Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 27, 2011

Ai-Ai de las Alas silent on Candy's accusation

KUNG naging maganda ang pagtatapos ng 2010 para kay Ai-Ai de las Alas dahil sa box-office success ng Tanging Ina Mo, Last na ’To, mukhang maganda rin ang pasok ng 2011 sa kanya dahil sa rami ng naka-line-up niyang projects sa ABS-CBN.

May Pilipinas Got Talent Season 2 siya sa February kung saan ay sila pa ring tatlo nina Kris Aquino at Freddie Garcia ang judges, may teleserye siya with Kim Chiu at may pelikula na naman siyang gagawin sa Star Cinema.

Nilinaw ng Comedy Concert Queen na hindi Tanging Ina sequel ang gagawin niya since may bali-balita nga na baka lagyan na naman ng panibagong sequel ang nasabing pelikula.

“Walang Tanging Ina this year,” paglilinaw niya, pero hindi niya rin daw alam kung may plano pang lagyan ulit ng sequel dahil ang alam nga raw niya ay last na itong huli.

For a start, ang unang blessing na natanggap niya for 2011 ay ang bonus from Star Cinema dahil sa success ng Tanging Ina, Last na ’To na umabot sa P179M ang kinita.

Ayaw nang sabihin pa ni Ai-Ai kung magkano ang bonus, basta ’yun na raw ’yon.

Another blessing ay ang pagpirma niya ng guaranteed contract sa ABS-CBN. Sa mga hindi nakaaalam, iilang artista lang ang binibigyan ng ganyang kontrata ng Kapamilya network.

A source said na sina Kris at Mang Dolphy (noong panahong nasa ABS-CBN pa siya) ang may ganyang klase ng kontrata.

Guaranteed contract means with or without project, may tatanggapin siyang monthly talent fee from the network.

So, ano ang feeling na may guaranteed contract na siya?

“Pensyonada ako, ’yun ang tamang term, paupu-upo na lang ako,” natatawang sabi ni Ai-Ai.

So, hindi na siya lilipat sa ibang channel?

“Oo, hindi na ako magbabalak lumipat ng ibang channel. Bakit naman ako lilipat, eh, ang sarap-sarap ng buhay ko rito (sa ABS-CBN)?” natatawa pa niyang dagdag.

Samantala, natanong din kay Ai-Ai ang tungkol sa issue nila nina Direk GB Sampedro at Candy Pangilinan at ayon sa komedyana, ayaw na niyang sagutin pa ang mga ito, partikular na ang akusasyon ni Candy na siya ang third party sa breakup.

“Nilinaw na ’yang lahat ni Direk GB, so, silent mode na lang ako riyan. Basta, hindi ako ang third party dahil magkaibigan kami ni Direk, matagal na,” aniya.

Wala pa rin daw siyang lovelife ngayon at okay lang ito sa kanya dahil mas gusto niyang magtrabaho na lang nang magtrabaho.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES