Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 11, 2011

Ai-Ai, Direk Wenn get back at Albert-Liezl's son

Nang makausap namin si Direk Wenn Deramas last Friday sa set visit ng bago niyang project na Who’s that Girl?, hindi pa siya aware sa eksaktong laman ng diumano’y tweet sa Twitter ng anak nina Albert at Liezl Martinez na si Alfonzo, kung saan ay nilait nito ang direktor at ang pelikulang Tanging Ina Mo, Last na ’To.

Kaya naman nang hingan namin siya ng reaksyon, wala siyang gaanong masabi at ang say lang niya, hindi siya naniniwala na makakapagsalita nang ganu’n ang anak nina Albert at Liezl since okay naman daw ang samahan nila ng aktor.

Pero nang mabasa niya ang nilalaman ng tweet ni Alfonzo, aminado siyang nabastusan siya sa kawalan ng respeto ng anak nina Albert at Liezl.

As of press time, balitang burado na ang tweet ni Alfonzo sa Twitter account nito na ganito ang nilalaman:

"I am sorry, but how the f___k can a shallow, stupid and over milked movie win best director? Apparently to the magical MMFF grading system, the pinacle of Philippine cinema is a brainless, rehashed, slapstick movie that would be the laughing stock of any filmfest outside the Phil! OH WAIT! I guess the movie is successful after all"

Ayon kay Direk, nang unang lumabas pa lang ang tweet ay marami na ang tumawag at nag-text sa kanya.

“Na ang sabi nga, minura pa raw ako, pero dahil hindi ko pa nababasa, hindi ako makapag-react. Pero kanina, nang mabasa ko, nabastusan talaga ako,” pahayag ni Direk nang makausap namin sa telepono last Sunday.

“Kaya ngayon, ang una kong gagawin ay magtrabaho nang mabuti, magsikap nang mabuti para mapag-aral ko nang maayos ang aking anak at maituro ko sa kanya kung paano tanggapin ang pagkatalo,” say ni Direk sa kabilang linya.

“In the first place, ano ba ang alam niya (Alfonzo) sa industry? Ano ang karapatan niyang sabihing istupido ang pelikula ko? Para na rin niyang sinabing istupido ang mga judge na nagdesisyon at ang napakaraming moviegoers na nanood ng movie.

“Hindi ba itinuturo sa eskuwelahan niya kung paano maging sport? Kung paano tanggapin ang pagkatalo? Na sa kahit anong patimpalak, mayroon talagang nananalo at natatalo at kailangan niyang tanggapin ang desisyon ng mas nakakaalam?”

Sa kayang Facebook account kahapon, nag-react din si Direk Wenn na ganito ang nakasaad: “Pagkatapos kong mabasa kanina ’yung tweet ng anak ni albert martinez, sinabi ko sa sarili ko na pag-aaralin ko ng husay ang mga anak ko sa paaralang itinuturo ang PAGTANGGAP NG MALUWAG SA DIBDIB KAPAG NATATALO!!!”

Ang nasabing shout-out ay umani ng napakaraming reaksyon mula sa kanyang FB friends. Isa sa nabasa naming replies ay mula kay Ai-Ai de las Alas under her real name, Martina delas Alas, na ganito ang nakasaad:

“AKO KAIBIGAN KO SI LIZEL AT PAG NAKITA KO SILA AT SI ALBERT SASABIHAN KO. TURUAN NYO ANG ANAK NYO NG MABUTING ASAL...WALA SYANG ALAM SA INDUSTRIYA NG NANAY AT TATAY NYA KAYA WALA SYANG KARAPATANG MAGSALITA NG F__KING AT STUPID. AT HINDI SYA BATA KAYA PWEDENG PATULAN (HEHEHE). “KASI ANG MGA ANAK KO, PAG NATATALO AKO OR MAY MASAKIT NA NANGYAYARE SA AKIN, ANG DIALOG NILA (MAMA, WAG KA NA MA-SAD MARAMI NAMAN TAYONG BLESSINGS).. GANUN LUMAKI ANG ANG MGA ANAK KO...MAY BREEDING.

“PERO AKO, WALA, PAG NAGAGALIT AKO AT INAAPI ANG MGA KAALYANSA KO KAIBIGAN AT KASAMAHAN SA TRABAHO — MAMAYA ULIT."

Ayon kay Direk Wenn, hindi pa sila nagkakausap ni Albert tungkol dito, pero ang huling salitang binitiwan sa amin ng direktor, “He (Alfonzo) should and they should apologize.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES