Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 02, 2011

Goin' Bulilit Stars excited sa 2011

Kung inaakala ng nakararami na mga matatanda lamang ang dapat magbagong-buhay ngayong bagong taon, diyan sila marahil nagkamali. Maging mga Goin’ Bulilit stars kasi ay excited nang tuparin ang kani-kanilang New Year’s resolution para sa darating na taong 2011

Isa nga sa mga nais baguhin ng bahagya ang kanyang nakagawiang pamumuhay ay ang Goin’ Bulilit pioneer na si Nash Aguas. Aniya, bilang isang lumalaking bata, lalo pa niyang dapat pag-ibayuhin ang disiplina sa sarili.

“Ngayong darating na 2011, dapat bigyang halaga pa lalo ang pag-aaral ngayong lumalaki na ako,” sabi ni Nash.

Buong puso ring ipinagmalaki ni Nash na malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang magulang na laging dumidisiplina’t gumagabay sa kanya. “Siyempre po alam ng magulang ko ’yung New Year’s resolution ko, para kung sakaling makalimot po ako, ire-remind nila ako.”

Hangad naman ni Aaron Junatas na magkaroon ng mas maraming time na makipag-bonding sa pamilya sa pagpasok ng bagong taon.

“Sobrang naging busy po ako sa pag-aartista nung 2010. Ngayon po gusto ko naman na magkaroon ng time sa pamilya ko,” sabi ni Aaron.

Para naman sa sandamakmak na blessings na natanggap ni Sharlene San Pedro, dasal-pasasalamat naman ang nais niyang parating gawin. Bukod kasi sa kanyang mapagmahal na mga magulang, Diyos ang kanyang inspirasyon.

Ngayong darating na Linggo, sa Goin’ Bulilit, pagkatapos ng TV Patrol Weekend, 12 Days of Christmas musical ang gagawin ng mga Bulilits. Plus, ibibigay din nila kung anong “in” at “out” para sa taong 2011.

[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES