Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 18, 2011

Concert nila Piolo, John Lloyd sa Cebu biglang nahinto!

Maraming Cebuano ang napasaya ng mga Kapamilya stars noong Sabado dahil sa series of shows na ginanap sa Cebu para sa Sinulog Festival.

Ang Ultimate Kapamilya Leading Men concert sa Waterfront Hotel ang naging hightlight sa lahat. Pinakilig at pinainit nina Piolo Pascual, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Sam Milby, Enchong Dee, at John Lloyd Cruz ang buong Cebu noong Sabado ng gabi. Naroon din si Pokwang bilang special guest na game na game ding naki­pagkulitan sa audience.

Bigla raw napahinto ang concert nang mamatay bigla ang kur­yente sa stage habang may nagpe-perform para sa finale number. Nagkagulo rin daw kasi ang audience sa may bandang harapan ng stage. “Noong nagpaalam na kami, we were doing the final number, biglang in the middle of the number ay nawala ‘yung electricity kasi nag-mob sila sa harap. I think the people were kinda upset because bigla na lang nawala abruptly. Naputol ‘yung show, we were also upset but we have to apologize in behalf of our team. I hope we gave them a good show,” kuwento ni Piolo.

Sa kabila nang pagkakaroon ng kaunting aberya ay masayang-masaya naman na umuwi ang mga Cebuano na nanood ng concert.

Tuwang-tuwa rin ang lahat ng Kapamilya stars na nagpunta sa Cebu para maki-celebrate ng taunang Sinulog Festival.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES