Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, January 10, 2011

Angelica Panganiban naubusan ng sasabihin sa Ingliserong ama

Noong December ay nakilala na ni Angelica Panganiban ang kanyang tunay na ama sa Amerika na si Mark Charlson. Labis ang kaligayahan na naramdaman ni Angelica dahil nabuo na raw ang kanyang pagkatao nang magkatagpo silang mag-ama. Mula raw noon ay naging constant na ang communication nilang dalawa. “Tumawag siya noong Christmas. Nakakatuwa ‘yung feeling na may kausap akong inglisero noong Pasko. Medyo nanginginig ako, nagpa-panic ako, naubusan ako ng words. Noong New Year nag-e-mail ako sa kanya, nagpadala rin ako ng greeting card at pictures sa kanya. Tapos tumawag siya noong nakuha niya, natuwa naman siya,” nakangiting kuwento ni Angelica. Mayroon daw siyang plano na muling makipagkita sa ama ngayong taon. “Kung matutuloy ‘yung Star Magic tour namin sa States baka lumipad siya kung saan man ‘yung tours na namin. Gusto ko ring makita niya sina Mr. M at Tita Mariole. Mga naging pangalawang magulang ko, mga magulang ko sa industriya. ‘Yung iba kong katrabaho gusto kong makita niya kung paano ang nature of work namin. Kung mahirap ba o nakakatuwa sa kanya. Gusto kong ma-experience niya ‘yung puyat,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, ngayon ay kabado raw si Angelica sa pelikula nilang Bulong ni Vhong Navarro under Star Cinema na malapit na ring ipalabas. “Excited kami na kinakabahan dahil kami ‘yung unang ipapalabas sa 2011, at nanggaling nga tayo sa filmfest na sobrang successful. Positive naman kami. Alam naman namin na maganda ang naging performance namin sa pelikula,” kuwento pa ni Angelica.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES