Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 02, 2011

Angel Locsin hindi lilipat sa TV5

Marami ang nag-aakala na porke nasungkit ng TV5 si Aga Muhlach ay susundan na rin siya ni Angel Locsin. After all, interesado rin yata ang Kapatid network sa aktres na galing din ng GMA 7 bago napunta ng ABS-CBN.

Pero marami ang mabibigo kapag inasahan nila ang ganito sa aktres. Unang-una na, may kontrata ito sa Kapamilya Network. ’Di tulad ni Aga na natapos na ang serye, si Angel ay nasa kasagsagan pa ng Imortal na pinagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz. At nag-i-enjoy ito ng malakas na viewership ng kanyang serye.

“Maganda ang trato sa akin dito, bakit ko naman aalisan? Gusto ko rin ’yung pacing ng trabaho ko, hindi sunud-sunod, may pahinga at may pagkakataon na gumawa ng ibang bagay,” pagtatanggol ng magandang Kapamilya na umaming hindi naman naging malamig ang kanyang Pasko kahit pa nag-break sila ni Luis Manzano.

“Bagong taon, bagong pag-asa. Malay n’yo baka ma-meet ko rin this year ang right guy for me. Masarap na feeling ’yung alam mong may nag-aalala sa ’yo, ’yung may nag-aasikaso,” pag-amin ng aktres.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES