mas matutuwa sila sa mapapanood nila at sigurado akong mas kiki-ligin sila dito,” hirit pa niya.

Bukod sa KTM series, bida rin ang magka-love-team sa bagong pelikula ng Star Cinema na Paano Na Kaya na ipalalabas sa Jan. 27.

“Sobra kaming overwhelmed dahil bukod sa soap namin, may movie pa kami. Thankful kami ni Kim sa laki ng tiwala na ibinibigay sa amin ng management kaya talagang hindi namin sila bibiguin lalo na ang mga Kimerald na talagang sumusuporta sa amin ni Kim.”

Sa MTV na napanood namin for the movie, kapansin-pansin ang pagpapakita ni Gerald ng kanyang magandang katawan. Handa na ba siyang magpaseksi?

“Actually ’yung eksena na ’yun napaka-cute, napakaganda ng execution. Magaling din si Direk Ruel (Bayani) and inalagaan niya kami.

“Hindi naman nailang si Kim kasi sanay naman siya kasi mula nu’ng Cosmo medyo naghuhubad na ako, hindi ko alam kung bakit (laughs). Pero she’s very supportive of me and ganu’n din ako para sa kanya.

“Kaya dapat panoorin nila ’yung movie namin para makita nila ’yung sinasabi ko. Ha-ha-ha!” sabi pa ulit ng aktor.

[via]

Labels:


Read more...

Maricar Reyes sobrang naiilang kay Kris Aquino

VERY grateful si Maricar Reyes dahil kahit na na-link ang pangalan sa Hayden Kho sex video scandal, heto at napaka-in demand niya bilang aktres sa ABS-CBN.

Isa siya sa lead star ng bagong teleserye ng Dos na Kung Tayo’y Magkakalayo na ang role ay wife ni Gabby Concepcion. Si Kris Aquino ang makakatunggali ni Maricar sa Kung Tayo’y Magkakalayo at inamin niyang nai-intimidate daw siyang katrabaho si Kristeta.

“She’s so intimidating. Mabait siya (Kris), tsinitsika niya ako. Kaya lang si Kris Aquino siya, eh, kaya kinakabahan pa rin ako,” say ni Maricar sa interview.

Bilang kapareha naman ni Gabby, kuyang-kuya naman daw ito sa kanya at sobrang friendly.

Bukod sa KTM, busy din si Maricar sa paggawa ng movie na pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

“Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil nagtitiwala sila sa akin at may ibi-nibigay silang roles na kakaiba. So I hope I don’t let them down,” ani Maricar.

[via]

Labels:


Read more...

Wednesday, January 13, 2010

Kim Chiu gives Gerald Anderson a designer wallet for Christmas

During a visit to the set of Kung Tayo’y Magkakalayo, Kim Chiu told ABS-CBN.com that most of her wardrobe for the soap is comprised of sexy outfits to match her recent transformation into a mature young actress. “Oo nga e, sobrang iiksi ng mga damit ko dito, talagang super short shorts, mga pasexy na dress ganon. Kaya nga sabi ko, ’Ay ’di pwedeng magkapeklat!' Pero nagkapeklat-peklat na ako dahil sa mga production numbers sa ASAP.”

Co-star Kris Aquino even helps Kim choose designer bags to complement her character’s fashion style. “Sobrang maasikaso nga siya e kasi may pole scene kami. Kunwari hinulog ako sa pole, e naka-tube [top] lang ako. Sabi niya, ‘Hindi pwede ‘yan, mahuhulog yung tube mo. Maghe-hello yung boobey mo diyan.’ So nagpakuha siya ng tape tapos tinape niya yung damit ko para daw hindi malaglag. Ganon siya ka-supportive na co-star,” she added.

Kim remained mum about the real score between her and long-time onscreen partner Gerald Anderson. Rumor has it that she went with his friends to pick him up at the airport when he arrived from the US, but the young star claimed that she was with her family at the time. “Hindi a! Alas dose na ng gabi siya dumating sa airport galing States. New Year na New Year nasa airport ako? Hindi yun totoo. Kasama ko yung mga kapatid ko sa bahay, nagpaputok kami. Ayun. Hindi kami magkasama nung Christmas tsaka New Year. Umalis kasi siya nung December 22 tapos bumalik siya nung January 1 ng madaling araw.”

For his part, Gerald maintained that he’s not pressuring Kim to commit anytime soon. The two, however, might as well be a real couple with the way they shower each other with expensive gifts. “Christmas gift niya sa akin yung pink bike. Ako binigyan ko siya ng LV (Louis Vuitton) na wallet. E kasi gutay-gutay na yung wallet niya. Sabi ko, ‘Palitan mo naman ‘yan ng mas matibay.’ Sabi niya, ‘Ayoko okay na ‘to.’ Sabi ko, ‘Ano ka ba, nakikita ka ng ibang tao tapos yung wallet mo ganyan?' Sabi niya, ‘Hindi okay lang.’ So binigyan ko siya ng LV kasi ‘di ba matibay yun?”

The pink bike Gerald gave to her has actually paved the way for the two of them to have more bonding moments—even while they’re at work. One of the locations of their movie Paano Na Kaya is near the place where Gerald lives. So every time he has a chance to take a long break, he would simply go biking around the neighborhood. “Nagagandahan kami sa bike niya. Tapos biglang ginulat niya ako lately nung niyaya niya akong mag-bike. Sabi ko, ‘Wala naman akong bike.’ Sabi niya, ‘Ayun o yung pink gamitin mo.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Yun na pala yung gift niya sa akin. Na-try ko na gamitin sa village nila. Pero bawal angkasan yung pink na bike baka masira,” she recalled.

Meanwhile, Kim is really looking forward to the completion of her dream house in an upscale residential area. “Sana matapos na yung bahay ko at dun na ako tumira bago matapos ang 2010. Zen-American style siya na three-storey din parang kay Gerald. Pero wala naman kaming usapan na dapat pareho kami. Hindi pa ako bumibili ng furniture kasi skeleton pa lang yung bahay. Once na magawa na yung bahay balak ko patirahin na yung family ko dito,” she beamed.

[via]

Labels:


Read more...

Boobs ni Juday nahawakan ni Derek

Bukod sa laging may nurse at doctor sa taping ng Habang May Buhay, kumuha rin ng crash course on nursing si Judy Ann Santos para ma­gam­panan ng tama ang role niyang nurse at makumbinse niya ang viewers na isa nga siyang nurse.

Nag-enjoy siya sa pagkuha ng blood pressure at naa-apply niya sa everyday life ang natutunan sa pagku­ha ng crash course.

Matutuwa rin ang mga nurses sa ipinahayag ni Judy Ann tungkol sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho. Sabi ni Judy Ann : “Sobrang tindi ng res­peto ko at bilib ako sa kanila dahil kahit maliit ang suweldo, buong buhay nila inaalay sa pag-aalaga sa ibang tao. Nakabibilib din ang haba ng pasen­siya nila. Ngayon ko na-realize kung bakit kahit sa ibang bansa, gustung-gusto ang Filipino nurses.”

May eksenang hinawakan ni Derek Ramsay ang boobs ni Judy Ann, pero sabi ng aktres, wala siyang boobs kaya walang nahawakan ang aktor. Saka sa mga ganung eksena, may mga magic na ginawa si direk Wenn De­ra­mas para lumabas na makatotohanan ang eksena. May lovescene rin sila ni Derek na ‘di na nito nakuwento kung paano kinunan.

[via]

Labels:


Read more...

Tuesday, January 12, 2010

ABS-CBN’s official statement on Suspension of ‘Showtime’

ABS-CBN has just released their official statement regarding the 20-day preventive suspension imposed by MTRCB for their talent variety program “Showtime.”

In the spirit of self-regulation, ABS-CBN removed Rosanna Roces as a judge in SHOWTIME after she made statements against the teachers in the January 7 live show (CLICK HERE TO WATCH THE VIDEO). But despite this, MTRCB still imposed a 20-day preventive suspension for the program.

A preventive suspension is issued to stop further violations, if there were any committed, or for the interest or welfare of the public. Thus, the network questions the need for said preventive suspension when Rosanna Roces has already been removed from the program.

SHOWTIME is a highly entertaining show watched by many Filipinos. It helps promote and showcase the creativity and talent of kapamilyas nationwide, uplifts their spirit and provides opportunities to improve their lives.

Labels:


Read more...

Alaala ni FPJ, binastos ni Osang

Ano kaya’ng ginagawa ni Rosanna Roces ngayon matapos ma-forczed evict bilang guest judge sa It’s Showtime? First day pa lang niya ay hindi na maganda ang pakiramdam namin. Si Vice Ganda, resident at ’di mai-evict na judge, open arms siyang winelcome sa show. Nasorpresa lang ito dahil paglapit sa kanya, sinampal siya ni Osang. Na-realize sigurong mali ang ginawa niya, kaya umatras siya’t niyakap si Vice.

Nagkaroon na kami ng feeling na mukhang bubuga pa ang dating bold star on air, lalo na’t live ang show, walang edit-edit o bleep-bleep.

Bawiin man ang naunang sinabi, nasabi na ang tunay na saloobin.

* * *

True enough, second day pa lang ni Osang, may mga pinakawalan na siyang salita. Nariyan ang biro ni Vice Ganda sa kanya na siya’y may dyowang hinete ay nireakan niya ng, “Walanghiya ka talaga! Nambubuko ka pa, demonyo ka!”

Ang sakit sa tenga, ’di ba?

Ang isa pang nakakalokah, nu’ng may nag-perform lang na Panday, nakaisip ng sasabihin si Osang bago magbigay ng score. “Alam n’yo, mas magaling kayo kesa sa original Panday na puro naman panga!”

Original Panday? Sino ba’ng original Panday? ’Di ba’t sumakabilang-buhay na? Pati ba naman ang namayapa nang si FPJ, idadamay pa ni Osang sa baluktot niyang panghuhusga sa grupong nag-perform?

* * *

Ang the height ng labas ni Osang ay nu’ng may mag-perform na taga-Calamba, Laguna. Binigyan pa niya ang mga bata ng on-the-spot quiz. Gusto lang niyang i-prove ang family background ni Jose Rizal kung bakit pati teachers, napagdiskitahan niya?

“Kaya kayo, murahin n’yo ang mga teacher n’yo, dahil hindi nila sinasabi ang tama. Ako no’n, minura ko ang teacher ko, eh. ’Yang mga teacher na ’yan, sila ang mga talagang repeater dahil inuulit lang nila ang itinuturo nila.

“Mga walanghiya ’yang mga teacher na ’yan, eh!” something to this effect na sey ni Osang.

* * *

Alam naman nating lahat na ang mga guro ay itinuring na nating pangalawang magulang. Na malaking bahagi sila ng ating pagkatuto sa buhay, ng kung ano tayo ngayon at depende na sa atin kung ano o paano natin gagamitin ang mga natutunan natin sa eskuwela sa pakikipaglaban sa buhay.

Nagkakandakuba sa pagtuturo ang mga guro (lalo na ang mga nasa public school) kahit pa maliit lamang ang sinusuweldo dahil sinumpaan nilang tungkulin at obligasyon ang edukasyon sa mga batang itinuring na nilang mga anak, tapos, bababuyin lang ng isang taong hindi naniniwala sa edukasyon?

Binawi ni Osang ang kanyang sinabi pagbalik galing commercial. Hindi naman daw niya nilalahat ang mga teacher. Pinagsamantalahan daw kasi siya ng kanyang guro nu’ng araw na ngayon ay patay na at kapiling na raw ni Satanas.

Kahit pa anong paliwanag ni Osang, hindi na kayang maunawaan pa ’yon ng mga manonood na hinayblad niya, lalo na ang mga guro.

Bigla tuloy naming naalala ang interview sa kanya ni Sharon Cuneta noon sa Sharon. Ang sabi ni Osang na umiiyak-iyak pa, “Kahit hindi na mag-aral ang mga anak ko, hinanda ko na ang future nila!”

Kaya naman pala.

[via]

Labels:


Read more...

Judy Ann Santos, Planong paglipat sa Siyete, inamin

SA wakas, nagkaroon na ng grand presscon ang nurserye ni Judy Ann Santos, ang Habang May Buhay, which means, after three years in the making, tuloy na tuloy na ang airing nito sa Feb. 1 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Kahapon sa presscon, naitanong namin kay Juday kung ano ang feeling niya ngayong maipalalabas na ang kanyang teleserye.

“Siyempre, hindi naman ako magpapakaipokritang sabihing okay lang, ’di ba? Siyempre, magiging honest naman ako sa pagsasabing nainip din naman ako.

“Pero naniniwala rin naman ako sa proseso na kung hindi bilib ang management, ibig sabihin, may kulang pa. “So, naniniwala ako na kung kailangan pang pagandahin, dapat gawan talaga ng paraan.

“Medyo natagalan lang talaga. At sayang din ’yung nagdaang panahon na I could have done a lot more series o kung anuman.

“Pero ganu’n talaga. May mga pagkakataong dumarating sa buhay mo na tine-test ang patience mo at isa ito sa mga ’yon,” sabi ni Juday.

Matatandaang kung ilang beses na ring nagpalit ng direktor ang nasabing serye hanggang sa naging final na nga si Direk Wenn Deramas.

Dumating din sa puntong kinailangan itong palitan nang buo at simulan mula sa umpisa kahit marami nang naite-tape.

Sa lahat ng ito, ayon kay Juday, wala siyang masasabi kundi “Hay…” na lang.

“Wala ka namang choice, eh. Pero okay lang, kasi marami akong learnings, marami akong realization and observations na naganap.

“So, okay lang, it’s worth the wait and I believe in my directors, I believe in the cast, I believe in the story as well kaya ’yung faith ng buong staff dito at mga direktor, hindi mo matatawaran, kasi alam mong may tiwala sila na this will...well, maybe it won’t be a big, big series, pero I know na one way or another, mamarka naman ito sa mga tao.”

Sa ngayon, last four taping days na lang daw ang Habang May Buhay at biro ni Juday, masaya siya ngayong matatapos na sila dahil napakatagal na raw nila itong ginagawa.

“Tama lang namang magtapos na kami, ’di ba? Kasi, ang tagal na namin. Para makapag-move-on na rin kami sa kanya-kanya naming mga buhay.

“Like ako, simple lang, ’yung makapagpagupit ka. Hindi ako makapagpagupit, kasi continuity. ’Yung ganu’n lang naman. But it doesn’t mean that I’m happy because I won’t be seeing the staff and the cast. Of course, a part of me rin naman is sad because I’ve been really good friends with my staff especially, my TC, of course with Direk Wenn, kasi naging parte rin sila ng buhay ko.

“Pero maliban du’n, masayang-masaya ako kasi makakagawa na ako ng ibang projects o ng iba pang teleserye,” aniya.

Samantala, natanong kay Juday ang tungkol sa paglipat ni Claudine Barretto sa GMA-7. Last year kasi, siya ang matunog na matunog na lilipat, pero iba ngang aktres ang natuloy. In the end, siya ang may loyalty sa network.

“Hindi naman. Para sa akin ano, bilang artista, ’yung loyalty is something beyond any ano already, eh. Hindi na usapan ’yon, sa panahon ngayon, ano, para sa akin, kung gustong lumipat ng isang artista kung hindi siya masaya, nasa kanyang desisyon ’yon. Kung gustong lumipat ng isang artista dahil wala siyang sapat na trabaho kung saan siya nandoon, tama lang din naman, hindi ba, kasi especially kung pamilyado ka, iisipin mo ’yung kinabukasan ng pamilya mo, hindi ’yung ikaw na lang.

“Hindi mo maiiwasan na may mga taong mag-react, bakit ganito, bakit ganyan, pero buhay mo ’yan, eh, susundin mo kung ano ang gusto mo, kung saan mo palagay na mas makakabuti sa ’yo, ang role na lang ng iba ngayon is umintindi, huwag na sanang magsabi ng kung anupaman, kasi hindi naman nila alam kung ano ang pinagdaanan ng taong lumipat, hindi nila alam kung ano ang naramdaman niya, so, intindihin na lang natin.

“Wala tayong ibang puwedeng gawin ngayon kundi umintindi at mag-wish tayo na sana, it’s all for the best.”

Dahil sa paglipat ni Claudine, nangangahulugan bang hindi na matutuloy ang nilulutong project para pagsamahin silang dalawa?

“Maraming posibildad na puwedeng matuloy, eh. Puwedeng sa Viva, puwedeng sa Regal, maraming posibilidad na puwedeng ipasok. Ako, hoping pa rin na sana, one day matuloy ’yon.”

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Claudine dahil hindi naman sila masasabing best of friends talaga, pero naniniwala raw si Juday na good friends sila at ang friendship na ’yon ay something na hindi pang-showbiz lang.

“’Pag nagkikita kami, nag-uusap kami. Malaki rin naman ang utang na loob ko sa kanya pagdating sa anak ko, so, looking forward ako to work with Claudine and to be her friend one day.”

Aminado si Juday na na-shock siya nang unang mabalitaan ang paglipat ni Claudine.

“Siyempre, nagulat ako, na-shock ako. Pero at the same time, naindintihan ko agad kung bakit may ganu’ng desisyon, kasi hindi naman siya nag-iisa sa pag-isip ng ganu’n, eh.

“Maaaring hindi lang ako ang artistang umaamin, baka nga ako lang ang artistang umaamin na nag-iisip lumipat, pero marami ’yan, hindi n’yo lang alam kung sino pero marami ’yan,” she said.

Anyway, leading man ni Juday sa Habang May Buhay si Derek Ramsay at ibinabalik din ang samahan nila ni Gladys Reyes bilang kontrabida niya. Matatandaang huli nila itong ginawa sa Mara Clara many years ago.

[via]

Labels:


Read more...

Kris Aquino rejected Cory Quirino?

KRIS Aquino is reportedly the reason why Cory Quirino was not included in the senatorial line-up of the Liberal Party.

A report alleged that Kris was the unseen hand responsible for turning down the wellness guru and TV host in her bid to join the senatorial line-up of the Aquino-Roxas tandem allegedly because she (Cory Quirino) has the same nickname as the former President Cory Aquino.

Unseen hand or not, it still remains implausible, though, that Kris’ influence could have grown deep and far-reaching to form and shape the senatorial line-up of a political party.

To think so is overestimating the power of Kris, whose sphere of influence is still largely limited within the entertainment industry.

What then is the plausible reason behind Cory Quirino’s failed attempt to join the senatorial line-up of the Liberal Party? Just asking..

[via]

Labels:


Read more...

Monday, January 11, 2010

Martin and Gary Concert - One more time in US

US Filipinos just can’t get enough of Martin Nievera and Gary Valenciano, thanks largely to rave reviews and word of mouth.

By popular demand, the critically-acclaimed and commercially hit As 1 back-to-back concert of the Concert King and Mr. Pure Energy will have a one-time only repeat staging in the US East Coast on Feb. 28 at Mohegan Sun Arena in Uncasville, Connecticut. Showtime is 4 p.m.

Silvestre, Funfare’s Big Apple correspondent, “As 1 is the highest-grossing Filipino concert in the US in 2009. The US tour was sold out, including the Oct. 25 performance at the Mark Etess Arena of Trump Taj Mahal in Atlantic City, produced by Group Ole and Lemar International.”

The return engagement will be produced this time by the newly-formed Di Ba Entertainment, Inc., a group of Fil-Am nurses in CT in their first concert venture, with Carousel Pinoy as line producer.

“Martin and Gary gave a superb show that everyone kept talking about it, prompting these nurses (producers) to bring them back to the East Coast and this time in Connecticut,” Edmund quoted Terry Badiola of Carousel Pinoy as saying.

Di Ba Entertainment says it is restaging the “concert event of the year” in response to strong public clamor to fly back the reigning kings of Philippine music.

The staging of Martin and Gary’s show at Mohegan Sun Arena (located within the luxurious Mohegan Sun Casino & Resort) will come one day after the Black Eyed Peas take center stage in the same venue.

Reminded Edmund, “Black Eyed Peas, of course, is one of the world’s most popular bands, with one of its members a true-blooded Filipino, Allan Pineda (a.k.a. apl.de.ap). Its song Boom Boom Pow is the most downloaded single in 2009.”

[Ticket prices for As 1 at Mohegan Sun Areana are $150 (VIP), $98, $78 and $58 and may be obtained by calling (203) 300-9830, (203) 407-9421, (203) 530-8711, (646) 912-3896, (718) 470-0181, (401) 943-3710, (508) 476-0009, (917) 691-2335, (908) 265-1430, or (201) 886-1705.]

[via]

Labels:


Read more...

Melason taking the US by storm

Here’s another report from Edmund Silvestre:

If you think only Filipinos back home are going crazy about the real-life loveteam of the year, well, think again.

The funny and sometimes melodramatic love story of Pinoy Big Brother Double Up housemates Melissa “Melai” Cantiveros and Jason Francisco, more popularly known as Melason, has also taken the homes of America’s TFC subscribers by storm — coast to coast!

Their interesting friendship that blossomed into something more special (and helped pushed PBB’s TV ratings) has also caught the imagination of many loyal TFC viewers since Day 1.

The story of a pretty boy known in the PBB as “Astig ng Mindoro” (think of Robin Padilla) falling for a not-so-pretty but obviously funny and adorable girl known as “Kenkay ng GenSan” (think of Pokwang) is something that rarely happens in real life and usually only on the silver screen.

But to see their remarkable love unfold before our very eyes can be considered a unique event on Philippine television. Indeed, Kuya knows how to tickle the viewers, and tune in.

“Melason is giving not only great entertainment, but also hope sa mga hindi kagandahan o kaguwapuhan,” said Grace Yago Tiburcio, a young mother of two from Nashville, Tennessee. “But Melissa is a different case. Her ginintuang puso, sunny disposition in life, at ‘yung pagiging nakakatawa niya talaga help her shine through. Gumaganda talaga siya at makakalimutan mong hindi siya stunning like other housemates.”

Rolly Montemayor of Las Vegas
, Nevada, said he’s too old to watch PBB, but he makes it a point to catch it every now and then especially if Melason is the focus of the day.

“Walang ngang nakakaalam dito na sinusubaybayan ko ‘yang Melason na ‘yan until I discovered na ‘yung ilang kakilala ko eh nakikiloko rin kasi pinapanood daw ng mga misis nila,” laughed Rolly, a former IBC 13 cameraman. Nakakatuwa kasi sila eh, nakaka-relax panoorin.”

Lily Rosana, a registered nurse from Carteret, N.J. and a mother of three boys, said she follows the latest season of PBB the same way she got glued before to her most favorite teleserye of all time, Tayong Dalawa.

“Sa hospital nga we talk about Melason and we have a nurse there who’s really updated at siya ang nagkukuwento pag nami-miss namin ang isang episode,” she said. “I really love Melai and I hope sila talaga ang magkatuluyan ni Jason. Ayoko lang ‘yung kinakawawa nila ngayon si Jason kapalit ng tricycle. Nakaka-worried lang kasi baka akalain ng iba eh okay lang na kawawain o paglaruan ang kasambahay. I just thought it’s a wrong message kaya dapat i-clear na tine-test lang si Jason. Alam mo naman marami sa atin nang-aapi ng katulong.”

“I love the part when they kidnapped Melissa, it was so sweet of Jason and his friends,” said Baby Lantin, a new grandmother from Queens, New York. “Mukha ngang na-inlove talaga ‘yung lalaki.”

Although Melason is a smash hit on PBB, there’s no guarantee Melissa and Jason can sustain their new-found fame outside Big Brother’s house, unless ABS-CBN is willing to push and mold the two housemates into important stars by giving them acting workshops, personality development, and good projects, among other things.

It will be recalled that a couple of years ago, escort girl-turned-actress Keanna Reeves won the hearts of millions of PBB Celebrity Edition viewers with her funny antics and genuine warmth inside the PBB house. Her victory as that season’s Pinoy Big Winner was sealed when the former Rustom Padilla (now BB Gandanghari) chose the kind-hearted Keanna, among the many housemates, to reveal his biggest secret.

Many predicted that Keanna was destined to stardom in the league of Ai-Ai de las Alas. She was given a major TV show (Aalog-alog) and two major motion pictures (Reyna and Binibining K), not to mention guestings, but for whatever reason, Keanna failed to sustain her popularity outside the PBB house.

But for now, everyone sees Melissa and Jason as ABS-CBN’s newest goldmine. [via]

(E-mail reactions at rickylo@philstar.net.ph or at entphilstar@yahoo.com)

Labels:


Read more...

Sunday, January 10, 2010

Ejay Falcon, affected sa issue

LABIS palang apektado si Ejay Falcon sa mga lumalabas na negatibong balita tungkol sa kanya na nagsimula nu’ng may sinabi si Erich Gonzales sa solo presscon niya for Tanging Yaman about Ejay at sa ugali nito.

Ayon sa isang malapit kay Ejay na nakausap namin, wala raw sa personality ni Ejay ang magsalita ng ganu’n.

“Soft-spoken ’yung tao at napakamahiyaan kaya paano siya magsasalita ng ganu’n? Hindi ganu’n si Ejay,” pagtatanggol pa nito sa binata.

“Alam naman namin ni Ejay kung kanino nanggaling ang ganu’ng tsismis. May kasamahan siya do’n sa Katorse na siniraan si Ejay dahil gusto niyang pormahan si Erich. Pero nawala na siya sa show,” dagdag pa ng kausap namin.

Sa isang text sa amin ni Ejay, halatang affected siya sa nangyari. “Maraming salamat po sa mga nasusulat n’yo tungkol sa akin. Na-appreciate ko po ’yon lalo na sa ngayon. God bless you.”

Well, maging si Benjie Alipio, manager ni Ejay, ay todo ang pagtatanggol sa kanyang alaga.

“Naku, sabi ko sa kanya, huwag niyang masyadong dibdibin ang mga intriga. Basta alam niyang wala siyang ginagawang masama, hindi siya dapat matakot,” sey pa nito.

Magkasama sina Ejay at Erich sa Tanging Yaman series na magsisimula na bukas (Jan. 11) sa ABS-CBN at papalit sa Katorse.

[via]

Labels:


Read more...

Kim Chiu and Gerald Anderson - more than friends?

KUNG gusto n’yo raw mabuko ang tunay na relasyon between Kim Chiu and Gerald Anderson, find time to catch them as they do their grocery sa SNR sa The Fort.

Doon daw, according to a fellow entertainment columnist, who also shops there, twice na niyang nakasabay ang dalawa na naggu-grocery. And twice na rin niyang napatunayan na the two are more than just friends.

The two, according to her, look the perfect romantic pair as they go around shopping for their grocery needs. The two daw prefer to use just one grocery cart.
Magkatuwang nilang itinutulak ang grocery cart. Nasa unahan si Kim, habang nakakulong sa mga bisig ni Gerald, na tumutulong sa pagtulak ng cart.

“It’s a romantic sight, na parang eksena sa movie,” sabi ng aming source. “Dahil makikita mong habang naglilibot sila para mamili ng mga bibilhin, dampi naman ng dampi ang mga labi ni Gerald kay Kim.”

Oh, to be young and romantic nga naman.

* * *

Kim and Gerald are, no doubt, the busiest among all Star Magic talents dahil bukod sa upcoming series nilang Kung Tayo’y Magkakalayo on ABS-CBN, they are completing a movie Paano Na Kaya na siyang magiging pre-Valentine offering ng Star Cinema.

In this movie, directed by Ruel Bayan, who also directed the successful teleserye Tayong Dalawa, they are both playing roles na may pagka-mature na.

They threw cautions to the wind, lalo’t sa kanilang mga intimate scenes together. Which most think ay ‘at home’ na rin sila, since in love nga talaga sila sa isa’t isa, bukod pa sa in Tayong Dalawa, they acted “real,” wika nga, sa kanilang honeymoon scene.

[via]

Labels: ,


Read more...

Kian Kazemi is gay?

Nagulat ang mg nakakakilala kay PBB housemate Kian Kazemi nang mabasa ang shout out sa kanyang Facebook account na nag-out na siya at inaming gay.

Pinigilan lang daw siya ng showbis at ng kanyang manager na umaming gay siya. Ang ending ng kanyang shout out ay inimbita ang cute guys to contact him dahil he’s very much single raw.

Pero sabi ni Kian, na-hack lang ang account niya at na-access at naayos na niya ang kanyang account at dinelete na rin for sure ang fake na shout out.

[via]

Labels:


Read more...

Saturday, January 09, 2010

Sarah-Luis movie hindi matuluy-tuloy

TALAGANG pursigido si Luis Manzano na bumalik ang pagmamahal ni Angel Locsin sa kanya.

At very proud din umano siya na marami ang nagka-crush sa ex-GF.

Tulad ng CNN Hero na si Efren Peñaflorida kung saan humingi pa nga ito ng permiso sa ama ng dalaga para umakyat ng ligaw sa aktres.

Ayaw mag-comment ni Luis sa napabalitang panliligaw ni Efren sa ex-GF sabay sabing, “it’s none of my business,” sakaling magkaroon ng relasyon sina Efren at Angel.

Ibinalita rin ni Luis na tuluy-tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo under Viva Films.

Si Sarah ang partner niya sa movie at wala raw katotohanan na may humaharang para magsama sila sa ni Sarah sa pelikula.

“Wala akong alam sa mga sinasabing may humaharang daw. I don’t think it’s true kasi Viva ang nagsasabi sa akin to go for it. Ang alam ko lang, pinapaganda nila ang istorya, or siguro because of schedule reasons kaya hindi matuluy-tuloy na dapat nag-start na. But in terms of harang, hindi ko alam kung totoo 'yan,” say ng TV host-actor.

[via]

Labels: ,


Read more...

Martin, Pops celebrate Valentine together again

MARTIN Nievera and Pops Fernandez continue their decades-long tradition of holding a Valentine concert in 2010 via “One Amore Time.”

Unlike many of their past Valentine gigs, however, “One Amore Time” is concept-driven; that is, it will channel the passion and vibrancy of Latin teleseryes into a musical extravaganza that’s bound to be the sexiest and most daring for its stars.

According to concert producer Mae Vinluan-Dolonius of Mauve Management and Entertainment, “One Amore Time” will base its repertoire and dance numbers on a teleserye-ish storyline. The concert to be held on February 14 at the SMX Convention Center, SM Mall of Asia and will be directed by Rowell Santiago.Pops and Martin

Martin considers “One Amore Time” special because he and his ex-wife will once again get to celebrate love in a way only they can.

“When Pops and I do a show together, it’s more real compared to others because we had a past even as we have a present because of our kids,” said he, adding that their son Robin thought up the title “One Amore Time.”

Pops, on the other hand, looks forward to singing songs in the concert that they have not done before.

“It’s one Valentine’s show in which you’ll feel love just by watching it whether you already have someone special or not. We’re looking into doing old and new songs, either hit or obscure, that we’ve not done before so it’s something new both for us and our fans,” she said.

For tickets call: 09188859335, 09222630183, 09063718174, 0917-7499860, 0922-8132119, 4257598 /4018002.

[via]

Labels:


Read more...

Anne Curtis natuwa para sa mga elepante

Maraming natuwa kahapon na hindi nila napanood si Rosanna Roces sa programang It’s Showtime. Maraming nairita sa kanyang avid viewers ng programa dahil nagmamagaling ito sa pagbibigay ng comment. At ang the height daw, nagmumura na hindi nga maganda sa pandinig ng mga nanonood ng programa. Eh ang lakas pa naman ng nasabing programa nina Anne Curtis, Vhong Navarro, at Kim Atienza sa ABS-CBN kaya hindi magandang may mga masasamang salita na lumalabas sa hurado ng programa. Imagine pati mga teachers, nilait-lait niya.

Speaking of Anne, balitang nagpadala si Anne ng bulalak sa Embahada ng India para sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia sa Maynila para pasalamatan ang kanilang pamahalaan sa desisyon kamakailan lamang nitong pag-bawal sa paggamit ng mga elepante sa mga sirko at sa mga zoo. “Sa ilalim ng direksiyon ng Central Zoo Authority (CZA), ang mga napalayang elepante ay dadalhin sa mga sanktwaryo ng kanilang pamahalaan kung saan malaya muli silang makakalakad at makikipaglaro sa iba pang mga elepante,” ayon sa e-mail ng PETA.

Umaasa raw si Anne at ang PETA na ang pagsisikap na ito ng CZA ay ang magiging unang hakbang sa pagbabago ng mga pata­karan ng mga zoo sa buong Asya. “Sa ngayon, may ilang mga zoo sa Europa at Hilagang Amerika ang nagpalaya o nasa proseso ng pagpapalaya ng mga elepante sa mga zoo.

“Natuwa ako nang marinig ko ang balita ukol sa desisyon ng India na alisin ang lahat ng ele­pante sa mga zoo at sirko at ilipat sila sa mga sanktwaryo,” sulat daw ni Anne para kay Ambassador Shri Yogendra Kumar. “Naka­kalungkot, marami pang bihag na elepante—tulad ni Mali ng Manila Zoo—na tuluy-tuloy ang pagdurusa sa lubos na kalungkutan at pagkabagot. Lubusan akong umaasa na sana gayahin ng ibang mga bansa ang magandang halimbawa na inyong ipinakita.”

“Sa Manila Zoo, ang elepanteng si Vishma­wali (o Mali) ay nabubuhay ng puno ng ka­lungkutan at kabagutan mula pa noong 1977. Dahil sa iisa lamang ang libangan ni Mali, ang isang maliit na languyan, nakikitaan na siya ng sakit sa kanyang pag-uugali. Madalas siyang nakikitang nakatayo lamang sa isang lugar kung saan ang kanyang nguso ay nakasayad sa lupa. Nakikita rin siyang naglalakad sa dulong bahagi ng kanyang kulungan at umaasang maka­lampas sa pader ng kaniyang kulungan. Nana­na­wagan ang PETA sa mga zoo na ilipat na si Mali sa isang sanktwaryo sa lalong madaling panahon. Sa sanktwaryo, magiging masaya siya sa mahalagang pakikisama ng iba pang mga elepante at malayang lumibot at maghanap ng pagkain sa kagubatan,” sabi ng taga-PETA.

Wow, kinakarir na pala ni Anne ang malasakit niya sa mga hayop.

[via]

Labels:


Read more...

Friday, January 08, 2010

Piolo Pascual - Pag ikakasal na ako, ’yun ang announcement

Panalung-panalo ang January issue ng Men’s Health Magazine kung saan ay si Piolo Pascual ang cover at featured star sa inside pages.

Dito ay makikita ang slim na slim na katawan ng aktor na talagang, in fairness to him, pinaghirapan niyang ma-achieve.

Sa mga larawang matutunghayan sa aktor sa inside pages ay makikita ang kanyang six-pack abs na talagang napaka-yummy tingnan.

Hindi birong training at workout ang ginagawa ni PJ (nickname ni Piolo) para ma-achieve ang katawan niya ngayon.

He’s into running at every other day ay tumatakbo siya ng 5-10 kilometers.

Ever since, health buff talaga si Piolo at isa pa itong nakatulong para gumanda ang katawan niya. Clean living siya, walang bisyo at talagang madisiplina sa katawan.

“Parang for me, you wanna feel good about yourself, you wanna live longer, you wanna take care of yourself, you wanna be able to do a lot of things, I’m very adventurous, I do a lot of extreme works, so, might as well take care of your body, ’di ba?

“’Coz you only have one life to live, you only have one body to take care of, so, do the right thing,” sabi niya sa presscon ng kanyang issue ng Men’s Health mag.

Natanong nga kung nakita na ba ni KC Concepcion ang nasabing January issue at say niya, mukhang hindi pa dahil siya nga, ngayon lang nakita ang kopya.

Since napag-usapan na rin lang si KC, ang lahat ay curious malaman kung ano na ba ang status nila lalo pa nga’t natapos na ang Lovers in Paris.

Ayon kay Piolo, patuloy pa rin ang communication nila, pero kapansin-pansin na tulad ng dati, hirap pa rin siyang pag-usapan ang young actress.

Hindi rin niya malagyan ng label kung ano bang meron sila ni KC, pero nang tanungin siya kung getting there na ba sila, ang maikling say niya, “Huwag nating pangunahan, baka nandu’n na nga, eh.”

So, bakit hirap na hirap siyang bigyan ng label?

“Eh, kasi, gusto ko, ’pag nagsalita ako, gusto ko, ’yun na ’yon. So, baka hindi, eh, so, you gotta be sure.”

Basta raw masaya siya kung anuman ang meron sila ngayon ni KC at kung may next announcement man siya, gusto raw niya ay kasal na agad.

“’Pag ikakasal na ako, ’yun ang announcement, o baka ’pag kasal na ako,” he said.

Masasabi ba niyang happy ang kanyang lovelife ngayon?

“Masaya ako in the truest sense of the word, lagi naman akong in-love, eh, and I’m always inspired as well. Pero ’yung pagse-settle lang siguro ang next step na pag-iisipan mo nang mabuti. Pero, I’m happy.”

Not this year pa siya magse-settle down? “Who knows?” bitin niyang sagot.

Anyway, bukod sa January issue ng Men’s Health ay marami pang aabangan kay Piolo ngayong 2010.

“I’m still promoting my album, it’s out in the market, and it’s doing good. I’m happy about it. I’m gonna release my second single na Can’t Take My Eyes Off You,” aniya.

May movie rin siyang gagawin under Star Cinema with Zaijian Jaranilla.

Ginagawa na rin daw nila ang Kimmy Dora 3. Asked kung bakit three agad, natatawa niyang say, “Kasi, gusto namin ng three, ayaw namin ng two, parang Star Wars lang ’yan, babalikan ang two, idea ni Joyce (Bernal, direktor at co-producer nila) ’yon.”

[via]

Labels:


Read more...