Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 30, 2011

Angelica Panganiban nahaharutan kay Vhong Navarro

Kilala ang Star Cinema at si Direk Chito Roño sa pagbibigay sa atin ng mga quality horror movies, kaya naman nga­yon pa lamang ay sobra nang pinag-uusapan ang pelikulang Bulong na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Vhong Navarro.

Ito ang kauna-unahang pelikula ng Star Cinema na ipalalabas ngayong taon. Kakaiba ang Bulong dahil nakakatawa at nakakatakot ang tema ng pelikula. Naka-sentro ang kuwento nito sa isang lumang paniniwala na kapag bumulong ka sa isang patay na tao ay maaari kang humiling at posible itong matupad.

Masayang-masaya sina Vhong at Angelica dahil ngayon lang ulit sila nagkasama sa isang pelikula. Sa Separada huling nagkasama ang dalawa.

“Bale second time na ito. ’Yung una ang tagal na, parang seven years old lang siya (Angelica) noon. Nakakagulat kasi ngayon eto na, nakatatak siya sa akin nung time na Ang TV, ’yung bata, ngayon katapat mo na, kaeksena mo na. Ang galing magpatawa, ang galing mag-drama. Nakakatuwa na magkasama kami sa pelikula at tinanggap niya itong project,” pahayag ni Vhong.

“Si Vhong kasi magkaibigan kami niyan noon pa. Mula bata ako ay nagkikita na kami, sa ASAP, sa ABS-CBN, sa labas ay nagkikita kami. Sobra akong suwerte, ’di ako pinahirapan ni Vhong. Para siyang dream come true na ’yung sobrang galing na komedyante sa generation niya, nabigyan ako ng pagkakataong makatrabaho siya. Nakakatuwa dahil isa siyang maharot na leading man,” pahayag naman ni Angelica.

Very excited din sina Angelica at Vhong dahil muli rin nilang nakatrabaho si Direk Chito for this project.

“Sobrang excited ako na magkasama ulit kami ni Direk Chito, dahil ’yung Spirit Warriors sobrang naging maganda ang feedback sa amin sa Streetboys. Nagawa niyang maganda ’yung takutin ang tao and at the same time ay patawanin. Ang sarap ng feeling na nagawa namin ng maganda, ’yung kaming dalawa ni Direk Chito,” kuwento ni Vhong.

“Nakaka-excite siyang makatrabaho kasi kahit inuumaga ka, kahit pagod na pagod kang uuwi, okay lang kasi alam mong nagtrabaho ka at sobrang ganda ng ginawa ninyo. Si Direk Chito, lahat ng horror films na ginawa niya ay walang kasing husay, parang siya lang ang may kayang gumawa ng ganitong klaseng horror movies.”

Ngayon ay sobrang close na sina Angelica at Vhong dahil sa kanilang ginawang pelikula. Pinagseselosan kaya ng non-showbiz girlfriend ni Vhong ang aktres?

“Hindi naman dahil alam naman niya na si Angelica ay professional at trabaho lang,” paglilinaw ni Vhong.

Ano naman kaya ang naging reaksiyon ni Derek Ramsay nang malaman na makakasama ng girlfriend niya ang komedyante? “Nang malaman niya na gagawa ako ng movie with Vhong ay ayaw na niyang ipatanggap sa akin. Na-threaten sa katawan pa lang, ’yung face pa lang. Sabi niya (Derek), ‘hihiwalayan kita kapag ginawa mo iyan,’” pabirong sagot naman ni Angelica.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES