Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, January 01, 2011

KC Concepcion hailed for her sweetness and good nature

Ipinanganak man na mayaman at parehong famous celebrity ang kanyang parents na sina ’Nay Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, lumaki si KC Concepcion na pantay-pantay ang tingin sa lahat at never nagyabang ng kung anong meron siya at narating sa showbiz.

Kasi naman maganda ang turo at pagpapalaki sa kanya ng beloved mom na si Shawie.

Wala man ang kanyang Papa Gabby, nandiyan naman si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na gumabay din sa mahabang panahon sa kanyang paglaki.

At kung ang ibang mga kapwa stars ni KC, nagmamaldita sa co-actors at press.

Ibahin n’yo si KC, dahil nakikita namin ni BFFT Pete Ampoloquio Jr. ang magandang attitude nito sa tuwing bumibisita kami twice a month sa studio ng The Buzz, kung saan regular co-hosts si KC ng ama at haligi ng undisputed number one showbiz -oriented talk show na globally famous TV host/philanthropist na si Kuya Boy Abunda, along with Charlene Gonzales and Toni Gonzaga.

Honestly, KC is sweet and good-natured person.

Kakaiba talaga ang PR ni Kassandra, na parating may pasalubong na ngiti sa iyo.

Kaya, ang hatol namin ni Pete, tatagal sa showbiz ang batang ito, tandaan ninyo ‘yan!

By the way, aside sa The Buzz, mapapanood din si KC with Kapamilya childstar co-hosts na sina Xyriel Manabat at Bugoy Cariño sa Star Circle Quest Search for The Next Kiddie Superstar sa Dos, after Wansapanatym.

May bago ring product endorsement ngayon si KC along with Piolo Pascual, Erich Gonzales and Enchong Dee na Real Leaf Green Tea, na gawa ng Nestea.

At ngayong 2011, may movie siyang gagawin under Star Cinema kung saan ang bago niyang magiging leading man ay si Sam Milby.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES