Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, January 26, 2011

Katrina Paula Defends Carnap Queen Issue

Galit ang dating sexy star na si Katrina Paula sa una niyang paglutang mula nang masangkot sa mga kaso ng carnapping at pagpatay ang kanyang boyfriend na si Raymond Dominguez.

Nakasuhan si Katrina ng paglabag sa anti-fencing law nang marekober sa kanyang condominium sa Mandaluyong ang umano'y mga carnapped na sasakyan sa raid noog Nobyembre 2010.

“Sana hindi nila ako ginawang 'wanted.' Bakit ako magtatago eh wala naman akong kasalanan. Respetuhin naman nila ako bilang tao, siyempre hindi nila gagawin ‘yon kasi sexy star ako,” giit ni Katrina Paula.

Bumuhos ang luha ni Katrina nang pag-usapan na ang epekto ng kaso sa apat na anak.

“Carnap queen? Diyan ako nasasaktan. Hindi na ako makagalaw ng tama, tuwing maglalakad ako ang tingin sa akin na para akong kriminal. Hindi naman po makatao ‘di ba? Sorry. Siyempre ang mga mga anak ko, may pamilya rin sila, mayroon din silang mga anak. Nag-aaral ang mga anak ko. Nang-aaway na ako ng titser,” sabi ni Katrina Paula.

Ipinagtanggol pa niya si Dominguez .

“Si Mon, mabait po siyang tao, naaawa ako sa kanya. Mahal ko si Mon, hindi ako bibitaw,” aniya.

Inamin din sa wakas ni Katrina, nagbunga ang pag-iibigan nila ni Dominguez ng isang baby boy.

“May mag-iisang taon na siya, mabuti akong ina, hindi ko ipinalaglag,” lahad niya.

Nanindigan si Katrina na hindi siya dapat idawit sa pagpatay kay Rejoice Rivera ng Baywalk Bodies.

“Ano ba 'yang love triangle, ang cute ha pero naaawa ako sa kanya, condolence sa kanila pero wala, wala. Hindi ko siya nakilala o hindi kami naging close,” dagdag pa ni Katrina Paula.

Iginiit ni Katrina na inosente siya pero nirerespeto niya ang proseso ng batas.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES