Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 27, 2011

Cristine not bratty, just spoiled - Ara

NAHINGAN ng pahayag si Ara Mina hinggil sa Sarah Geronimo-Cristine Reyes issue at ayon sa older sister ni Cristine, kinausap na raw niya nang masinsinan ang kapatid.

Sinabihan na raw niya si Cristine na tigilan na ang pagti-tweet at kung hindi man mapipigilan ito, ma-ging careful na lang sa mga isinusulat dito.

Ayon kay Ara, nagulat daw siya nang makarating sa kanya ang tungkol sa iringan nina Cristine at Sarah. Kat-wiran niya, magkaiba sila ng personality ng younger sister dahil medyo palaban si Cristine at impulsive.

Gayunman, ipinagtanggol niya ang kapatid na hindi ito bratty, at na-spoil lang daw siguro.

Sa tanong kung pabor ba siya sa relasyon ni Cristine kay Rayver Cruz, “oo” agad ang sagot ni Ara.

Mabait daw ang aktor at magalang sa kanilang pa-milya. Natutuwa raw siya dahil hindi ikinahihiya ni Rayver ang intensiyon sa younger sister.

Naniniwala rin si Ara na magiging magkaibigan pa rin sina Cristine at Sarah in the future dahil pareho silang Viva artist. Pakiusap pa ng sexy actress sa detractors ng kapatid, sana raw huwag i-judge ang dalaga. Lahat naman daw ng tao, nagkakamali.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES